Chapter 42

47 0 0
                                    

⚜️ My identity will be hidden ⚜️


Mellea's POV

Sa Palasyo ng Constellatopia...

PAGPASOK nang tarangkahan ng palasyo, tumambad sa harapan naming ang tatlong kawal na nakapula din kagaya ng suot ni Heneral Aries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGPASOK nang tarangkahan ng palasyo, tumambad sa harapan naming ang tatlong kawal na nakapula din kagaya ng suot ni Heneral Aries. May balot na bakal ang mukha nila parang ito ay isang proteksyon para sa kanilang ulo.


Iginaya ako ni Heneral Aries sa aking daraanan at bawat bahagi ng palasyo na makita ko ay namamangha ako. Hindi ko maiwasan ang mapanganga sa kagandahan ng mga bagay na nakikita ko.


Tunay ang lahat ng bagay na nakikita ko dito sa loob. Mamalaking poste na may Corinthian na istilo ng disenyo. Mga gintong istatwa ng ibong at iba pang hayop ang naka-display sa loob. Malaking chandelier na gawa sa crystal at nakaka-lulang taas ng kisame. May mga nakapinta rito na mga anghel at bulaklak.


"Mahal na reyna." Dinig kong sabi ni Heneral Aries.


Ano daw? Reyna?


Mabilis na napalingon ako at nakita ang isang babae na naka-pandirigmang pambabaeng kasuotan. May mahaba at pulang kapa din sya ng kagaya sa akin. Marahil ganito ang suot nya dahil sa pagdiriwang. Kung titignan ko sya ngayon para syang simpleng babae na mandirigma.


"Heneral Aries." tugon nito at lumapit sa amin.


May mga kasama ang reyna na apat na babaeng nakasunod sa likod nya. Nakayuko ito at hindi tumitingin man lang sa amin. Marahil ay ito ang kanyang mga taga-sunod.


"Sya na ba si---"


"Sya na nga po mahal na reyna." Nakangiting sabi ni Heneral Aries sa reyna.


Anong bang tinutukoy nila na ako na nga?


Tumingin naman ang reyna sa akin at ngayon ay halos maluha-luha na sa sobrang saya nang magtago ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanyang tinuran sa akin. Hindi na rin ako nakapagsalita pa nang bigla nya akong yakapin.


"Umm."


"Nagagalak akong makita ka. Hindi ako makapaniwala na muli kitang makikita." Bulog ng reyna sa akin habang yakap-yakap nya pa rin ako.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon