JAC
"I would really love to personally introduce to you my-"
Naputol ang mga sasabihin pa sana ni Mrs. Matienzo nang bigla na lang tumayo ang isang lalaki sa table na nilapitan nila. Tila ba naging mabagal ang pangyayari lalo na nang bigla na lamang s'yang yakapin nito. Bakas sa mukha n'ya ang pagkabigla. Hindi n'ya inasahan ang ganitong tagpo. Napatingin pa s'ya sa iba pang guest na nasa table. They are also looking at them with their shocked reaction. Napansin n'yang mas tumindi ang flash ng mga camera.
Ibinaling n'ya ang tingin sa ina na nakita n'yang nabigla rin sa ginawa ng lalaking 'yon.
"Jam." Narinig n'yang bulong nito. "You're back." Dugtong pa nito habang nakayakap pa rin sa kanya. She's not hugging him back dahil na rin sa pagkabigla.
"My name is Jac and not Jam." Sa wakas ay basag n'ya sa pananahimik at tinapunan pa ng ngiti ang ilang guest na nakatitig sa kanila.
Naramdaman n'yang dahan-dahan naman itong umalis sa pagkakayakap sa kanya. Her eyes met his at sa halip na magalit sa ginawa nito sa kanya ay mas pinili n'yang tapunan ito ng ngiti na kanina n'ya pa ginagawa.
"Hi." Maikling sambit n'ya at sinulyapan muna ang ina bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking yumakap sa kanya.
"Quite fast." pabirong sambit n'ya na may kasamang pang makahulugang ngiti. Kailangan n'yang tabunan ng ngiti ang pagkabigla sa nangyari.
"James, what do you think you're doing?" nabaling ang tingin n'ya sa babaeng halos katabi rin lang nito.
"It's okay." Sa halip ay sambit n'ya. Nginitian n'ya ito ngunit hindi man lang ito ngumiti sa kanya.
"Iha, pagpasensyahan mo na kung naging masyadong mapusok itong anak ko. He's not usually like that." Ibinaling n'ya ang tingin sa nagsalita.
"You must be Tita Priscilla?" tumango naman si Mrs. Reid bilang tugon sa kanya. "Nice to finally meet you po." Aniya saka bumeso dito. "I've heard so much about you from my mom." Aniya at saka sinulyapan ang ina na nakangiti lang sa kanya.
"That Mrs. Avergonzado and his son, John Alexander." Tiningnan n'ya ang itinuro ng kanyang ina at katulad ng ginawa n'ya kay Mrs. Reid bumeso s'ya kay Mrs. Avergonzado.
"It's nice to see you po." Pero wala s'yang nakuhang sagot mula dito.
Inilahad n'ya ang palad kay John Alexander pero tiningnan lang nito ang kanyang mga kamay. Babawiin na sana n'ya 'yon nang bigla naman nitong tanggapin ang pakikipag-shake hands n'ya.
"John Alexander." Maikling sambit nito na nginitian n'ya bago tuluyang ibinaling ang tingin sa dalawang babae pang nasa table din.
"You must be Lexi?" nakatitig lang sa kanya ang tiningnan n'yang babae. She met Lexi's eyes. Pakiramdam n'ya ay pinag-aaralan s'ya nito. "The President of LXN, right?" nakangiti s'ya habang sinasabi 'yon.
"Yes she is. Jac right?" tumango s'ya nang ibaling ang tingin sa babaeng katabi ni Lexi. "I'm Shiela, Lexi's friend." Inilahad nito ang palad na tinanggap n'ya naman. "Alam mo may kamukha ka." Dugtong pa nito. Tiningnan n'ya ito na tila ba sinasabing "really?"
"Yes. I'm Lexi. It's nice to finally meet you." Ibinalik n'ya ang tingin kay Lexi. Ngumiti naman s'ya dito at saka ibinaling n'ya ang tingin sa lalaking bigla na lang yumakap sa kanya kanina.
"Jac, this is James Airyl Chris." Saad naman ni Mrs. Matienzo. Nginitian n'ya naman ang lalaki saka inilahad ang kanyang palad dito.
"Jac, my name is Jac." Aniya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romansa"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories