Ch 13
KINABUKASAN...
Sa isang sikat na restaurant sa Hongkong tahimik na naghihintay si James sa katagpo n'ya doon. Napapangiti pa nga s'ya ng lihim nang maaalala ang cell phone na sigurado n'yang nasa babaeng gustong-gusto n'yang palaging nakikita.
"Mr. Reid?" boses ng isang lalaki ang nakapukaw ng atensyon n'ya. Nakatayo na 'yon sa harap n'ya na simpleng damit lang ang suot. Maong pants and polo-shirt lang na kung alam n'yang ganun lang ang susuotin noon ay hindi na sana s'ya nagformal na damit pa.
"Drake Rodriguez." He accepted his hands and shake it after.
Pakiramdam n'ya nakita na n'ya ang lalaking 'yon. Hindi n'ya nga lang matandaan kung saan pero 'yong pakiramdam n'ya nong mga oras na 'yon hindi na bago 'yon. Idiniscuss na n'ya ang proposal na minsan-minsan ay tinatanguan naman noon tanda ng pagsang-ayon o paghanga sa ilang detalye. Medyo naiibahan nga lang s'ya doon dahil pakiramdam n'ya sa mga titig noon eh kinikilala at kinikilatis s'yang mabuti. Pero sa halip na ma-distruct ay ipinagpatuloy n'ya pa rin ang discussion.
Si Drake kasi ang pinakasikat na Architect hindi lang sa Pinas kundi sa buong Asia. Kaya kailangan n'yang mapa-oo 'yon upang s'ya'ng mag-design ng bago nilang Hotel.
Samantalang nasa isang sikat na tourist spot naman si Jamille at kumukuha ng litrato gamit ang cell phone na ibinigay sa kanya ni Alexander. She has no choice but to answer the phone nang muli na naman 'yong tumunog. Alexander is calling her again. Bahala na. She told her self.
"Kumain ka ba?" panimula ni Alexander na pasimple n'yang ikinangiti.
Hindi n'ya alam kung magsi-sir s'ya doon o hindi kasi minsan nong nag-uusap sila nasabi noon na kapag solo sila eh Alex or Alexander na lang ang itawag n'ya doon.
"Yes Sir." Ewan n'ya ba pero 'yon ang lumabas sa bibig n'ya.
"Sir? Akala ko ba nagkasundo na tayo tungkol sa salitang 'yan?" ani Alexander at bumuntong hininga. "Alex. 'Yon na ang itawag mo sa'kin. No buts. Just follow my order. Kung kumain ka na maglibot ka na d'yan. Take your time to enjoy the view of Hongkong. Ayokong magmumukmok ka or magi-stay sa hotel. Enjoy your stay there."
"Thank you." Maigsing tugon n'ya.
"Since narinig ko na 'yong boses mo I have to hang up na. Ingat ka d'yan. I so love you." Ani Alexander at ibinaba na ang phone.
Lihim na nagdiwang ang puso n'ya nang marinig 'yon at saka pinicturan ang sarili sa isa sa sikat na tourist spot at ipinadala 'yon kay Alexander. "I'm enjoying the view. I'm happy. Thank you." 'Yon ang note na kasama ng picture na isinend n'ya sa lalaki.
Napangiti naman si Alexander nang matanggap ang picture na sinend n'ya. Saka 'yon na ang ginawa nitong wall paper ng sariling cell phone.
Natapos ang usapan nina James at Drake sa isang shake hands. Napapayag n'ya 'yon sa proposal na inialok n'ya. Napansin n'yang man of less word 'yon pero palaging may assurance ang tono sa bawat salitang bibigkasin. Inimbitahan n'ya 'yong maglibot muna doon pero tumanggi naman 'yon at idinahilang may importanteng lakad rin 'yon at sinadya lang talaga s'ya sa restaurant na para sa proposal. Nong makaalis sila sa restaurant saka lang n'ya muling naalala ang cell phone at ang babaeng sigurado n'yang may hawak noon. Pumunta s'ya sa isang public phone booth.
Samantalang...
Nagpapahinga naman si Jamille nang tumunog ang cell phone sa bag na dala n'ya. Oo nga pala dala-dala n'ya pa ang cell phone ni James. Nagbakasakali rin kasi s'ya na makatagpo 'yon at maibalik 'yon dahil ayaw rin naman n'yang mapagbintangan noon na inangkin na n'ya ang hindi naman kanya. She answered the call of an unknown number at sakto si James naman ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories