TOIL 53ANGELA
Pupuntahan na sana n’ya si Alex sa study room nito ngunit naputol ‘yon nang bigla na lang sumulpot kung saan ang kanilang kasambahay.
“Mam si Mam Lexi po nasa labas.”
Nagsalubong pa ang kilay n’ya. Usually naman pumapasok na kaagad ‘yon kapag bumibisita sa kanila. Tsaka gabi na masyado ang pagbisita noon. Tumango lang s’ya ng marahan at saka sumunod na sa kasambahay.
Nakaupo si Lexi sa may labas ng pintuan at halatang lasing. Hindi n’ya ‘yon inasahan.
“Lexi. Couz!” aniya. Tiningala naman kaagad s’ya ni Lexi at saka pinilit pa nitong makatayo ngunit inalalayan na rin lang n’ya dahil hindi nga nito kaya ang sarili.
“Si Alex?” Muling nagsalubong ang kilay n’ya sa tanong nito. “Gusto kong makausap si Alex.”
“Halika nga muna sa loob.” Sa halip ay sambit n’ya at tsaka inalalayan na ang pinsan na makapasok sa loob ng bahay nila.
Marahan n’ya yong iniupo sa sofa at saka inutusan ang kasambahay na tawagin ang kanyang asawa.
“Ikukuha lang kita ng maiinom. Lasing na lasing ka, nakakaloka ka.” Hindi s’ya natuloy sa pag-alis dahil hinawakan nito ang mga kamay n’ya kasabay ng pag-iling nito sa kanya.
“Gusto kong makausap si Alex.”
“May problema ba?” Ngumiti ito at saka sunod-sunod na umiling sa kanya.
“Don’t lie to me. Hindi ka maglalasing ng ganyan kung walang problema. Is it about LXN?” Muli itong umiling sa kanya.
Mabilis n’yang ibinaling ang mata sa paparating na si Alexander.
“Lexi?” Maging ito ay hindi inasahan ang pinsan n’ya.
“Anong ginagawa mo dito tsaka—” napatakip ito sa ilong “—lasing ka?”
Sinubukang tumayo ni Lexi pero dahil sa kalasingan ay nabigo ito. Kaya naman inalalayan n’ya itong muli para makaupo ng maayos sa sofa.
“Igagawa ko s’ya soup.” Pinigilan na naman s’ya ni Lexi.
“Alex.” ngumisi pa si Lexi sa asawa n’ya.
“Alam ko kung sinong kasama mo kanina during lunch.” Halos nabubulol pa si Lexi habang sinasabi ang mga katagang ‘yon sa asawa n’ya.
“I know.” Muling saad nito dahilan para mapatingin s’ya sa asawa na napansin n’yang saglit na natigilan sa sinabi ni Lexi.
“That person—” pinilit pa nitong matawa, “—that person is the reason why I am here.” dugtong pa nito.
“Why?” Nagtataka pa rin s’ya.
Hindi n’ya maintindihan kung ano bang pinagsasasabi ng pinsan n’ya.
“Why are you with that person?”
Tiningnan n’ya si Alexander pero nakatingin lang ito kay Lexi. Bakas sa mukha nito na wala itong balak sumagot. Pero sino ba ang kasama nito kanina at ganito na lang kung maka-react si Lexi? Ibinaling n’ya muli ang tingin kay Lexi. Nakatitig lang ito sa asawa n’ya.
“WHY?” sigaw nito na halos mag-echo sa loob ng kabahayan. Maging s’ya ay nagulat. Hindi n’ya inasahan na sisigaw ito.
“Hon.” Sinubukan na n’yang sumabad. Sinulyapan naman s’ya ng asawa pero hindi pa rin ito nagsalita.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories