TOIL 63
ANGELA
“Hon, I’m going to Cebu tonight. I told you about Mr. Rosales, right? He asked me to meet him there about the contract.”
Wala na si Alexander pero naririnig n’ya pa rin ang boses nito sa isip n’ya. Hindi n’ya maintindihan ang sarili pero kinukutuban talaga s’ya. Muli n’yang tinitigan ang imaheng natanggap n'ys sa sariling mobile phone. Binabalot ng paghihinala ang pagkatao n’ya. What if excuse lang nito si Mr. Rosales. What if hindi naman ‘yon ang imi-meet ng asawa n’ya kundi ang babae nito.
Napakuyom ang kamay n’ya at tinitigan ang maliit na papel kung saan nakasulat ang hotel na pag-i-stayan ng asawa n’ya. Tiningnan n’ya ang maleta sa ibabaw ng cabinet at saka marahang kinuha ‘yon. Hindi n’ya alam kung tama ba ang nakatakda n’yang gawin dahil binabalot lang talaga s’ya ng pagdududa. Pumili lang s’ya ng ilang damit at saka isinilid ‘yon sa maleta. Susunod s’ya kay Alexander. She’s going to make sure na trabaho at negosyo ang ipinunta ng asawa n’ya sa Cebu at hindi ang babae nito. Hindi ‘yon alam ni Alexander dahil ayaw n’ya rin namang malaman nito ‘yon. Ayaw n’yang bigyan ‘yon ng ideya na alam na n’ya ang tungkol sa babae nito.
“Tama ang ginagawa mong ‘to Angela. You’ve to protect what’s yours.” paghikayat n’ya sa sarili kahit na puno ng takot at kaba ang puso n’ya.
Kung tama nga ang hinala n’ya alam n’yang hindi lang sarili n’ya ang sasaktan n’ya kundi si Alexander na rin. Pero tahimik pa rin ang dalangin n’ya na sana nga trabaho ang ipupunta ng asawa n’ya doon. Kinuha n’ya ang maliit na papel kung saan nakasulat ang address ng hotel kung saan naka-reserve ang asawa n’ya.
Sa kalagitnaan ng pag-iimpake n’ya ay nakatanggap s’ya ng mensahe mula na naman sa hindi kilalang tao. Binabalot parati ng pangamba at takot ang pagkatao n’ya sa tuwing makakatanggap s’ya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero.
“Do you really believe your husband? He’s going to Cebu to meet his girl. I’m just telling just in case you don’t know.”
Halos bumagsak ang balikat n’ya dahil sa mensaheng ‘yon. Hindi n’ya pa man nakikita ang asawa na kasama ang babae nito pero nasasaktan na s’ya. Katulad ng ginawa n’ya dati she tried to contact the number pero out of reach na naman ‘yon.
“You’ll be okay, Angela. You will be okay.” tahimik na saad ng isipan n’ya at pilit na pinaniniwala ang sarili na magiging okay lamang s’ya at ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Alexander.
IRISH
Hindi n’ya pa rin naiwasan ang mga tanong ni Daniella sa kanya. Napanood kasi nito ang interview kay Jac tungkol sa LXN. Alam n’yang hanggang sa mga oras na ito ay binabalot pa rin ng curiousity si Ella. Pero wala s’ya sa posisyon para sagutin alin man sa mga tanong noon.
“Ate Irish, don’t tell me wala kang alam.”
“Paanong s’ya na ang CEO ng LXN?”
“Tsaka bakit pakiramdam ko ibang tao si Ate kanina nong iniinterview s’ya?”
“Paano na si Ms. Lexi kung talagang si Ate na ang bagong CEO ng LXN?”
“It’s not as if, sinadya n’yang maging bagong CEO ng LXN. Tsaka sabi n’ya naman for now.”
“Ate Irish!” Napapitlag s’ya nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid nila. Andito na ulit sila at wala na sa mansyon ni Mrs. Matienzo.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories