TOIL 1

871 83 2
                                    

AN: para sa aking puso sa mga #KathReids at para din sa aking puso sa mga #KathNiels ay sinisimulan ko na ang story na 'to... Kung ayaw n'yong basahin eh wala na po talaga akong magagawa dahil nandito na ito... :-)

----------------==========---------------------

Inihanda na n'ya ang sarili para sa meeting n'ya sa prospective client ng company na pinagtatatrabahuhan n'ya. Ayaw n'yang sayangin pa ang pagkakataon na ibinigay ng head n'ya. Ayaw n'ya ring ipahiya ang kaibigan na alam n'yang gumawa ng paraan para sa chance na 'yon. Nasa Marketing Department s'ya at in charge s'ya for new client. Manpower service provider kasi ang agency na pinagtatrabahuhan nila. So kapag nakuha n'ya ang kliyenteng makaka-usap n'ya mamaya bibinggo ang kompanyang pinagtatrabahuhan n'ya. That's why kailangan n'yang makuha ang kliyenteng 'yon.

"Oh! Asan 'yong good luck charm mo ate?" Napatingin tuloy s'ya sa may pulsuhan at saka n'ya lang napansin hindi n'ya suot ang bracelet na regalo pa ng kapatid. "Nawala?" usisa muli ni Daniella.

Bumalik s'ya sa silid at tiningnan sa drawer pero wala 'yon doon.

"Hayaan mo na muna 'yon. Makikita mo rin 'yon. Sa ngayon ito na lang muna ang good luck charm mo, ate." Napangiti s'ya dahil sa yakap na natamo mula sa kapatid. "Ibibili na lang ulit kita ng bago. Sa ngayon let my hug be your good luck charm." Kumindat pa si Daniella sa kanya.

"Bakit hindi ka pa bihis? May klase ka ngayon diba?" Saglit n'ya muling tiningnan ang sarili sa salamin matapos tanungin 'yon.

"Change of schedule kami, ate eh. Mamaya pa pasok ko." Tiningnan n'ya ito mula sa salamin. "Good luck huh! Good news dapat ang balita mamaya huh. Sige na alis na at baka malate ka pa." Parang bata pa ito ng itulak s'ya ng marahan sa may palabas ng inuupahang bahay.

-------------------

Sa isang Japanese Restaurant s'ya nagpahatid. Isang empleyado naman ng resto ang sumalubong sa kanya at inihatid s'ya sa pinakang dulong table kung saan naghihintay ang kliyente n'ya. But it was as if a surprise when she saw that familiar face. Pakiramdam n'ya hindi s'ya makagalaw nang magtama ang mga mata nila ng babeng 'yon. Malaki naman ang resto pero pakiramdam n'ya sobrang liit noon at sikip na sikip s'ya.

Nakatitig lang ito sa kanya na tila ba pinagmamasdan bawat kilos s'ya. 'Yon bang hinihintay na magkamali s'ya. Sinubukan n'yang kumalma at inayos pa ang pagkakaupo. Napahigpit ang hawak n'ya sa proposal na ilang buwan n'yang pinaghandaan. She took a deep breath and clear her mind bago nagpasyang magsalita. Nasa kalagitnaan na s'ya ng pagsasalita nang bigla naman itong umimik.

"I'll be straight forward with you Ms. Dominguez. I'm not here because of your proposal. I'm not even interested with it. What I'm interested more is about YOU AND YOUR SO CALLED POOR LIFE." Sabad nito sa kalagitnaan ng paglalahad n'ya.

"After hearing that a certain Jamille Audrey Chandria Dominguez is the name of the person I'll be meeting I really got so freaking interested about it." Muling pahayag nito and cross her arms. "Sa'yo at hindi sa proposal na dala mo." May diin talaga ang huling pahayag nito.

"Anong ibig mong sabihin, Mam?" She continue to act professional.

"Oh! Come on! Stop pretending that you don't know me." Sarkastikang sagot nito sa kanya. "Wag mong sabihing nalimutan mo na ang mukhang ito." Then she saw that evil look on that girls face. "You told me—" she paused for a while and showed her sarcastic smile. "—oh no! Let me rephrase that! Binantaan mo ako once that you're going to steal everything away from me." Ngiting nakakainsulto ang iginawad nito sa kanya. "Kaya nga I'm making sure that you don't get this proposal dahil gusto kong ipamukha sa'yo kung anong kapalit ng pagbabanta mong 'yon JAC!" note the sarcasm on the last word.

She then tried to face a smile at her then said, "Ganun ba? Nakaka-flattered namang malaman na nati-threaten ka pa rin sa'kin Ms. Monterey."

"WHAT?" napataas ang kilay nito sa tinuran n'ya.

"I have forgotten about that threat but thanks for informing me again. Bigla talaga akong na-alarma." Mahigpit pa rin ang pagkakahawak n'ya sa proposal. "It's quite ironic na hindi mo tinanggap 'yong proposal just because you're too afraid that if you do baka matupad 'yong banta ko sa'yo." Mas pinatatag n'ya ang sarili at nakipagsalubong ng tingin dito. "Aminin mo natatakot ka dahil alam mong kaya ko talagang gawin 'yon, hindi ba?"

Pagak na tawa mula sa kaharap ang kasunod n'yang narinig.

"Hindi ako natatakot sa'yo dahil alam kong hindi mo kayang gawin 'yon. Why am I so sure? Because you're still that nobody I met ten years ago." Mapanlait ang tono ng pananalita nito. "I also heard na ilang beses na kayong napapalayas sa inuupahan n'yo. Do you want to know a certain fact, Jamille?" anito at uminom ng juice bago nagpatuloy. "I was behind some of those events. Just like old times napapalayas ka ng isang Lexi Monterey. How IRONIC, right?" then another provoking smile came out of Lexi's lips.

Gusto n'yang kagatin ang ang labi pero pinigil n'ya ang sarili. Nakita n'yang ngumisi pa ito ng mapansin ang paghigpit ng hawak n'ya sa proposal.

"Tama nga lang na hindi mo tanggapin ang proposal ko dahil ang totoo kung tinanggap mo baka kung saan pa pulutin ang company na pinagtatrababuhan ko. Paano ba naman may isang unprofessional na makakatrabahong katulad mo."

S'ya naman ang ngumiti ng nakaka-provoke dahil sa nakita n'yang panlalaki ng mata nito.

"Akalain mo 'yon—" huminto s'ya and took a sip of the water na nakaserve sa table, "—binabantayan mo pala bawat kilos ko. Ganun ba kalaki ang insecurity at takot mo sa'kin? I'm super flattered. As in SUPERB." Nakipagsabayan na s'ya sa kamalditahan nito. She's not used to pero pag tawag ng pagkakataon kaya n'ya naman. "Bago pa kita tuluyang mabastos Ms. Monterey, aalis na ako. Salamat sa oras mo. At least nalaman ko kung gaano kalaki ang takot at tiwala mo sa'kin na maaangkin ko ang lahat-lahat sa'yo." Aniya at tumayo ng tuluyan.

"Wait." Pigil nito sa kanya. "May isa ka pang dapat malaman." Napahinto talaga s'ya dahil sa paghawak nito sa may pulsuhan n'ya. Tiningnan n'ya ang kamay nito at mabilis din naman inalis 'yon. "Actually, nakapasa talaga sa JG University ang kapatid mo. Nagkataon lang na kapatid ka n'ya kaya ayon natanggal 'yong pangalan n'ya. How Ironic? Right?"

Pakiramdam n'ya tinusok ang puso n'ya sa sinabi nito. Hindi s'ya ipinanganak kahapon para hindi n'ya maintindihan ang connection noon sa kapatid n'ya. Nagagawa ni Lexi anumang gustuhin n'ya. Kahit anong panlalait nito sa katauhan n'ya ay kakayanin n'ya pero 'yong tungkol sa kapatid n'ya, hinding-hindi n'ya 'yon palalampasin.

"Oh and by the way I heard she's to go to Malaysia for training. Balita ko nga gustong-gusto nya rin 'yon and that's part of their course. Eh ang kaso company namin ang sponsor noon. I'm planning on—" hindi na n'ya sinubukan pang makatapos ito sa pagsasalita.

"Subukan mo lang!" She said with a threatening tone. "Subukan mo lang ulit s'yang idamay sa gulo natin at may kalalagyan ka. Kapag may ginawa ka pa ulit sa kapatid ko, isinusumpa ko na lahat ng gusto mo at mayroon ka talagang kukunin ko na. At sa pagkakataong ito tototohanin ko ng talaga Lexi!"

Natulala ito sa sinabi n'ya at kinuha n'ya naman ang pagkakataong 'yon para iwan na ang lugar na 'yon.

Si LEXI MONTEREY, ay dati n'yang kaklase sa isang sikat ng secondary school sa Pinas. Kaedaran n'ya rin lang ito. Anak ng isa sa Top 10 na mayayamang tao sa Pilipinas. Nakukuha nito lahat ng gustuhin at gagawin nito lahat ng gustong gawin. Matalino't maganda at malakas ang confident. Naririto na ata lahat ng magagandang katangian. 'Yon nga lang sumabit ito sa attitude dahil talaga namang hindi kagandahan ang pag-uugali nito. Hindi n'ya naman inasahang muli na namang magkukrus ang landas nilang dalawa. Meeting her was like a curse to her.

To be continued...

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon