TOIL 60
JAMES
Huminto ang isang magarang sasakyan sa harap ng mansyon nina Mrs. Matienzo. Mula sa loob noon ay lumabas si Jac na nakasuot ng gold tube mini dress kung saan kitang-kita ang kurba ng katawan. Mas umangat lalo ang angkin nitong kagandahan. Mabilis na lumabas ng sasakyan si James habang ang mga mata n’ya ay nakatuon lamang sa papalapit na si Jac. Tila ba bumagal na naman ang pag-ikot ng kanyang mundo habang pinagmamasdan n’ya ang nag-iisang babaeng tanging nakapagpapahinto at nakapagpapabagal ng kanyang oras.“Hi.” matipid na bati ni Jac na hindi man lang ngumingiti sa kanya.
“You look gorgeous.” tugon n’ya sa sinabi nito pero wala s’yang narinig na kahit na ano pa mula dito sa halip ay tumango lang ito ng marahan.
Muli n’yang tinitigan ang mukha nito at sa hindi na halos mabilang na pagkakataon ay muli s’yang humanga sa angkin nitong kagandahan.
“Lets go. I bet they’re already waiting for us.” basag ni Jac sa katahimikan na mabilis n’ya namang inoohan. Pinagbuksan n’ya ito ng pinto ng sasakyan at hinintay muna itong makasakay bago marahang isinara at s’ya rin ay sumakay na.
Kapansin-pansin ang pananahimik nito habang nagbibiyahe sila at hindi n’ya gusto ang ganitong awra. Gusto n’yang magsalita pero tanging sulyap lang ang ginagawa n’ya dito. Kanina n’ya pa napapansing seryoso lang ito habang nakatuon ang mga mata sa unahan ng sasakyan. Pakiramdam n’ya tuloy hindi s’ya nito nakikita sa loob ng sasakyan dahil kahit hindi n’ya sabihin alam n’yang hindi man lang ito sumusulyap sa kanya.
Naka-stop ang traffic light kaya naman huminga s’ya ng malalim. Hindi pwedeng lilipas ang gabi na hindi man lang ito iimik sa kanya. At hindi rin naman s’ya papayag na lilipas ang gabi na hindi man lang s’ya makakapagpaliwanag dito ng tungkol sa nangyari kanina.
“Jac about what happened a while ago.” basag n’ya sa pananahimik habang ipinapanalangin na sana hindi na lumipat pa ang ilaw ng traffic light.
“I’ve to explain about it.” aniya nang hindi makarinig ng sagot mula dito.
“Jac.” muling untag n’ya sa pananahimik pa rin nito.
Naramdaman n’ya ang marahang pagsulyap nito sa kanya pero sulyap lang talaga dahil mabilis rin nitong ibinalik ang mata sa unahan.
“I’m really sorry about sending you the message which is suppose to be for—”
“Seb? Right?” putol nito sa sasabihin n’ya sana. Tumango naman s’ya. “Sinabi ko naman sa’yo kanina. It’s okay. You don’t have to explain.” seryoso pa rin ang mukha nito habang nakatuon pa rin ang mga mata sa unahan.
“It’s not okay. You’re not okay. So I’ve to explain about it. I’m really sorry about that message. That was suppose to be—”
“Why do you have to explain anyway? Diba nga sabi ko ‘wag na! Ang simple naman diba. ‘Wag mo ng i-explain. Period!” napakunot ang noo n’ya sa tinuran nito. Bakas kasi sa mukha nito ang pagkadisgusto. Napabuga s’ya ng hangin dahil sa tinuran nito.
“Listen, Jac. Gusto ko ngang i-explain ayokong ma-misunderstood mo kasi—”
“Bakit ko naman mami-misunderstood ‘yon? Unless that Seb in that message of yours is a girl.” Ibinaling nito ang mata sa kanya nang banggitin nito ang huling salita. Napalunok s’ya ng laway at saglit na natigilan. Nakita n’ya sa mga mata ni Jac na tila ba pinag-aaralan s’ya nito.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories