Chapter 9

52 3 0
                                    

 ⚜️ Behind those surprises⚜️

Prince's POV

Ang dami kong rebelasyon na nalaman kay Mellea. All this time may gusto na pala ako sa kanya. Simula pa nung nakita ko sya sa backstage para iabot 'yong mga bulaklak. Hindi ko lang pinapansin 'yong nararamdaman ko kasi naka-focus ako kay Teffanie nun.




Pwede palang magkagusto sa taong hindi mo nakikita dahil sa mga ginagawa nito sayo.





"Alam mo minsan natatakot ako eh kasi iniisip ko na baka pati sa cr sinusundan mo ko?" pang-aasar ko sa kanya para naman sumaya 'yong paligid namin. Kanina pa kasi kami nagseseryoso.





"Oy hindi no? Syempre alam ko din naman 'yong salitang 'privacy', hindi naman ako maniac no?! Sino naman magkaka-interes sa katawan mo?" sabi nito sabay taas ng kilay sa akin.





"Oh talaga ba? Kaya pala halos pagnasaan mo na 'yong mukha ko kanina sa bookstore." natatawa kong sabi sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nya sa pagkagulat sa sinabi ko.





"Hala? P-paano? Don't tell me hindi ka tulog kanina?" nagtataka nyang sabi tapos turo pa ng daliri nya sa akin.





"Hahaha eh sino ba kasing nagsabi na natutulog ako. Eh nakikinig lang naman ako ng music." sabi ko na halos matawa naman ako sa reaksyon ng mukha nya.





Tinawanan ko lang sya ng tinawanan hanggang sa magsawa ako. Napansin ko naman na namumula na ang mukha nya sa inis kaya tumigil na ako baka kasi maging toro nya sya at suwagin pa ako.




Ilang sandali pa ang lumipas na katahimikan lang bumalot sa amin. Bigla ko naman naalala na may gusto pa pala akong malaman at itanong kay Mellea.





"Diba sabi mo tama na, ibigsabihin ba ng tama na 'yon eh wala ka ng nararamdaman sa akin." seryosong tanong ko sa kanya.




Tumingin naman sya sa akin ng blangko. Hindi ko tuloy malaman kung meron pa ba o wala na.





Huminga muna sya ng malalim. "Prince, alam mo ba, malapit na akong ma-fall out sayo. Konti na lang mawawala na 'yong feelings ko sayo pero nitong isang gabi lang nung Junior and Senior Freedom Night nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi ko alam pero sa isang iglap ito na, nandito ka na kausap ko, kaharap ko halos abot kamay ko lang..."






Umiwas naman sya ng tingin sa akin at pinagpatuloy ang pagkikwento.





"...alam mo balak ko talaga na last goodbye na 'yon eh nung nagbigay ako ng gift sayo, dapat last na 'yon eh kaso wala eh. Hindi na talaga ako ulit magbibigay sayo ng regalo or mangungulit sayo kasi nasasaktan lang ako, pero biglang ito na nandito na tayo. Tapos bumalik na naman lahat. Nag-confess na ako sa letter dun, sinabi ko na dun lahat-lahat sabi ko sa sarili ko bahala na basta aamin na ako pero ang nangayari ito, ganito na. "





Hindi ko tuloy sya maintindihan kung saan nanggagaling ang lakas ng loob nya na sabihin lahat ng 'to sa akin. Nakakapanibago lang na may mga kagaya nya pa rin palang babae na prangka magsalita.





Hindi ko alam e, pero everytime na magsasalita sya may kakaiba akong nararamdaman. Bakit ba kailangan n'yang maging honest sa nararamdaman nya sa akin?





"Talaga bang nasa letter 'yon?! Hindi ko kasi binasa eh." sagot ko sa kanya.





Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon