Chapter 3

92 6 0
                                    

⚜️Crushmate⚜️

 

Mella's POV


Nagising akong nang marinig ko ang pag-sigaw ni mama sa akin. Napabangon ako nang di-oras dahil sa gulat ko nang marinig ko sya. Ang sakit tuloy ng ulo ko.

"Nak, gumising ka na! Anong oras na 'to?" pang-gigising nya sa akin.



Hays, hindi naman ikaw ang mali-late ma eh bakit ganyan ka?


Ang ganda pa sana ng panaginip ko. Sa isip-sip ko.



Kaya kahit nahihilo pa ako gawa ng bigla akong nagising sa ingay ay bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ako ay umalis na ako kaagad at nagpaalam kay mama. Hindi na ako kumain.



Tinext ko lang si Seb para sabihing papunta na ako ng school.


Papunta na ako. Hintayin na lang kita sa may entrance. --ako

Okay. I'm on my way na din. --sya.

Sebry's POV

Pagka-end ng call ni Mellea ay agad na akong nagpaalam kay dad na papasok na school.



Lumapit ako sa kanya, "Dad. Alis na ako." then, kiniss ko sya sa kanang pisngi nya.



"O sige. " aniya sabay abot nya sa akin ng baon ko.


"Thank you, Pa." tugon ko.



Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto ng bahay namin.



"Sebry anak, kapag may mapansin kang pagbabago sa katawan mo o sa sarili mo mismo, sabihin mo kaagad sa akin. Wag kang maglilihim." Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni dad sa akin.



Hindi ko kasi sya maintindihan kung anong pagbabago ba ang sinasabi nya. Wala akong maisagot sa sinabi nya kaya nagbiro na lang ako.



"Kagaya ng ano dad? Pagtubo ng mga buhok ko sa katawan? Hahaha." pabirong sabi ko kaya naman natawa sya.




Napapansin ko na nitong mga araw, kung anu-ano ang sinasabi nya sa akin tungkol sa pagbabago ko sa  katawan o di kaya sa mga bagay na kahina-hinala. Ewan ko, basta nagtataka na talaga ako.




"Ah basta anak kahit anong pagbabago na mapapansin mo ay sabihin mo agad." seryoso nyang sabi sa akin.

Ngumiti na lang ako bilang ganti sa sinabi nya. Umalis na ako at pinagpatuloy naman nya ang pagbabasa ng newspaper.



Anong kaya 'yong gustong sabihin sa akin ni Dad?


Hindi ko man maintindihan si Dad sa sinabi nya, pinilit ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Lumipad ang isip ko at nakalimutan na ang sinabi ni dad. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa school na dumiretso kaagad sa entrance ng campus.


"Sebry!" sigaw ni Lea ng makita ako. Kumaway pa ito at sinalubong ako palapit.



"Sorry. Late na ba ako?" tanong ko ng makalapit na sya sa tabi ko.



"Hindi naman. Medyo lang haha." sagot nya sabay ngiti sa akin. At pumulupot sya sa braso ko.


Naglakad na kami papunta sa dean para i-submit ang mga requirements para maka-enroll na kami. Bago palang kami mag-eenroll dahil inabot kami ng katamaran namin nung nakaraan ni Lea.



Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon