Chapter 54

24 1 0
                                    


⚜️Evanthia: The Tears of Mermaid⚜️

Sa kaharian ng Constellatopia...

Third Person's POV


Palubog na ang araw nang makarating sa kaharian ang mensaherong inutusan ni Cleyton. Mabilis na dumiretso sa palasyo ang mensahero upang ipag-bigay alam ang masamang balita sa reyna. Nagmamadali itong pumasok sa loob at sapilitang pumasok sa loob.


Hinarang naman sya ng kawal na nakabantay sa labas ng palasyo. "Paumanhin ginoo. Ano po ang pakay nyo? Namamahinga na po ang reyna sa mga oras na ito." tanong nito.


"Paraanin mo ko! Mahalaga ang balitang dala ko para sa reyna." nagmamadaling sabi ng mensaher.


"Paumanhin po. Ngunit di maaaring abalahin ang reyna." Magalang na saad ng bantay.


"Hindi mo nairinig ang aking sinabi?! Nais kong makita ang reyna dahil nasa panganib ang Prinsipe!" bulalas ng mensahero sa bantay. Nanlaki ang mata ng bantay at di na nakapag-salita pa. Nataranta ito nang marinig ang sinabi ng bantay. Agad na pinagbuksan sya ng pinto.


"Patawad po." yumuko ang bantay dahil sa pagiging mahigpit nito.


Hindi na sya pinansin ng mensahero at tumakbo na papasok sa loob.


Nang makapasok sya, naabutan nya sa loob si Heneral Aries na kalalabas lang sa isang silid. Umikot ang mata ng mensahero sa paligid. Hingal pa ito at hinahabol ang paghinga. Hinahanap ng mata nya ang reyna ngunit di nya ito nakita.


Lumapit agad sya kay sa Heneral at inabot ang maliit na bolang kristal.


"Heneral Aries! Kailangan nyo po itong makita." aniya sabay abot ng bolang kristal.


Hindi na nagtanong pa si Heneral Aries dahil bakas sa mukha ng mensahero na masamang balita ang dala nya. Agad nyang binasag sa sahig ang bola at lumabas ang isang itim na usok - indikasyon na may masamang nangyari.


Pinanood ng Heneral ang nangyaring labanan sa pagitan nila Cleyton at Dyseus. Naalarma ang Heneral nang makitang nasugatan ang Prinsipe. Mababakas sa mukha nya ang pag-aalala at pangamba. Hindi na pinatapos pa ng Heneral ang panonood. a


"Heneral! Ano pong gagawin natin?" sambit nang mensahero sa Heneral na pinagmamasdan pa rin ang pangyayari.


Maya-maya pa'y may sumabat na babae sa likod.


Hindi nila namalayan na nasa likod pala ang reyna kasama ang kanya mga bantay.



"Ipaliwanag mo kung anong nangyari sa aking pamangkin?!" Nag-aalalang tanong ng reyna sa mensahero.


"Paumanhin po sa aking pang-aabala at sa masamang balita na aking dala. Ngunit, kailangan po ng Prinsipe ngayon ng tulong. Lubhang napakarami po nila."

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon