⚜️Deceive by Jealous Love ⚜️
Prince's POV
Nang matapos kami sa pagkain, agad din kaming lumabas nang kainan na iyon. Nauna akong lumabas at naiwan pa ang dalawa sa loob para bayaran ang lahat ng nakain namin. Naparami din kasi kami ng kain. Mas okay na rin 'yong ganito dahil mahaba-habang paglalakabay pa ang gagawin namin bago kami makabalik sa Constellatopia. Saka isa nasa labas kami ng kaharian kaya malaki ang posibilidad ng panganib sa amin ngayon.
"Bakit ba ang tagal ng dalawa?" Reklamo ko sa sarili habang pilit na sinisilip sila sa loob.
Nandito na ako ngayon sa labas at hinihimas lang mga kabayo. Pinagmamasdan ang kahabaan ng lungsod. Mga taong abala sa pagbebenta ng mga kalakal nila. May mga ilan sa paligid na nag-iingay dahil nagsusugal. Mga matatandang may dalang bagong aning gulay na kanilang binagbagsak sa mga tindihan. May mga bata din naglaalaro sa paligid, may ilan na kinakalabit ang laylayan ng dami ng kanilang ina para sa bagay na gusto nilang bilhin.
Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa tatlong batang lalaki na may kasamang babae. Naglalaro sila ng nakakarerahang mga suso at pagong. Hindi ko maiwasan na maalala yung panahon na ganyang kami kalapit nila Gideon nung di pa nangyayari yung sigalot sa pagitan ng mga pamilya namin. Ako, si Serron, si Andrexa at si Gideon ay sobrang napakalapit noon na tila ba di na kami mapaghihiwalay.
At sa isang iglap nagbago ang lahat, kahit ano pang pilit naming ayos sa samahang nawala ay wala na akong magagawa kundi ang hayaan na lang sya kung saan sya masaya. Pero hindi nagsasara ang mundo ko para sa tanggapin muli ang dati kong kaibigan.
Habang naaaliw ako sa kanila sa panonood, may isang matandang lalaki ang bumangga sa akin. Nahulog ang dala-dala nyang mga prutas kaya agad ko naman itong dinampot at inabot sa kanya. Hindi ko talaga sya napansin dahil sa dami ng taong dumaraan pero may kakaiba akong naramdaman nang mahagip ng mata ko ang mukha nya. Nakasuklob sa ulo nya ang isang mahabang kapa kaya di ko masyadong naaninagan ng buo ang mukha nya.
"Salamat, Prinsipe Cleyton..." sagot nya sa akin nang nakayuko at saka mabilis na kinuha ang prutas. Naglakad na sya palayo at natigilan ako sa sinabi nya dahil paano nya nalaman ang pangalan ko. Napakunot-noo ako at napaisip ng malalim kung sino ang matandang iyon.
"Mag-iingat kayo pabalik ng Constellatopia. Mapanganib ang inyong susuungin." dugtong nya pa.
Ilang segundo pa akong natulala sa kinatatayuan ko bago ko sya nilingon pero sa paglingon ko wala na sya. Mabilis na syang nawala sa paningin ko. Umikot ang paningin ko sa buong paligid pero di na natagpuan ng mga mata.
Nadisyma ako sa ginawa ko dapat sa oras pa lang na sinabi nya 'yun, hindi ko na sya hinayaang mawala sa paningin ko. Bakit parang pakiramdam ko may alam sya sa mga nangyayari. Ang lakas ng kutob ko na marami syang alam. Sa sinabi nya para talagang may mangyayari. Hindi ko alam pero may kung ano sa loob ko na gustong maniwala sa kanya.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok ulit sa loob ng silid-kainan para sabihan na silang magmadali. Sakto naman na palabas na rin sila. Gulat na gulat pa sila ng makita ako na nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...