Chapter 33

40 2 0
                                    

⚜️ You fight with me ⚜️ 


Sebrys's POV

Sa kaharian ng Constellatopia...

Maaga akong umalis nag school dahil ang sabi sa amin, half day lang ang pasok ngayon. Nagpaalam lang ako kina Prince at Mellea na may pupuntahan kami ni dad. Sa totoo lang ayoko na talaga na nagsisinungaling sa kanila kung saan ako pumupunta kaso wala akong magawa kundi ang magsinungaling sa kanila. 


Nagiguilty na nga ako kasi di ko na nakakasama si bestfriend. Palagi ko na lang sinasabi na babawi ako sa kanya pero hindi ko naman nagagawa. Ang unfair kong kaibigan. Lahat ng bagay sinasabi sa akin ni Mellea pero ako di ko magawa.


Ays. Kung di naman confidential ang pagkatao ko, di naman ako maglilihim e.


Ito na nga, bumalik kami ulit ni dad dito sa kaharian ng magaganda este ng Constellatopia para tulungan ang mga Pure Blood na planuhin ang ekpedisyon sa paghahanap ng kumadrona. 


Naniniwala ang buong kaharian na ito na lamang ang tanging paraan para mahanap ang nawawalang sanggol na sinasabing magwawakas sa lahi ng mga constellatopian. Pero dahil desidido sila na mahanap ang batang 'yon na syang dalaga na ngayon ay gagawin nila ang lahat para sa ekspedisyong ito at kasama ako doon.


Mukhang kailangan ko na 'atang mag-drop para makasama sa ekspedisyon na 'yon. Mukha naman di ako pipigilan ni dad dahil sya naman ang may nais na mag-focus na ako sa buhay ko dito sa mundo ng mga immortal. Kaso iniisip ko si Mellea, malulungkot 'yon kapag nalaman nyang aalis ako at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa nga ba ako sa mundo ng mga mortal. Naiiyak ako. Ayoko na nga isipin pa 'yon. Bahala na.


Nandito ako ngayon sa silid ko, sa Stonehard Guild, inaayos ko ang mga gamit ko sa drawer na gawa sa kahoy. Hindi sementado ang gusali ng Stonehhard dahil mahal na mahal nila ang natural reasources kaya ito, native style ang datingan ng guild namin.


 May mga bahagi din naman na yari sa matitigas at mamahaling bato na kung ibebenta ko sa mundo ng mga tao ay yayyaman na ako. Tiyak na limpak-limpak na pera ang maiipon ko kapag kumaha ako ng maliit na tapyas nito. Pero syempre, hindi ko gagawin 'yon. Mahirap nang maparusahan ng Divine Kingdom.


Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit, lumabas na muna ako ng guild. Nakita ko sa daan ang iba't ibang mga kasapi nito na aligaga sa mga kanya-kanya nilang gawain. May mga nagbubuhat ng mga dayami at nililipat sa likuran ng guild. 


Ang ilan naman ay nag-eensayo, ang iba ay nagluluto at syempre ang iba na walang magawa ay pinagtitripan ang mga kasama nila. Nagtatawanan sila at ang saya-saya nilang tignan.


Mabuti pa dito, magkakasundo silang lahat parang pamilya talaga. Hindi katulad doon sa school namin sa mundo ng mga tao, mga plastic na nga ang mag tao doon wala pang malasakit sa isa't-isa. Iilang lang ang may mabubuting puso.


Hays!


Habang nakatayo ako dito sa labas at nililibot ang paningin ko, may isang babae ang lumapit sa akin. Nangingintab ang buo nyang katawan at ang ganda nya. Para syang dyosa ng mga bituin.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon