AN: an update has been made.. hahaha..
-------------------------------------------
Nagising si Jamille sa sikat ng araw na tumama sa mukha n'ya. Masakit ang ulo n'ya at 'yon ang tiyak n'ya. Mukha ni Fhaye ang bumungad sa kanya na may dalang kape. Ininom n'ya naman kaagad 'yon at saka nagpasyang lumabas ng makapaglinis ng katawan. Dahil mahilig s'yang magpalipas ng sama ng loob doon eh may mga damit na s'ya doon at sa kwartong 'yon naroroon ang ilang alaala sa kanya ng kuya Justine n'ya. Malimit din kasi sila doong tumambay ng kuya n'ya nong nabubuhay pa 'yon kaya sanay na sanay na sa kanila si Mang Austin.
"Kumain ka na muna bago ka umalis." Saad ng matanda ng maramdaman ang prisensya nila ni Fhaye doon.
"Yong-Yong... 'Yong anu hu-" putol na sambit n'ya ng sumabad ang matanda.
"Si Alexander ba hanap mo?" tanong ng matanda. Na sinagot n'ya lang ng tango.
"Good morning." Nakangiting sabad naman ni Alexander na halatang kakatapos lang magligo dahil bago na ang damit. Nakangiting-nakangiti pa 'yon sa kanya na animo'y lumulusaw sa puso n'ya.
"Alis na hu ako. Baka mag-alala na si Ella." Aniya at nilingon si Fhaye saka may iniabot na libro. "Favorite book collection mo. Dapat last week ko pa 'yan ibibigay sa'yo kaso kagahapon lang ako nagkaroon ng time na pumunta dito." Saad n'ya doon na halos ikatalon naman noon sa tuwa ng makita ang libro. Sobra ang pasasalamat noon sa kanya.
"Sabi ko naman sa'yo na pwedeng-pwede kayong tumira dito. Welcome na welcome kayo." Sabad ng matanda na hindi n'ya naman sinagot bagkus ay sinulyapan n'ya lang.
"Mag-iingat kayo." Pahabol ng matanda.
"Hu?" takang tanong n'ya.
"Eh diba't may lakad pa kayo nitong si Alexander. Kaya mag-iingat kayo?" tugon naman ng matanda.
Nagsalubong ang mga kilay n'ya sa tinuran noon. ibinaling n'ya ang tingin sa lalaki.
"Eh kasi nga indebted ka pa rin sa'kin. Biruin mo nagpakalasing ka ng sobra at dahil doon hindi ko naman na-enjoy 'yong dinner kasi nga ang lakas-lakas mong uminom. Hindi ko naman akalaing lasinggera ka pala." Mabilis namang tugon ni Alexander nang tumingin s'ya doon.
"So saan ang lakad? Sana pagkatapos nito fully paid na ako." Aniya na ikinangiti noon. Ewan n'ya ba at hindi n'ya maintindihan kung bakit halos tumalon sa tuwa ang puso n'ya kapag ngumingiti 'yon. Napapapayag s'ya sa bagay na sinasabi noon.
"Since nagkasabay na tayong mag-dinner at palagay ko tapos ka ng magbreakfast so mas okay kung mag-la-lunch naman tayo ng sabay. Pero bago 'yon papahinga muna ako kahit ilang oras lang kasi nga eh napagod akong mag-jogging kanina." Ani Alex na pinagbigyan na naman n'ya. Nang makapagpahinga 'yon eh nagpasya na silang umalis doon sakay ng kotse nito.
Samantalang, nagbibihis na si Airyl ng tumunog ang cell phone. Inunahan pa n'yang magsalita ang nasa kabilang linya. "Hindi mo na kailangang i-remind Nolan." Aniya.
"Get ready for your best friend." Tugon naman ng nasa kabilang linya na sinagot n'ya ng "okay."
------------------------
Sa isang malaking Italian Restaurant s'ya dinala ni Alexander. Hinayaan n'ya na ring ito ang umorder ng makakain nila maliban sa drink na personal n'yang inorder para doon.
"This is my favorite restaurant." Basag ni Alexander sa pananahimik nila. "I only bring some of my special friends here." Muling sambit nito dahilan para mapatingin s'ya. "I mean, you are my friend though ayaw mo."
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories