TOIL 77

152 14 37
                                    


Maganda pa kayo sa umaga.

Hi mga bhe, I’m back. It has been a really long while. Pagpasensyahan n’yo na. Sobrang busy din kaya ‘di masyadong makabalik dini.

Below is an update para sa lahat ng matiyagang naghihintay pa rin sa takbo ng kwentong ito. Sana naman ay samahan n’yo pa rin si Jac hanggang sa huli. ‘Yon nga lang hindi ganoon kabilis ang kaniyang journey but then still hoping na makasama n’ya kayo hanggang sa kahuli-hulihan. 

Please don’t forget to keep safe and stay healthy. Mahal ko kayo mga bhe. Mwuaaahhhhuggggz.

-MhireJed/ItinakdangAsul



TOIL 77

JAMES


Inihinto n’ya na ang sasakyan sa tapat mismo ng mansyon ni Mrs. Matienzo pero wala s’yang narinig na kahit ano mula kay Jac. Mula sa resto hanggang sa maihatid n’ya si Ella tapos hanggang dito ay nananatiling walang imik si Jac. Sinulyapan nya muna ito at saka tinanggal na n’ya ang seatbelt. Akmang bubuksan na n’ya ang pinto ng sasakyan para lumabas pero napigilan ‘yon nang magsalita na ito.

“Why’d you have to say that?” mula sa unahan ay ibinaling nito ang tingin sa kanya. Alam n’ya kung ano ang tinutukoy nito pero ewan n’ya ba kung bakit parang hindi naging maganda sa pakiramdam n’ya ang tanong nito.

“Wala pa akong sinasabi.” He tried to crack a joke and smiled at her pero nanatili ‘yong seryoso.

“Akala ko ba walang sekreto? Ano ‘yon? Bat ganun? Bat nag-announce ka ng ganun?” nawala ang ngiti sa labi n’ya. “We’re not yet ready. I’m not yet ready to marry you James. Marami pa akong dapat gawin. Marami pa akong dapat tapusin. So how can you easily say something like that without consulting me first?”

“Diba doon din naman ang punta natin? Magpapakasal din naman tayo. Kung anuman ‘yong mga dapat mong gawin at tapusin, gagawin natin ng magkasama while you’re carrying my surname.” Sinikap n’ya muling ngumiti pero mabilis din ‘yong nawala nang makita n’ya ang frustration at disappointment sa mukha ni Jac.

“James naman. Marriage is a serious—”

“Bakit? Ayaw mo bang ikasal sa’kin?” sabad n’ya dito.

“Hindi sa ganun but then—”

“Then marry me. That way we can stop your mom from leaving and—”

“OF COURSE NOT!” natigilan s’ya sa bulalas nito. “Wala s’yang paki sa’kin so kahit ikasal pa ako sa’yo ngayon, mamaya o bukas. Aalis pa rin s’ya! Don’t be so immature James!” natigilan s’yang saglit sa tinuran nito. Kitang-kita n’ya sa mga mata nito ang disappointment.

“Hindi ka galit dahil ini-announce ko ‘yon. Galit ka dahil aalis ang mama mo diba?” sumeryoso na rin s’ya. Nakita n’yang saglit na kinagat ni Jac ang ibabang bahagi ng labi nito. “You’re frustrated dahil gusto mo s’yang pigilang umalis, diba?”

“OO!” bulalas nito na hindi n’ya inasahan. “I’m sorry. I’m just—nevermind.” iniwas nito ang tingin sa kanya at saka inalis na rin ang suot na seatbelt pakuway umakmang lalabas ng sasakyan pero mabilis n’ya yong pinigilan.

“I’ll help you. I’ll talk to her. I’ll tell her na ‘wag s’yang umalis. I’ll tell her na—”

“Hindi s’ya maniniwala sa’yo. Kahit lumuhod ka pa sa harap n’ya, James. Hindi s’ya maniniwala sa’yo.” Putol nito sa mga sasabihin n’ya pa sana.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon