Chapter 48

30 0 0
                                    

⚜️First Encounter⚜️


Mellea's POV

Hindri rin nagtagal nagka-ayos na kami ni Gideon. Sa ngayon, nakaupo pa rin sila sa tabi namin at hindi naman sila nanggugulo sa amin ni Suberbia. Tahimik s'yang nakikinig habang hindi naman ako mapakali sa tuwing magtatama ang mga balikat namin kaya naman umuusod ako palayo sa kanya para maiwasan lang ang pagdikit ng mga balikat namin.


"Simulan na natin ang pagsasanay." utos ni Master Dymen. Agad namang bumaba sa kinauupuan nila ang grupo ni Gideon at lumapit kay Master.


Naiwan kami dito at ang iba na sa kalkulasyon ko ay nasa limampu kami. Ganito kami kadami at ang iba sa kanila ay hindi ko kilala at hindi ko rin nakakausap. Sa pangatlong araw ko dito, si Suberbia at Janus pa lang ang ang nakilala ko't nakakausap.


Gusto ko naman makipag-kaibigan sa kanila kaso palagi akong nawawalan ng lakas ng loob na lumapit sa kanila. Siguro mabuti na rin na konti lang ang nakakakilala sa akin para maingatan ko ang aking pagkatao.


Pinatayo na kami ni Master at pinapila sa limang linya. Ang bawat grupo at may tig-sasampung miyembro. Nagkahiwalay kami ni Suberbia at napunta sya sa ibang grupo. Nakatayo pa rin sa tabi ni Master Dymen si Gideon at ang kasama nya para tulungan si Master na magbantay sa amin.


"Sumunod kayo sa akin!" sigaw ni Master Dymen st sumunod naman ang unang linya ng pila sa kanya palabas sa isang pintuan na gawa sa kahoy.


Pagkatapos nila at sumunod na rin kami at lumabas kami sa isang malawak na lugar kung saan may malapad na platform ang nakalatag sa gitna. Napapalibutan kami ng mga puno at berdeng-berde ang mga maliliit na damo sa paligid.


"Dito sa lugar na ito isasagawa ang pag-eensayo," saad ni Master Dymen na may mataas na tono ng pananalita para marinig namin dahil nasa open-space kami na lugar.


"Lahat kayo ay dadaan sa matinding pagsasanay at dapat mapasa nyo ang lahat ng pagsusulit na ipapagawa namin sa inyo." dagdag nya pa habang palakad sa lakad sa harapan namin. Tumangon naman kami bilang pagsang-ayon sa kanya.


Naramdaman ko ang pag-dampi ng malamig na hangin sa akin kaya naman napapikit ako at huminga ng malalim dahil sa napaka-sariwa nitong dala sa amin. Napamulat akong muli at nakita ko ang marahan paggalaw ng buhok ni Master dahil sa hangin.


Hindi talaga ma-itatanggi na napaka-gwapo ng Master namin. Nakasuot sya ng isang mahabang kasuotan na hanggang paa at kulay puti ito. Sumasampay naman sa kanyang balikat ang ibang hibla ng kanyang buhok na abot hanggang beywang nya.


Tama kayo. Mahaba ang kanyang buhok na parang karakter lang sa mga fantasy anime na napapanood nyo. Pulang-pula ang kanyang labi at bilog ang mga mata na may mala-asul na kulay.


"Ang unang araw ng inyong pagsasanay ay ang paggamit ninyo ng inyong pisikal na lakas. Ituturo namin sa inyo ang mahusay na paggamit ng bawat bahagi ng inyong katawan na magagamit nyo sa pakikipaglaban." paliwanag ni Master sa amin.


Ibigsabihin lamang nun ay matutunan namin sa araw na ito paggamit ng amin lakas gamit ang katawan na hindi gumagamit ng kapangyarihan. Sa madaling salita, sasanayin kami na matuto sa pang-depensa sa kalaban.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon