Chapter 34

37 2 0
                                    

⚜️ Darkest Minds ⚜️

 

Mellea's POV

MABILIS na lumipas ang mga araw at natapos na naman ulit ang isang buwan. Panibagong buwan na may kalakip na mas matinding panganib. Ilang araw na ako di makausap ng maayos ni Prince dahil wala talaga ako sa mood kung makipag-usap. Hindi ko nga alam kung ano nangyayari sa akin, kung bakit ang bilis mag-init ng ulo ko, naiirita ako at ayaw kong may kasama.


Ayaw ko naman na maging unfair kay Prince dahil wala syang ibang ginawa kundi ang kausapin at samahan ako kahit na nagsusuplada ako sa kanya. Kapag feeling kong sasabog na naman ako sa inis, nagwa-walkout na lang ako dahil ayaw ko na maulit 'yong away naming nung nakaraan buwan. Para mapupunit 'yong puso ko kapag naiisip ko ang bagay na 'yon. Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan sya nang dahil sa akin.


"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Prince sa akin.


Tumango naman ako. "Oo nga. Okay lang ako." Walang ganang sagot ko.


"Sige. So paano tawagan na lang kita mamaya? Mauna na akong umuwi."


"Oo." Tipid na sabi ko. Saka sya umalis at iniwan na ako sa labas ng bahay namin. Nilakbay ko lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng pag-inis sa sarili ko.


Bakit ba di ko magawang maging masaya sa harap ni Prince?


Bakit ba ko nagkakaganito?


I know na he's doing his best para pasayahin ako at damayan ako sa pinagdadaanan ko ngayon pero di ko lang talaga magawa-gawa ad I hate my self for that. Nasasaktan ko na ng husto si Prince. Parang di ito 'yong relationship na gusto ko. 


Parang sya na lang ang kumakapit at ako 'tong dahan-dahang bumibitaw. Naiinis na ako. Ayoko na mauwi kami sa hiwalayan ni Prince. Mahal ko sya. Hindi lang talaga ako makapag-focus ngayon dahil sa mga nangyayari.


Napasinghap na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Nadatnan ko si mama na wala sa loob. Siguro mamayang gabi pa sya makakauwi. Nagluto lang ako ng pagkain namin ni mama. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto at umidlip muna. Pagdating na lang ni mama ako kakain. Boring kasing kumain kapag walang kasabay.


Prince's POV

Umuwi ako ng bahay na lutang ang isip. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kay Mellea. Palagi syang tahimik at tila walang gana tuwing nasa school kami o di kaya naman nagkakatuwaan kami nina Sebry. Kung minsan nasa isang tabi lang at ang lalim ng iniisip. Nito kasing mga nakaraang araw, hindi ko na mabasa ang nasa isip nya. Parang hindi na sya si Mellea na nakilala ko.


Pero dahil mahal ko sya, kahit ano pang pagsusungit nya at pagbabago ng ugali nya, kakayanin ko. Hindi ko sya iiwan lalo na ngayon na alam kung mas kailangan nya ako. Kahit itulak nya pa ako palayo sa kanya, di ako lalayo.


*tok..tok..tok*


Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon