TOIL 69

231 71 44
                                    

Hellow mga bebez out there.. Kumusta naman na kayo sa ECQ? Extended kami, kayo ba? Hmnn.. heto na ang update bilang pampalubag loob. Ingat kayo. Si Jac kz hindi nag-iingat. Haha.

Pleass support my other story too: LIVING WITH A VAMPIRE PRINCE (Ongoing), SWEETEST SURPRISE (completed) and THE MISSING PIECE (completed).

Mga bebez do not forget to leave your vote and follow na rin para masaya tayong lahat. Carrybels lang naman kung hindi haha.

Ang Lutang Na Author,
MhireJed aka ItinakdangAsul
(Lutangers overload)

🤣✌

-- -- -- -- -- -- -- -- -- --

TOIL 69
JAC

Naalimpungatan s'ya dahil sa sinag na tumatama sa kanyang mukha. Iginala n'ya ang mata sa loob ng silid, mag-isa lang s'ya doon. Nadako ang mata n'ya sa may bedside table kung saan nakita n'ya ang maliit na orasang nakapatong doon. Napabalikwas s'ya ng bangon.

"Oh my gosh. How can I sleep this long. Past 10 na." nagmamadali s'yang umalis sa kama at saka tinungo ang pintuan ng silid. She went out of the room and went directly downstair. Iginala n'ya ang paningin sa paligid. Wala s'yang James na nakita.

"Oh! Iha, gising ka na pala. Good morning." Nakangiting bati ni Manang Esther sa kanya.

"Good morning din po." Aniya na nagpapalinga-linga pa rin sa paligid hoping to find James.

"Si Sir James ba ang hinahanap mo?" nag-alaalangan s'yang tumango. "Na-miss mo na kaagad eh halos magdamag kayong magkasama kagabi." Pabirong hirit nito na nag-aalangan na nginitian n'ya na lang. "Biro lang. Pabalik na rin siguro 'yon. Lumabas s'ya kanina para ibili ka ng mga damit mo."

"Po?" nagtatakanga tanong n'ya at tiningnan ang suot na pantulog.

"Aba ay kailangan mo ng mga extra na damit kung magsi-stay pa kayo dito hanggang linggo." Tugon nito sa kanya.

"Po? Hanggang linggo po?" halos hindi makapaniwalang usal n'ya na tinanguan naman ng matanda at ginawaran pa s'ya ng pilyang ngiti. "Pero paalis na rin po kami ngayon at-"

"Jac, gising ka na pala." Nabaling ang atensyon n'ya kay James na may mga bitbit na paper bags.

"I bought some clothes for you. Napansin ko kasing hindi ka komportable sa suot mo." Muli n'yang tiningnan ang suot na pantulog. Nginitian n'ya muna si Manang Esther bago nagmamadaling nilapitan ito.

"Pauwi na rin naman tayo so why bother on buying-"

"We're staying until Sunday." Putol nito sa sasabihin n'ya sana. "Tinawagan ko na si Tita Shirly kanina. I told him you're with me and we're going to stay here until Sunday."

"WHAT?" bulalas n'ya sa tinuran nito. "You know I can't stay here until Sunday. May mga kailangan pa akong asikasuhin at-"

"Si Tita Shirly na lang daw ang aasikaso nong mga gagawin mo. Andun naman daw si Trina." Muling sabad nito sa kanya anito at saka nilagpasan na s'ya. "I'm going to bring this to the room. Mag-breakfast ka na." anito at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat.

Balak n'ya pa sanang sundan ito pero napigilan s'ya nang hawakan s'ya ni Manang Esther na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa kanya. Napipilitan din tuloy s'yang ngumiti dito habang ang mata ay nakatuon pa rin kay James hanggang sa tuluyan na 'yong mawala sa paningin n'ya. Nagpatianod na lang s'ya nang tuluyan na s'yang igiya ng matanda sa dining hall.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon