⚜️ Stygian Book⚜️
Mellea's POV
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa ingay ng dalawang boses na naririnig ko, malapit sa tabi ko. Napamulat ako na kinusot ko ng bahagya ang mata ko saka tuluyang nakita ang dalawang nilalang na nasa harapan ko ngayon.
Kapwa sila nakatingin sa akin na parang gulat na gulat na may halong pag-aalala. Umupo ako at tinignan sila ng nagtataka.
"Bakit ganyan kayo makatingin? Saka anong nangyari?" tanong ko sabay kapa sa noo kung may piraso ng dahon.
"Prinsesa, kamusta ka na?" tanong ni Marikit sa akin.
"Mabuti naman ako," at tila nabuhayan sila sa sinabi ko.
"Mabuti kung ganun," aniya. "Teka anong bang nagyari? Saka saan si Gideon?" sabat ko naman.
"Hindi ba't kami dapat magtanong nyan sayo? Anong nangyari kagabi?"
Napaisip naman ako at pilit na binabalikan ang nagyari kagabi. Kinutuban naman ako nang mapagtanto ko kung sino 'yong babaeng kalaban namin kagabi. Sya 'yong babaeng niligtas ko noon, at sya rin 'yong babaeng nakakuha ng kwintas ko.
"Sandali! Nasaan 'yong babaeng nakaharap namin kagabi?"
"Bakit prinsesa?" nagtatakang tanong ni Marikit.
"Basta." nagmadali akong bumangon. Pinipigilan pa nila ako pero hindi ako tumigil. Patakbo na sana ako sa pinto nang biglang sumulpot si Gideon sa harapan ko dahilan para makapahawak ako sa dibdib nya.
Napakalaki naman kasing lalaki nito.
Napatingala na lang ako nang bumangga ako sa kanya. Kapwa nagtagpo ang mga mata namin at ako naman iwas aga dng tingin. Umatras ako ng bahagya at natigilan.
"Saan ka ba pupunta?" malamig na tanong nya.
"Yong babae kagabi, kilala ko sya?"
"Wag mo na munang isipin 'yon, si Master na ang bahala sa kanya."
"Pero?!"
"Wag ka nang umangal, pwede. Magpahinga ka na lang dyan. Alam kong maraming lakas ang nawala sayo."
"Ayos naman ako." Hinawakan na nya ako sa balikat para pabalikin sa kama ko pero pumipiglas pa rin ako. Kailangan ko silang balaan na wag magtiwala sa babaeng 'yong dahil baka kalaban sya.
"Elyenna."
"Prinsesa!"
"Ayos nga ako. Kailangan ko pumunta dun ngayon." At sa pagpupumiglas ko nahampas ko ang braso ni Gideon dahilan para mangiwi sya.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasiA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...