TOIL 42

237 75 16
                                    


TOIL 42
MRS. MATIENZO

She is really sure about the success of the party held last night. She's even smiling while staring at the screen of her phone. Jac is all over the news but what made her smile even more is a certain photograph.

"I'm sorry Mam, wala na akong nagawa to stop the photos from being published." Nakangiti lang s'yang umiling-iling sa tinuran ng kanyang secretary.

"It's okay, Krystel. You don't need to worry." Aniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa picture ni Jac na yakap ni James. "Heiress of LM Investment Holdings Incorporated is secretly dating the young CEO of Reid's Corporation." natawa s'ya nang basahin ng malakas ang balitang 'yon. "My daughter suddenly became the talk of the town. A good start."

"Si Jac?" Ibinalik ang tingin sa sekretarya. Naririto s'ya ngayon sa opisina. For some reason, pakiramdam n'ya may mga unexpected guest s'yang darating. That idea made her smile even wider.

"I called her mam, ang sabi n'ya po naghahanda na po s'ya for her meeting with Ms. Lexi." Tumango-tango naman s'ya ng marahan. "Have you reserved that place?" makahulugang tanong n'ya dito na mabilis naman nitong tinanguan. Sumandal s'ya sa malambot n'yang upuan at saka muling mas lumawak ang ngiti.

"Why do I feel like someone's coming, Krystel?" makahulugan muling pahayag n'ya kasunod nang pagtunog ng kanyang handphone. "Look who's calling." Aniya at saka mas lumapad pa ang kanyang ngiti.

"Hello, Lexi?" bungad n'ya.

"I'm in your company Tita. We have to talk." Sagot naman ni Lexi sa kabilang linya. Narinig n'ya ang pagtunog ng elevator mula sa tawag nito. Mukhang naririto na nga ito.

"Salubungin mo si Lexi. She's coming." Aniya na mabilis namang tinanguan ng kanyang sekretarya. "It's working Jac, it's working." Mahinang sambit n'ya nang makalabas na ang sekretarya sa opisina. "Way to go." Dugtong pa n'ya kasabay ng muling pagngiti ng malapad.

Bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Nakita n'yang nakatayo na doon si Lexi habang nasa gilid naman nito si Krystel—ang sekretarya n'ya. Sinalubong n'ya ito ng ngiti kasabay ng pagbeso n'ya dito.

"You surprised me, Lexi." Aniya at iginiya 'yon sa couch na nasa harap lang ng table n'ya.

"Not as much as you surprised me I mean us last night." Sagot naman ni Lexi sa kanya kasabay ng pag-upo nito sa malambot na sofa. Natawa naman s'ya ng marahan sa tinuran nito.

"Well. What brings you here?" aniya at saka dumekwatro na rin.

"Who is she, Tita?" nagsalubong ang kilay n'ya sa tanong nito kahit alam naman n'ya kung sino ang tinutukoy nito. "Oh, come on Tita. You knew who I'm referring to." Anito pero mas pinili n'yang ngumiti at tingnan lang ito. "Si Jac? She's not your daughter right? She can't be your daughter. She can't be Kriskah's sister!"

Hindi n'ya inalis ang ngiti sa labi. Kalmado pa rin s'ya sa sinabi nito. Tiningnan n'ya si Krystel at nakuha naman kaagad nito ang titig n'ya dahil lumabas na rin ito kaagad ng opisina.

"Hindi ako naniniwala na anak mo s'ya. She's the reason why Kriskah, died, remember Tita? So how can a murderer like her be your daughter? That does not make sense!" Napansin n'yang medyo tumaas ang boses nito. Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto sa ideya na si Jac ay anak n'ya nga.

"Tita." Muli ay napataas ang boses nito.

"Lexi." Sansala n'ya naman dito. "Calm down, will you?" kalmado pa ring sambit n'ya. "Iha, you're quite stressed out. Did you have a good sleep last night? You look terrible right now. Look at yourself." Sa halip ay saad n'ya dito.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon