⚜️ Let's stop the hatred⚜️
Mellea's POV
KINABUKASAN maaga kaming tinawag ng Master namin, hindi ko pa sumisikat ang araw at sinabing na n'yang magmadali kami sa aming paghahanda dahil kailangan maaga kaming dumating sa bulwagan kung saan isasagawa ang pagsasanay.
Sa pagkakaalam ko, ang pagsasanay na iyon ay para lang sa guild namin at sa susunod na linggo lalahok na kami sa iba't-ibang guild para sa pagsasanay ng lahat na oobserbahan ng reyna at ng ibang mga Master ng iba't-ibang guild.
Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay, kinakabahan na ako. Paano kung di ko magawa ng maayos ang pagsasanay. Paano kung maibigo ko sila. Kakayanin ko ba. Ang daming tumatakbo sa isipan ko pero may isang boses lang na nagsasabi sa akin na kailangan kong maging matatag sa pagsasanay na ito.
Sa pagsasanay na ito, masusukat ang aming lakas at kakayahan na kontrolin ang aming kapangyarihan. Sa gawaing ito rin nila kukunin ang mga Knight at Fairy na bubuo sa grupo upang isakatuparan ang misyon na matagal na nilang pinaplano, ang hanapin ang batang sanggol, at pigilan ang pag-hahari ni Lord Treyvor.
Kasalukuyan akong pumipili ng damit na susuutin ko para sa pagsasanay nang biglang may kumatok sa pinto ko. Inabala ko na ang sarili ko para tignan kung sino ang kumatok sa pinto ko. Ang aga may bisita na agad ako.
"Hays, sino kaya 'to?" bulong ko habang palapit sa pinto.
"Prinsesa!" masayang bungad sa akin dalawang nilalang na nasa harapan ko ngayon.
"Anong ginagawa nyo dito?" tugon ko.
"Binibisita ka, Prinsesa!" sabay nilang sagot. Saka ko naman sila pinapasok sa kwarto ko at sumilip pa ako sa labas ng kwarto ko kung may nakakita ba sa kanila na nandito sila.
"Sino nagpapasok sa inyo dito?" nagtatakang tanong ko. Nag-aalala lang naman ako dahil baka makita sila ni Master at mapagalitan dahil pumasok sila dito sa loob.
"Prinsesa! Malaya kaming makakapasok dito dahil mabuti sa amin si Master Dymen," sagot naman ni Naro. "Ayaw mo ba kaming makita?" dagdag nya pa.
"Nakoo. Hindi naman sa ganun, nag-aalala lang ako sa inyo dahil sa pagkakaalam ko bawal magpapasok ng hindi taga-Skywater." bulong ko sa kanila.
"Kami lang kasi ang nilalang na pinapahintulutan ni Master na pumunta dito kaya wag ka na mag-alala dahil hindi nya tayo papagalitan." paninigurado ni Naro sa akin. Tumango-tango naman si Marikit sa kanya bilang pag-sang-ayon.
Hmp. Hindi naman pala masama si Master Dymen. May malambot na puso din pala sya sa mga munting nilalang na 'to.
Naupo sa kama ko si Naro at naupo naman sa balikat ko si Marikit. Paiko-ikot ang tingin ni Naro sa kabuuan ng kwarto ko at napansin ko na lumungkot ang mukha nya at pailing-iling pa.
"May problema ba, Naro?" tanong ko habang pumipili ng damit.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...