TOIL 48
DANIELLAGinabi na sila ni Drake sa pamimili ng regalo. Naunahan pa sila ni James kaya naman halos nanghinayang s’ya na sana sumabay na lang s’ya doon dahil maagap pa ‘yong nakauwi kanina.
Nasa loob pa s’ya ng sasakyan ng makita n’yang walang ilaw ang buong restaurant. Hindi na halos n’ya pinakinggan ang mga sinasabi pa ni Drake dahil bigla na s’yang nag-alala at nagmadali nang tinungo ang resto.
Nasa entrance na s’ya ng resto nang matigilan s’ya sa biglang pagbukas ng mga ilaw.
“Happy birthday Ella.”
Pakiramdam n’ya biglang dumikit ang paa n’ya sa kinatatayuan. May hawak na cake ang Ate Jam n’ya na s’yang bumati sa kanya. Habang sina Irish at Fhaye naman ay may hawak na mga lobo. Hindi na tuloy n’ya napigilan ang mapaluha dahil sa tuwa.
“What are you wearing?” si Jac na tiningnan ang suot n’yang t-shirt at shorts.
“I’m sorry pero sinubukan ko talaga but your sister is quite you know.” si Drake ang sumagot sa tanong ni Jac.
“You knew it?” baling n’ya dito na pilyong tumango sa kanya.
“It’s okay. Maganda ka pa rin naman kahit anong suot mo. Mana ka sa’kin eh.” Nakangiting saad ni Jac at lumalakad na palapit sa kinaroroonan nila.
“Make a wish and blow the candle. Mamaya mo na isuot ang regalo ko sa’yo.”
Hindi na n’ya napigilan ang pagpatak muli ng luha n’ya. Sobrang saya n’ya ngayon. Wala na ‘yong paglagyan.
“I don’t need to make one.” aniya at hinipan na ang kandila without making a wish. “My wish has been granted. You are the best birthday gift I ever received.”
Iniabot naman ni Jac ang cake kay Drake na tinanggap naman noon. Niyakap n’ya kaagad ang kapatid na masaya rin namang yumakap sa kanya. Isang buong birthday song ulit ang narinig n’ya bago s’ya tuluyang nagpalit ng damit na s’ya pa nga naman mismo ang pumili.
JAMES
Nag-alangan pa s’ya kung tutuloy ba sa restaurant o hindi. Tinawagan s’ya ni Daniella at sinabi nitong may selebrasyon nga raw. ‘Yong totoo, papunta naman talaga s’ya sa resto para ibigay ang regalo n’ya dito. Ang kaso nga lang eh ngayong nandito na s’ya sa labas at nakikita n’yang masaya ang mga tao sa loob bigla naman s’yang nilamon ng pag-aalangan.
“Hindi ka ba papasok?” Napalingon s’ya sa nagsalita.
“Jac.” tanging sambit n’ya.
“You’re invited.” anitong at lumapit sa kanya. “Birthday gift?” Nakatuon ang mga mata nito sa paper bag na bitbit n’ya. Tumango naman s’ya. “You really have to give it to her. Hindi ko ‘yan ibibigay kung ipapakisuyo mo lang.” muling sambit nito.
“Kuya James.” nabaling naman ang mata n’ya kay Daniella na hindi n’ya namalayang nakalapit na rin sa kinaroroonan n’ya. Sumenyas pa ito sa kanya. Nakuha naman n’ya ang ibig sabihin noon.
“Don’t tell me para sa’kin ‘yan? Kasi kung para sa’kin ‘yan alam ko na ang laman n’yan.” Napakamot s’ya sa batok sa sinabi nito kaya naman iniabot na rin n’ya dito ang dalang regalo.
“Grabeh. Pinagkaisahan n’yo talaga ako. Tsk. Tsk. Tsk.”
“Tara sa loob.” Alok ni Jac na sinunod n’ya naman. “James, this is Drake, my bestfriend.” pagpapakilala kaagad nito nang makalapit sila sa kinaroroonan ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories