TOIL 10

401 76 5
                                    

CH 10

Kaalis lang naman ni Daniella nang humahangos namang dumating si Irish. Halos isang linggo din ang pinalipas nito bago magpakita sa kanya. Sinulyapan n'ya lang ito habang umiinom ng tubig. Tahimik lang s'yang namamahinga sa sofa sa sala nila. Naghihintay ng tawag mula sa dinaluhan n'yang interview kahapon.

"Bilis sagot." Utos pa nito na halos isulsol na naman sa mukha n'ya ang cellphone.

Hindi na s'ya naka-angal nang ilapit nito sa tenga 'yon. Ang tumawag sa kanya ay 'yong kompanyang pinuntahan n'ya kahapon. Final interview na n'ya at pinagdadala na s'ya ng requirements. Hindi n'ya nga lang maintindihan pero usually kapag Marketing Manger Position eh hindi ganun kabilis ang proseso pero s 'ya kaka-interview n'ya pa lang kahapon tapos ngayon for final na s'ya at pinagdadala na s'ya ng mga requirements na animo'y nakapasa na s'ya.

Ganunpaman, naghanda s'ya para sa nasabing interview at katulad ng dati kasama na naman n'ya ang kaibigang si Irish. Afternoon ang scheduled interview n'ya at nagkataong rest day naman ni Irish 'yon.

"Pinapasok mo pa pala si Ella eh kahapon lang may sinat 'yon. Baka tuluyang lagnatin." Napatapik naman sa bibig si Irish nang marealize na nadulas na naman ang madaldal nitong bibig. Ayaw kasing ipasabi ni Daniella na masama ang pakiramdam nito.

Nang marinig n'ya 'yon ay natahimik na lang s'yang saglit habang papasok sa lobby ng building kung saan s'ya iinterviewhin. Alam n'yang hindi sinabi ng kapatid sa kanya na may sakit 'yon dahil ayaw pa nitong mag-alala s'ya. She decided something. Kelangan n'yang makapasok sa trabahong 'yon para sa kapatid n'ya at gagawin n'ya ang lahat makapasok lang doon.

"This way Ms. Dominguez." Saad ng HR sa kanya at iginiya s'ya sa isang opisina na sa palagay n'ya ay opisina nang mag-i-interview sa kanya. Natuon naman kaagad ang mata n'ya sa pangalang nakapatong sa table doon. Pamilyar s kanya ang pangalan, 'yong apilyedo lang ang hindi. "Sir will be here in a minute." Muling sambit ng HR bago s'ya iniwan.

Hindi pa man natatagalan ang pag-alis ng HR ay may pumasok naman sa opisina.

"Sorry to keep you waiting." Tinig ng lalaki ang nakapukaw ng atensyon n'ya. "Let's start the interview." Muling sambit nito nang makaupo sa swivel chair.

Natigilan s'ya ng mapagsino 'yon. Pakiramdam n'ya trinaidor s'ya. Hindi n'ya nagustuhan ang nangyayari. Ngayon, malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit bigla na lang s'yang tinawagan ng company na 'yon kahit hindi naman s'ya nagpapasa ng resume doon. Malinaw na sa kanya ang dahilan na kaya lang s'ya nakapasok doon ay dahil sa taong ito pero bakit?

"I would like to formally introduce myself. I'm the—"

"You don't need to since hindi naman na ako magpapa-interview." Putol n'ya sa mga sasabihin pa sana nito. "Because I'm no longer pursuing my application with your company, Mr. Avergonzado." Muling pahayag n'ya nang makita ang naguguluhang reaksyon noon.

"Anong ibig mong sabihin?" ang kanina'y nakangiting anyo ni Alex ay napalitan ng seryosong mukha.

Tumayo na s'ya at straight na tumingin sa mga mata nito.

"In the first place hindi ko naman maalalang nagpasa ako ng resume sa company n'yo. Nag-aapply lang ako sa company na sa capabilities ko tumitingin at hindi out of pity or consideration o kung ano pa mang rason."

"Out of pity? Consideration? Ano bang pinagsasasabi mo?" Nagsalubong ang mga kilay ni Alex dahil sa sinabi n'ya.

"Hindi ako tanga para hindi ko ma-realize na kaya ako nakarating sa company na 'to eh dahil sa'yo. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa pero ayoko sa lahat 'yong kinaaawaan ako at pinaglalaruan ang sitwasyon ko." May himig panunumbat ang boses n'ya.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon