TOIL 62

191 65 9
                                    

TOIL 62

JAC

Inihinto ni Trina ang sasakyan sa parking lot ng isang mamahaling coffee shop sa halip na sa opisina ni Mr. Monterey. Nakita n’ya sa instagram post ni Alexander na nandito ‘yon ngayon kasama ang ama. Wala ‘yong kaalam-alam that she’s actully stalking him and it will surely be a surprise if he saw her here.

“Are you sure about this, Jac?” nag-aalalang tanong ni Trina.

Wala ito sa plano kaya naman nababanaag n’ya sa pagmumukha ng kaibigan ang labis na pag-aalala.

“I’m sure about this. No need to worry.” she’s trying to make her feel at ease. “Parang normal na ginagawa na lang natin ‘to Trina. Gusto ko lang iparating kay Mrs. Avergonzado that she should not mess with me. Not anymore.” makahulugan ang ngiting ipinukol n’ya sa kaibigan bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Papasok pa lang sila ng coffee shop ay nakita na n’ya ang pakay n’ya sa lugar na ito. Umarte s’yang tila ba hindi alam na naririto rin ang mga ‘yon. Nakakailang hakbang pa lamang s’ya nang marinig n’ya ang pagtawag sa pangalan n’ya.

“Jac?” Tila ba nagulat pa s’ya nang makita si Alexander na s’yang tumawag sa kanya.

“Jac.” muling sambit nito nang ibaling n’ya ang mata sa table ng mga 'yon. Sinadya n’yang ipakita doon ang pagkabigla nang tingnan n’ya ‘yon. She’s good at it. She’s getting used to it, rather.

“Jac? You mean Jac Leviste Matienzo?” nabaling ang mata n’ya sa matanda na s’yang nagsalita. Napangiti naman s’ya ng makita ‘yon pagkuway lumapit na sila sa table na kinaroroonan ng mga ‘yon.

“Mr. Avergonzado? The great Mr. Julian Avergonzado?” puno ng paghangang sambit n’ya na mabilis namang tinanguan ng ama ni Alexander kasabay ng pagtayo nito. Nakita n’ya ang saglit na pagkunot ng noo ni Alexander sa tinuran n’ya.

“You knew my father?” sabat nito na tinanguan n’ya naman pagkuway ibinaling ang mga mata sa matanda.

“Sino ba namang hindi makakakilala sa papa mo. Sa sobrang daming charity works ng papa mo, walang hindi pwedeng makakilala sa kanya. Besides I met him once in one of my charity event, right Mr. Avergonzado?”

“Yeah. Yeah.” Tatango-tango namang sambit ng matanda. “Have a seat. Join us.” sinulyapan n’ya si Alexander.

“No, thank you. I think you and your son is on a date and I—”

“It’s okay. Please join us.” putol ni Alexander sa mga sasabihin n’ya pa sana. Sinulyapan n’ya si Trina na may pagpapahiwatig na gawin na nito ang dapat nitong gawin. Trina’s job is to make sure Mr. Rosales call Alexander just right in time. Her other job is to make sure na darating ang mama ni Alexander just right in time too.

“Excuse me. I just have to make a call.” paalam ni Trina na marahan n’ya namang tinanguan kasunod ng pag-upo n’ya sa bakanteng upuan na ini-offer ng ama ni Alexander.

“Napakaliit talaga ng mundo. I never imagine na magkikita tayo ulit dito. I heard so many things about you from my son.” saglit na napataas ang kanang kilay n’ya nang sulyapan n’ya si Alexander.

“Really?” Tumango-tango naman ang matanda.

“Good or bad?” she uttered na mabilis naman nitong tinawanan.

“Wala s’yang masabing masama. Everything’s good. I also heard that you just sponsored his wife’s—”

“Ah. That one.” putol n’ya sa sasabihin pa sana ng matanda.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon