TOIL 58
JAMES
Pabalik na dapat sila ni Mrs. Matienzo at ng papa n'ya nang mahagip ng paningin n'ya si Jac. Hindi man lang sila napansin nito kaya naman ini-excuse n'ya ang sarili at nagsabing may dadaanan muna. Kaso mukhang maling disisyon ata ang ginawa n'ya dahil kung hindi n'ya lang sana sinundan si Jac hindi n'ya sana nasasaksihan ang senaryong nakikita n'ya ngayon. Kung sumama na lang sana s'ya pabalik sa suite ng kanyang ina hindi sana s'ya nasasaktan sa nakikita ngayon. Kung hindi na lang sana s'ya na-curious sa kung saan pupunta si Jac, hindi na sana s'ya nakakaramdam ng pagseselos ngayon. At kung ipinagwalang bahala na lang sana n'ya na nakita n'ya ito, hindi na sana s'ya nagdaramdam ngayon.
Oo. Nandito s'ya ngayon sa may tagong lugar at lihim na pinagmamasdan si Jac at si Alexander. Nakita n'ya kaninang may tinawagan si Jac pero medyo malayo s'ya sa kinaroroonan nito kaya naman hindi n'ya rin alam kung sino 'yon. Hanggang sa nakita n'yang dumating si Alexander kaya naman nag-conclude s'yang siguro, ito ang katawagan nito kanina. Sa isiping 'yon pa lang nasasaktan na s'ya.
Nakikita n'ya rin ngayon kung paano nito titigan ang pinsan at sa senaryong 'yon pa lang eh pakiramdam n'ya nawawasak na s'ya. Nasaksihan n'ya rin ang marahang pag-angat ng kamay nito ngunit nakita n'ya ring marahan ding bumaba 'yon. Pero hindi pa man tuluyang nakakababa 'yon ay natunghayan n'ya ang mabilis na paghawak ni Alexander doon at saka ang paghatak nito kay Jac.
Kagabi naabutan n'ya kung paano nito hagkan si Jac. Ngayon nama'y natutunghayan n'ya na si Jac, ang fiancé n'ya, ang babaeng pinakamamahal n'ya ay yakap na naman ngayon ng pinsan n'ya. Kailangan na n'yang muling umeksena. Kailangan n'yang ilayo si Jac sa pinsan. Kailangan n'yang gawin 'yon para kahit paano mabawasan ang pinaghalo-halong emosyong nararamdaman n'ya. Kailangan n'yang lumabas sa pinagtataguan at paghiwalayin ang dalawang 'yon pero natigilan s'ya nang makita n'yang marahang gumalaw ang mga kamay ni Jac at tuluyan ng gumanti ng yakap kay Alex.
Mukhang hindi pa man s'ya nakakagawa ng aksyon ay natalo na kaagad s'ya. Mukhang hindi na n'ya kailangan pang ilayo si Jac sa pinsan dahil pakiwari n'ya nakalimot man ang isip ni Jac pero ang puso nito ay hindi. Sa isiping 'yon, muli n'yang naramdaman ang pagkadurog.
Siguro, sa mga oras na ito, kailangan n'ya munang magparaya. Siguro sa mga pagkakataong ito, kailangan n'ya munang iwan si Jac sa pinsan. At siguro sa mga pagkakataong ito, kailangan n'ya rin munang tumalikod at lumayo para hindi tuluyang madurog ang kanyang buong pagkatao at puso.
Kailangan n'yang isalba ang sarili sa senaryong ito. Kailangan n'yang unahin ang sarili n'ya pero natigilan s'ya nang makita si Angela na patungo sa kinaroroonan nina Jac na ngayon nga'y nakapikit na. Nagpabalik-balik ang tingin n'ya kay Angela at kina Jac. Huminga s'ya ng malalim at sa huling pagkakataon ay tinapunan n'ya ng tingin sina Jac, tumalikod sa mga 'yon at mabilis na sinalubong si Angela na bakas pa sa mukha ang pagkabigla ng bigla na lang s'yang sumulpot mula sa kung saan.
"OMG." halos bulalas ni Angela sa bigla n'yang pagsulpot sa harapan nito.
"Angela." tanging sambit n'ya at ginawaran ito ng malapad na ngiti. "I've been looking for you."
"Huh?" nagsalubong ang kilay ni Angela at nakita n'yang bahagya pa nitong sinulyapan ang kinaroroonan nina Jac pero sa anggulong ito malamang hindi nito makikita ang mukha ng mga 'yon.
"Kagabi-" huminto s'yang saglit. Ano bang sasabihin n'ya? Come on. Think! "Alam mo ba ang nangyari kagabi?" Kailangan n'ya ba talagang sabihin dito ang nangyari kagabi? Mukhang kailangan na nga. Wala na s'yang choice.
"Nangyari kagabi?" Tumango s'ya ng marahan sa tanong nito. "Pwedeng mamaya na lang. Hinahanap ko kasi si Alex. I think he went this way and-"
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories