TOIL 46

241 73 4
                                    


TOIL 46
JAC

Nakatingin lang si Daniella kay Jamille na tila ba sinusuri s'ya nito. 'Yong titig na matagal na n'yang napaghandaan. Nginitian n'ya ito katulad ng ginawa n'ya kanina nong salubungin n'ya ito sa Kapatiran. The resto has been temporarily close for today. Hindi pa rin ito makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Mrs. Matienzo. Kilala n'ya ang kapatid at kahit dalawang taon na ang nakakalipas alam n'ya ang ibig sabihin ng mga reaksyon nito.

Ibinaling n'ya ang tingin kay Irish na katulad ni Daniella ay nakatitig pa rin sa kanya. Si Fhaye ay nakatingin din sa kanya pero hindi katulad ni Daniella, hindi n'ya mabasa kung anong tumatakbo sa isipan nito. Magkakasabay na buntong-hininga ang narinig n'ya mula sa mga ito. Pakiramdam n'ya iniimbistigahan talaga s'ya dahil sa isang mesa ay kaharap n'ya ang mga ito, idagdag pa si Mang Austine na mas pinili na lang manahimik.

Hawak pa rin ni Daniella ang DNA Test Result. Bakas pa rin sa mukha nito na hindi pa rin ito makapaniwala sa lahat ng narinig mula kay Mrs. Matienzo. Kasinungalingan ang ibang sinabi ni Mrs. Matienzo kay Daniella pero kailangan nilang gawin 'yon. Ito ang kahinaan n'ya at kailangan n'yang protektahan ang kahinaan n'ya.

"Ibig sabihin, hindi nagkataon na nagkita kami ni Kuya Drake sa Palawan? Hindi nagkataon na s'ya 'yong client namin? Lahat ng 'to dahil sa'yo?" basag ni Daniella sa pananahimik at sinulyapan pa si Drake na napakamot na lang sa may batok kasabay ng pagngiti.

"Oooppps. Sorry." matipid na sambit ni Drake.

"And this piece of paper stating that your biological mother is Mrs. Matienzo, do you want me to believe all of this?" baling nito sa kanya na sinulyapan pa si Mrs. Matienzo na ngayon ay katabi na n'ya sa upuan. "And if I do believe this, ibig bang sabihin, hindi na talaga kita kapatid?" May lungkot sa mga mata nito.

"But I'll be your sister no matter what." binasag na rin n'ya ang pananahimik n'ya. Tiningnan s'ya ni Mang Austine.

"Pero nakalimutan mo na ako." malungkot na sambit ni Daniella. Natigilan s'yang saglit. Gusto n'yang sabihing naaalala n'ya ito at kailanma'y hindi n'ya 'to malilimutan pero hindi n'ya magawa at hindi n'ya 'yon gagawin.

"Pero hindi mo naman ako nakalimutan diba?" aniya na sinabayan ng ngiti at hinawakan n'ya ito sa kamay. "Daniella-"

"Ella." putol nito sa sasabihin n'ya. "Ella ang tawag mo sa'kin, ate." dugtong nito.

"Okay Ella." aniya na nakangiti pa rin. "I might have forgotten about you and our memories together but we could still make new memories together, diba?"

"That's different." Matipid na sambit nito. Natahimik s'yang saglit.

"Then pwede mo akong tulungan na maalala 'yon, diba?" Tiningnan s'ya nito sa mga mata. Bakas pa rin doon ang lungkot at pagkadismaya.

"Totoo ba talaga lahat ng 'to? Hindi kayo nagbibiro?" balik tanong nito sa kanya.

"I won't make up a story Daniella. If you're still not confident with the DNA Test Result we could request for another test." Sinulyapan nito si Mrs. Matienzo na s'yang nagsalita.

"Mahirap s'yempreng tanggapin na sa isang iglap lang malalaman mong 'yong taong nakagisnan mo na kapatid eh hindi mo naman pala kapatid. Wala na si papa, wala na si Kuya para patunayan 'yon." sabad ni Daniella. "Si mama, iniwan n'ya kami kaya hindi ko rin alam kung buhay pa s'ya."

"Daniella, kung buhay pa ang mama n'yo lumabas na 'yon at nagpakilala." Nabaling ang mata nila kay Mang Austine na binasag ang kanina pang pananahimik. "Jamille, hindi mahalaga kung sino ka pa. Ang mahalaga nagbalik ka na." dugtong pa nito.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon