TOIL 18

281 74 2
                                    

Katahimikan ang bumalot nang maiwan silang dalawa sa mesa. Patuloy lang 'yon sa pagkain habang huminto s'ya at pinagmasdan lang 'yon.

"Hindi n'yo ba talaga ako nakilala?" basag n'ya sa katahimikan.

"Excuse me iha?" balik tanong nito sa kanya.

Binitiwan n'ya ang kutsara sa babasaging plato tanda ng lalong disappointment.

"Hindi n'yo hu ba ako nakikilala?" She repeated her question pero nanatiling nakatitig 'yon sa kanya. "So hindi mo nga ako nakilala? Gusto mo magpakilala ulit ako sa'yo?" aniya at huminga muna ng malalim. "Ako lang naman 'yong batang nawalan ng ama at kapatid sa murang edad. Ako lang naman hu 'yong batang iniwan n'yo noon. Ako lang naman hu 'yon batang umaasang hinahanap n'yo at naghihintay na babalikan n'yo noon. At ang masakit sa lahat ako pa rin 'yong batang 'yon hanggang ngayon." aniya kasabay ng pagpipigil na lumuha ngunit kusang umagos 'yon.

Hindi na n'ya napigil 'yon. Pabalya n'yang pinahid ang pagdaloy ng luha sa pisngi

"Ako pa rin 'yon hanggang ngayon pero sobrang sakit lang hung malaman na parang kahit kailan hindi n'yo na ako hinanap at wala na kayong balak na balikan ako dahil may iba na kayong pamilya." aniya at ipinagpatuloy ang pabalyang pagpahid sa naglalandasang luha.

Noong mga pagkakataong 'yon nakita na n'ya ang tubig na pumatak sa mukha ng ina. Sigurado s'yang katulad n'ya ay lumuluha din 'yon.

"Patawarin mo ako." sambit nito na animo'y biglang kumurot sa puso n'ya.

"Ni hindi man lang ba sumagi sa isip n'yo o hindi n'yo man lang ba na-realize na baka anak n'yo na 'yong kinukwentong Jamille sa'yo ni Alex? Na baka ako 'yon?" aniya.

"To be honest, I never really think na baka ikaw 'yon. Hindi ko rin hiniling na sana nga ikaw 'yon. Pero maniwala ka sa'kin. Araw-araw kitang iniisip. Hindi kita nalimutan kahit minsan." Pahayag nito na lalo lang kumurot sa puso n'ya.

"Kung hindi n'yo ako nalimutan bakit hindi n'yo man lang ako nakilala kanina. Na kailangan ko pang sabihin ang buo kong pangalan bago n'yo marealize na anak n'yo ako?"

"Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ako." anito at hinawakan ang kamay n'ya pero tinabig n'ya.

"Ang tagal ko kayong hinintay. Sa sobrang tagal hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakita ko na kayo. Pero bakit ngayon pa? Bakit sa pagkakataon pa na unti-unti ng nawawala 'yong galit ko sa inyo at sa ibang tao. Bakit ngayon pang unti-unti na akong nabubuo sa pamamagitan ni Alex? Bakit ngayon pa kayo nagpakita?" aniya may himig panunumbat.

"Wala akong ibang ninais kundi ang makita ka Jamille. Hindi mo lang alam kung gaano ako nangulila sa'yo. Ngayong nagkita na tayo pangako kong hindi na kita iiwan." anito.

Halos tuluyan ng nagpatakan ang mga luha n'ya na pilit n'ya namang pinapahid ng kamay. Sobrang napunan nang mga katagang 'yon ang butas sa puso n'ya. Namiss n'ya ng sobra ang taong ito. Magsasalita sana s'ya pero muling nagsalita 'yon habang nakatitig sa kanya.

"Isa lang ang hiling ko sa'yo 'wag mong iwan si Alex. Ikaw ang lahat-lahat sa anak kong 'yon. Sa'yo na umiikot ang mundo n'ya. 'Wag mo s'yang bitiwan at patuloy mo s'yang mahalin." Paunang pahayag ng mama n'ya at hinawakan ang kamay n'ya.

"Hindi ko kayo tututulan. Mananahimik ako para sa inyo. Itatago ko ang kaugnayan nating dalawa basta 'wag mo lang s'yang iiwan dahil hindi n'ya 'yon makakayanan. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, Jamille. Mahal na mahal ko ang batang 'yon."

Pakiwari n'ya nabago ang ihip ng hangin. Kung kanina gusto na n'yang magkanlong sa mga bisig ng mama n'ya ngayon nagbago 'yon. Hindi n'ya kasi matanggap na sa pagkakataong ito ay mas matimbang pa doon si Alex. Mas mahal noon si Alex at 'yon ang pagkakaintindi n'ya sa binitiwan noong pahayag. Hindi n'ya rin lang matanggap na handang maglihim ang ina n'ya sa tunay nilang relasyon para lang doon. Durog na talaga ang puso n'ya. Hindi n'ya inexpect na hihilingin 'yon ng mama n'ya sa kanya. Hinawakan noong muli ang kamay n'ya, huli na para iiwas n'ya pa.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon