Naging abala ang mga sumunod pang araw sa kanila. Si Jamille walang ibang inatupag kundi ang maghanap ng trabaho since sapilitang tinapos ang kontrata n'ya dahil sa insidenteng 'yon. Inireport ni Lexi na binastos n'ya 'yon kaya end up s'yang naghahanap ng trabaho sa kainitan ng araw. Puros "We'll call you" naman ang naririnig n'ya sa inaaplyan. Kung hindi lang todo suporta si Irish na talagang sinasamahan pa s'ya sa inaapplyan eh baka huminto na s'ya.
"Fast food naman tayo ngayon. Kahit paano i-ti-treat naman kita since five days na kitang inabala. Hindi naman kita mapapasweldo since wala akong trabaho. Kaya sa pagkain na lang kita babawiin." Aniya.
"Fast food? Naku wag na! Sa turo-turo na lang ulit tayo since doon naman ako sanay." Overacting na tanggi nito sa alok n'ya. Himala ngayon lang nangyari 'yon. "Diba nga kailangan mong magtipid since 'ala ka pang work lalo na ngayon kailangan ka ni Ella." Dugtong pa nito na ipinagduda n'ya. Kilala n'ya ang kaibigan hindi 'yon basta tatanggi ng walang malalim na dahilan.
"Anong ibig mong sabihin?" panghuhuli n'ya doon.
"A-ang ibig kong sabihin kailangan—lagi kang kailangan ng kapatid mo kaya 'yong gagastusin mo sa'kin sa kanya na lang. O kaya naman ipunin mo na lang para pambayad sa upa."
Bumuntong-hininga sya. "Kaya nga ¾ nong last pay ko idiniposito ko na sa landlady eh para kahit sa tirahan assured kami na hindi mapapalayas. Ilang buwan ding libre sa isipin ang pagbabayad doon."
"Ano? Eh diba pantubos mo 'yon sa wedding ring ng papa n'yo. Alam ba ni Ella 'yan?" umiling s'ya. "Hay Pwede ka namang lumapit sa'kin. Minsan kainin mo 'yang ego mo 'pag may time." Hirit pa ng kaibigan na sa halip na pakinggan n'ya ay naningkit ang mata n'ya ng di sa kalayua'y may mapansin s'yang pamilyar na mukha.
"Daniella?" mahinang sambit n'ya pero sapat na para marinig ni Irish. Narinig n'ya namang bumigkas 'yon ng "Patay Na!" Ipinagwalang bahala n'ya na muna ang narinig at mabilis na s'yang naglakad hanggang sa makapasok sa loob ng fast food. Nabitawan naman ni Daniella ang hawak na tray ng makita s'ya. Pero sa halip na magsalita ay tinulungan n'ya lang na pulutin noon ang walang lamang tray. Galit s'ya pero mas pinili n'yang manahimik. Hanggang sa hintayin n'yang makalabas ng trabaho at makarating sa bahay wala pa rin s'yang kaimik-imik.
"Sige, maiwan ko na kayo." Paalam naman ni Irish na hindi n'ya pinansin. "Sige Ella. Alis na ako." Dugtong pa nitong nasulyapan n'yang sumenyas pa ng sorry.
"A-ate usap tayo." Basag ni Ella sa pananahimik n'ya. "Yong nakita mo kanina. 'Yong tungkol sa—"
"Gaano katagal na?" seryosong sambit n'ya.
"Mag-mag-iisang buwan na." Umamin naman ito sa kanya. "Sorry ate pero sasabihin ko naman talaga 'yon. Humahanap lang ako ng tyempo. Ayoko namang –"
"Ginagawa ko namang lahat Daniella. As in lahat para lang hindi ka mahirapan tapos ano 'tong ginawa mo. Daniella, kelan ka pa natutong maglihim at magsinungaling sa'kin?" napataas ang tono ng boses n'ya dahilan upang tuluyan ng mapaiyak 'yon. "Nangako ako kay Kuya na kahit anong mangyari hindi ko ipaparanas sa'yo 'yong hirap na naranasan ko noon bilang isang working student. Pero heto ka. Parang sinampal mo ako ng mga katagang: Ate hindi sapat 'yong ginagawa mo eh."
"Hindi naman sa ganun ate. Ayoko lang dumagdag pa sa mga isipin mo. Halos wala ka na ngang oras para sa sarili mo dahil sa'kin." Iiyak-iyak na tugon ni Daniella.
"Pero hindi ko 'yon isinusumbat sa'yo. Obligasyon ko 'yon. Kagustuhan ko 'to. Kung may gusto kang bilhin humingi ka sa'kin dahil kahit ano pa 'yon. Gagawa ako ng paraan maibigay ko lang 'yon sa'yo."
"Hindi ko naman 'to ginagawa dahil may gusto akong bilhin eh. Ginagawa ko 'to para makasama ako sa Malaysia. Dahil requirement 'yon. 'Pag hindi ako nakasama doon i-da-drop nila ako sa subject na 'yon."
"Anong ibig mong sabihin? Diba sagot ng University 'yon? Sabi mo pa nga sa'kin eh okay na."
"Hindi ko nga rin alam ate eh. Basta ini-announce na hindi na nga daw ako makakasama sa first batch na gagastusan ng University. Kung pwede lang hindi sumama pipiliin kong hindi na lang sumama kaso ate requirement eh. Kaya para makaipon pinili kong mag-working student. Dahil ayoko ng maging pabigat sa'yo. Sorry na ate. Sorry na."
"Anong klaseng University 'yan kapag—" napahito s'ya ng may maalalang bigla. "Oh and by the way she's to go to Malaysia for training. Balita ko gustong-gusto n'ya rin 'yon. Eh company namin ang sponsor noon. I'm planning on—"
Napatiim bagang s'ya ng maalala nya 'yon. Walang sabi-sabing lumabas s'ya ng bahay at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi ng kapatid.
Saan s'ya pupunta? Hindi n'ya alam. Basta ang gusto n'ya lang makalayo muna doon at hindi makita ang kapatid na ng dahil sa kanya ay nadadamay. Natagpuan na naman n'ya ang sarili sa isang park kung saan swing agad ang balak n'yang puntahan.
"Aray!" sambit n'ya ng mabunggo sa tumatakbong lalaki. Tiningnan s'ya noon pero sa halip na pansinin ay inirapan n'ya lang 'yon.
"Miss." Rinig n'yang sambit noon na animo'y nakilala s'ya pero hindi na n'ya 'yon nilingon pa.
Mula noon hanggang ngayon swing sa park ang nakapagpapakalma sa kanya. "Kuya, kung nandito ka eh di sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Namimiss na kita. Sobra." Mahinang sambit n'ya na pinipigil ang pagluha. Dati kapag umiiyak s'ya at malungkot lagi lang s'yang dadalhin noon sa park at ewan n'ya ba nagiging kalmado na s'ya.
"Dilikado dito kapag mag-isa ka ang. Lalo na't gabi na." tinig ng lalaki ang umagaw sa atensyon n'ya. Saka n'ya lang napansin na nakaupo na rin 'yon sa kabilang swing. "Kung gusto mo samahan na lang kita."
Sa halip na umimik pa ay nagpasya na s'yang umalis kesa makipag-usap sa ekstranghero na bigla na lang sumulpot doon.
"Teka lang. Hindi naman kita guguluhin. Hindi naman ako masamang tao." Pigil nito sa kanya.
Ewan n'ya ba kung bakit parang nangyari na 'yon. Pero hindi s'ya nagpapigil sa halip ay sinulyapan 'yon at nagwika. "Kung dilikado man dito o hindi eh wala ka ng paki doon. Excuse me." Aniya at mas binilisan na ang paglakad.
"Jac!" boses ng lalaking nakapagpahinto kay James. "Pinagtaguan mo na naman ang best friend mo. At talagang sa dami ng lugar dito pa sa park." Muling sambit ni Nolan na humihingal pa. "Alam mo nagiging wirdo ka na. Ano bang klaseng surprise pa ang gusto mong gawin bago s'ya makita. Tsaka sino 'yong kasama mo kanina?" anitong muli na hinahabol pa ng tingin ang nakatalikod na si Jamille.
"This is really destiny. We've meet again, Nolan. I'll go after her. Dapat makilala n'ya rin ako." Halos mapatalon sa tuwa si James.
"Oooppss! Hindi pwede. Kung talagang ayaw mo pang magpakita sa bestfriend mo mabuti pa sumunod ka na sa'kin. Kasi andun lang s'ya." Ani Nolan at itinuro ang direksyon kung saan papunta si Jamille. "Kapag nakita ka n'ya iisipin n'yang pinagtataguan mo nga s'ya. So sa ganitong surprise mo s'ya gustong makita?"
"Pero Nolan diba—diba. Hay. Bakit ba kasi wrong timing ang—" putol na sambit n'ya dahil nagsalita agad si Nolan.
"Kung talagang destiny kayo at gusto mo pa s'yang makita I'm sure magkikita ulit kayo. Pero sa ngayon ipaubaya mo na lang kay destiny kung sinuman 'yon dahil any minute andyan na ang best friend mo." Si Nolan sa kanya. "Kaya halika na 'yong kalapit na building nitong park na-check ko na. Dapat mo na rin sigurong makita." Muling pahayag nito na sinunod na lang n'ya ng mapasning nawala na sa paningin n'ya si Jamille.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories