TOIL 29
Gabi na nang magpasyang umuwi si Jamille. She then turned on her cell phone. Si Alexander agad ang tumawag sa kanya but instead of answering it she rejected it. Pero syempre nagpadala naman s'ya ng text doon saying that she's tired and wanted to rest early.
"Just give me a sign please." She whispered as she tried to walk out of that old restobar. Then her cell phone ring. Si Daniella tumatawag. Bumuntong hininga muna s'ya bago sinagot 'yon, making her voice calm.
"Ate, kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita ma-contact. Asan ka na?" Nag-aalala ang tinig na 'yon ni Daniella. Lihim s'yang napangiti.
"Pauwi na. May inasikaso lang ako." Aniya.
"Okay. Ah oo nga pala. Naalala mo ba 'yon kinwento mo sa'king stranger na nakasama mo sa Hongkong for three days?" anito.
Nagsalubong 'yong kilay n'ya. Bakit naman nito natanong ang tungkol doon sa kanya gayong matagal na 'yong nangyari.
"Oh anong tungkol doon?" aniya.
"Nandito s'ya kanina dinala 'yong wedge mo."
"Wedge? Anong klase?" Hindi n'ya maalalang may ibinigay s'yang heels doon. Idiniscribe naman sa kanya noon 'yon.
"Ah. Oo akin nga 'yan." Aniya ng maalala 'yon. Pero hindi n'ya maintindihan kung paano 'yon napunta sa lalaking 'yon.
"Kinuha ko 'yong number n'ya so just in case na gusto mo s'yang pasalamatan you could call him."
Kinuha ni Daniella ang number noon? Is this the sign she asked for? By chance is this what fate wanted me to do? Pati ba fate binibigyan s'ya ng sagot sa katanungan n'ya. She erased his number noong nagpalit s'ya ng simcard dahil nga ayaw n'ya itong gamitin pero ngayon her sister has his number. What a coincidence.
"Umuwi ka na ha, ate." Huling pahayag ni Daniella sa kanya na sinang-ayunan n'ya.
Isa si Daniella sa dahilan kung bakit naisip n'ya ang planong agawin ang lahat ng mayroon 'yon. Ngayon si Daniella rin ang naging daan upang muling magkaroon sila ng komunikasyon ng lalaking nag-uugnay sa kanya at kay Lexi. Natanong n'ya ang sarili n'ya kung 'yon na nga ba ang sign na hinihingi n'ya. Then she received a text.
"Sige sleep ka na. Pahinga ka na. Para makapasok ka bukas. Na-miss kita agad eh." first text from Alex.
"Nga pala, nabanggit sa'kin ni Mama na parang nakita ka daw n'ya sa parking area nong hospital na pinagdalhan ke papa. She said you're alone. Pumunta ka ba dun?" second text from Alex.
Hindi n'ya 'yon inasahan. Naalala n'ya ang naging mapanghusgang anyo nang mama n'ya nong gabing 'yon. Hindi n'ya malilimutang mas pinili nong sumama kay Lexi na hindi man lang naririnig ang paliwanag n'ya. That's it. Ayaw na n'ya ng isa pang sign. She made her decision. She finally made the tough decision ever in her life.
"Uuwi ka na ba?" Napalingon s'ya. Si Mang Austin kasunod na pala n'ya. "Dalhin mo ito kay Ella." Anito at iniabot ang nakabalot na bagay na palagay n'ya ei sisig.
She took a deep breath after accepting it. Hinayaan n'yang sumunod 'yon sa kanya hanggang sa makalabas sila ng restaurant na 'yon. Huminto s'ya. Nakatuon ang mata sa isang malaking bahay sa tapat lang mismo ng restobar na 'yon. Luma ngunit malaking bahay 'yon.
"Ibenta n'yo na ang bahay na 'yan." Aniya at nilingon ang matanda. Nakita n'ya ang pagkabigla noon sa sinabi n'ya. "Diba sabi n'yo may buyer na 'yan dati. Pumapayag na ako. Ibenta n'yo na hu 'yan." Disidido na s'ya. Wala ng dahilan para umasa s'yang muli s'yang makakabalik sa bahay na 'yan kasama ang sariling ina.
"P-pero diba sabi mo—"
"Kung patuloy akong aasa na babalik pa s'ya mas lalo lang akong hindi makakausad nito. Kaya pumapayag na akong ibenta ang bahay na 'yan."
Rinig na rinig n'ya ang pagbuntong hininga ng matanda. Pero binalewala n'ya lang 'yon.
"Bakit?" Maikli ngunit alam n'yang puno ng pagtataka at paghihinala ang boses ng matanda.
Tuluyan na n'yang hinarap ang matanda. Tiningnan 'yon ng direcho sa mata.
"Matagal n'yo ng gusto na kalimutan ko na ang masakit na bahaging 'yon ng aking buhay hindi po ba? Magagawa ko lang 'yon kung pakakawalan ko na 'yan." Aniya pero 'yong totoo mabigat sa kalooban n'yang ibenta ang bahay na minsang naging kanila. Ang bahay na minsang nakasaksi ng buo at masaya nilang pamilya. "Kaya ibenta n'yo na. Mas okay kung sa lalong madaling panahon."
"Hindi mo na s'ya hihintayin?" Kilala n'ya ang tinutukoy ng matanda kaya umiling na lang s'ya.
"Nakapagdisisyon na hu ako. Hindi lang para sa'kin 'to. Pati na rin kay Daniella." Sagot n'ya.
"Kung 'yan ang gusto mo. Sige." Sambit ng matanda. Narinig n'yang tutol ang boses noon pero pinagwalang bahala na lang n'ya 'yon.
Nakapagdisisyon na s'ya. Sisimulan n'ya dito sa bahay na 'to.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories