TOIL 8

393 73 4
                                    

***JAMILLE

"Sorry bigla akong umalis." Ani Jamille na halatang hinihingal pa. 'Yong totoo nang matanaw n'ya ang restaurant binalak na sana n'yang wag ng bumalik pero ewan n'ya nga ba at dinala s'ya ng mga paa n'ya pabalik dito.

"Alam kong babalik ka. Lets go. We still have some place to go to." Nagawa pa ring ngumiti ni Alexander sa kanya at tanging"huh" na lang ang naisagot n'ya sa tinuran nito. "Bigla kang umalis ng walang paalam kaya dapat sumama ka rin sa'kin." Animo'y nagtatampong saad nito sa kanya.

Hindi na s'ya nakatanggi pa.

***JAMES

Nasa loob na ng isang Ladies clothes Store si James ng dumating si Nolan.

"Ngayon ka pa lang bibili n'yan? Eh kanina ka pa dito."

"Nakita ko na naman s'ya. Kaso wrong timing ang tawag mo kaya ayon nawala na naman s'ya." Dismayado tugon n'ya.

"Mas inuna mo na naman 'yon kesa sa best friend mo." Sinulyapan nito ang mga pinamili sa may counter.

"Nolan this is destiny. Haven't you notice pinagtatagpo kami?" Aniya at sinulyapan ang saleslady. "Please do wrap it too, birthday gift for my best friend." Dagdag nito doon.

"Okay. I'll find her for you. But this time mag-focus ka muna kasi mas mahalaga ang araw na ito. Birthday 'to ng best friend mo." Ani Nolan.

"No you don't have to. I'm sure tadhana na ang gagawa ng paraan para magkita kaming muli. Kaya ang hinihingi ko lang sa'yo 'wag kang tatawag ulit. Wrong timing eh." Nakangiting sambit n'ya na inilingan naman ni Nolan. "Teka nga Nolan, wag mong sabihing sinabi mo sa kanya na darating ako?" Aniya ng mapansing tingin ng tingin sa wrist watch 'ang kaibigan/assistant n'ya.

***JAMILLE

Halos manlaki ang mga mata ni Jamille ng tingnan n'ya ang presyo ng mga dress sa loob ng ladies clothes store na 'yon. May nagustuhan s'ya pero wala naman s'yang balak bilhin 'yon kahit gusto n'ya pa bukod kasi sa mahal na ay isa pang expense 'yon para sa kanya.

Sinulyapan n'ya naman si Alexander na nasa counter na at pinapa-wrap ang pinili n'yang ladies dress na panregalo naman daw noon sa kaibigan. 'Yong totoo hindi n'ya maintindihan kung bakit nakaramdam s'ya ng selos nang hilingin nito sa kanya na s'ya ang pumili ng mga dress para sa kaibigang babae. Ewan n'ya ba kung bakit.

"Bagay sa inyo 'yan mam. Sure po ako." Saad ng saleslady dahilan upang mapatingin sa kinaroroonan nya si Alexander. Nagtama tuloy ang paningin nila pero mabilis s'yang nag-iwas ng tingin.

"Ay naku. Hindi ako mahilig d'yan." Tanggi n'ya na animo'y binalutan s'ya ng sobrang pagkapahiya. "Punta lang ako sa ladies room." Baling n'ya kay Alexander ng makitang sinulyapan noon ang plain na white dress na tinitingnan n'ya kanina pa. Sumang-ayon naman 'yon sa paalam n'ya. Siguro dahil na rin sa pagkapahiya kaya nakaramdam s'ya ng biglang pagkapa-ihi.

Itinuro sa kanya kung saan ang restroom pero sa pagmamadali n'ya ay hindi sinasadyang nabunggo s'ya sa isang lalaking pakiwari n'ya'y galing din ng Rest room. Hindi n'ya maintindihian kung bakit nitong mga nakaraang araw eh malimit na s'yang nabubunggo. Pakiwari n'ya nagsimula 'yon nong mawala sa kanya ang bracelet na binigay sa kanya ni Daniella. Humingi kaagad s'ya ng paumanhin ngunit laking gulat n'ya nang mamukhaan 'yon.

"Oh! It's you." Bulalas ni James na sobrang lapad ng nginitian at pikit na ang mata.

Nairita s'ya sa hindi n'ya malamang dahilan.

"Ikaw? Sino ka ba't bakit mo ko sinusundan?" hindi na s'ya nag-isip kaya't nasambit n'ya 'yon.

"You got it wrong. Hindi kita sinusundan. Mas maganda kung tatawagin mong it was destiny's way of letting us meet again." Tugon naman ni James.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon