⚜️Her Friend and Her EX ⚜️
Third Person's POV
Matapos ipakilala ang unang guild, ang Warrior's guild, isinunod naman ang pagpapakilala sa guild ng Redflames.
At nagsalita si Agameya, "Bigyan natin ng pagpupugay ang Redflames." At nagpalakpakan ang mga Pure Blood at Half Breed nang tawagin ang Redflames. Sabay-sabay silang umakyat sa entablado at bumati sa mga bagong kasapi ng bawat guild.
Pinamumunuan ito ng kanilang master na may kakayahang bumuga ng apoy ng kagaya ng isang dragon, si Sicarius. Sya ang pinaka-bata sa lahat ng master ng bawat guild, dahil nailuklok sya sa posisyon noong nag-traydor sa kaharian ang dating guild master ng Redflames na si Sanderix.
Ngayon ay isa na itong kampon ng kadiliman, pinili ng dating master ng Redflames na umanib sa kasamaan dahil na rin sa paghahangad nito ng mas mataas na posisyon sa kaharian kaya naman ng malaman ng Reyna ang tungkol sa kanyang kataksilan, hindi na sya muling pinayagang makatungtong pa ng kaharian.
Ang guild ng Redflames ay binubuo ng 30 na miyembro. Ang bawat isa sa kanila ay may angking galing sa pag-kontrol ng apoy. Kahanga-hanga ang bawat kapangyarihan na kanilang pinapakita kaya naman maituturing din na isa sila sa mga pambato ng kaharian.
Pagkatapos ng Redflames bumati sa mga baguhang kasapi ng bawat guild ay bumaba na sila ng entablado. Hindi na sila nagpakilala pa dahil sa kanilang dami kung kaya't binigyan na lamang sila ng pagkakataon na magsalita.
"Maraming Salamat sa mainit na pagtanggap nyo sa ating mga bagong miyembro," saad nya sa mga taga-Redflames matapos nitong magbigay ng kanilang mainit na pagbati.
"Sunod naman natin, ang guild na kung saan may kaisa-isang babaeng master, ang Earthings!" Muling pagpapakilala ni Agameya sa sumunod na guild.
At ganoon din ang kanilang ginawa, umakyat sila sa entablado at bumati ng pagpupugay sa mga bagong Pure Bloods.
Ang guild naman na ito ay pinamumunuan ni Amberly, s'ya ay may dugong mortal, ngunit pambihira ang kanyang kapangyarihan kung kaya't mabilis s'yang tinanggap ng kaharian at itinalaga bilang isang master ng Guild.
Ang mga taga-Earthings ay nagtataglay ng kapangyarihan mula sa kakayahan ng kapaligiran kagaya ng mga puno, halaman, hayop at maging ang apat na elemento at kaya nilang kontrolin. Ito ay malugod na ibinigay sa kanilang ng Inang kalikasan kung kaya't malaya nilang makakamit ang kapangyarihan ng kalikasan.
"Maraming Salamat, Earthings! Ngayon naman ay tawagin nating ang Uniquesig!" pakilala ni Agameya sa mga taga-Uniquesig.
Kung ang kapangyarihan ng Earthings ay nangagaling sa kalikasan, ang guild naman Uniquesig ay nagtataglay ng kakaiba kapangyarihan na hindi mo akaling sa kanila mo lang makikita ang ganoong kapangyarihan. Sa guild na ito matatagpuan ang mga matatalino at malikhaing mga Pure Bloods at Half Breed.
Pinamumunuan ito ni Rhenur, ang lalaking may mahaba at puting buhok. Madalas s'yang may hawak na rosas kung kaya't napagkakamalan s'yang bakla sa mundong ito ngunit hindi dahil isa s'yang mahusay na master ng kanilang guild.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...