TOIL 37

213 72 3
                                    

TOIL 37

JAMES AIRYL CHRIS

Tatlong linggo.

Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula nong maaksidente s’ya. Tatlong linggo na rin s’yang nagsisikap na bumalik sa normal ang paglalakad n’ya. Medyo na-damage ang kanyang binti pero sabi naman ng doctor ay hindi rin matatagalan at makakalakad na ulit s’ya ng normal. He is very eager na maging normal na ulit ang paglalakad dahil gusto n’yang s’ya na mismo ang maghanap kay Jamille.

Yes! It has been three long weeks. Ganoon na rin n’ya katagal hinahanap si Jamille at hanggang ngayon ay wala pa rin s’yang balita tungkol sa kinaroroonan nito. Hanggang ngayon umaasa pa rin s’yang makikita n’ya pa ito.

Tatlong marahang katok sa pinto ng kanyang silid ang nakapukaw ng kanyang atensyon. Bumukas ‘yon kung saan mula doon ay pumasok si Nolan.

“Kumusta na? May update na ba? Nakita mo na ba s’ya?” ‘yon kaagad ang tinanong n’ya. Nagbabakasakali s’yang sana, sana naman sa pagkakataong ito may good news ng dala si Nolan para sa kanya.

“Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ‘yong driver ng SUV na bumangga sa inyo.” Sa halip ay sagot ni Nolan. That’s the signal. Ibig sabihin wala pa rin s’yang update tungkol kay Jamille. “About Jamille—” he paused for a while kasabay ng pag-iling, “—wala pa ring update. Wala ring witness. ‘Yong mga CCTV naman in the area sira at wala ding use.” Muli n’yang ibinalik ang mga mata sa labas ng bintana ng silid kasabay ng paghigpit ng hawak n’ya sa baston na nagsisilbi n’yang gabay para makatayo ng tuluyan. Kasabay noon ang pagbabalik ng alaala.

*Flashback*

Mabigat pa ang talukap ng mata n’ya at medyo malabo pa ang paligid nang maimulat na n’ya iyon. And then he saw her mom’s worried face.

“Oh, finally.” He heard her mom uttered.

“M-mom?” medyo nahirapan pa s’yang makapagsalita. Nakita n’yang nakangiti ‘yon at napansin n’yang may pinahid ‘yong likido sa pisngi. “Are you crying?” he asked. Umiling naman ‘yon bilang tugon.

Inilibot n’ya ang mata sa silid na kinaroroonan n’ya. Kahit hindi na s’ya magtanong alam n’yang nasa hospital s’ya. Naalala n’yang bigla si Jamille.

“Jam.” Usal n’ya saka tiningnan n’ya si Mrs. Priscilla Reid na bakas sa mukha ang pagtataka. “Where’s Jam mom? Is she okay? How is she?” bumukas ang pinto ng silid dahilan para matuon ang pansin nila doon.

“James.” Masayang bati ni Lexi at saka mabilis na tumungo sa silid kinaroroonan n’ya. Hindi n’ya napaghandaan ang yakap nito pero pinagwalang bahala n’ya lang ‘yon.

“Is she okay?” tanong n’ya nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay ni Lexi sa tinuran n’ya. “Where is she? How is she?” muli ay tanong n’ya.

“Where is who?” sa halip ay balik tanong ni Lexi sa kanya. Ibinaling nito ang tingin sa ina n’ya saka muling ibinalik sa kanya.

“Si Jam. Last night we had an accident. You came and saved us, right?” muli ay sambit n’ya. muli n’yang nakita ang pagsasalubong ng kilay nito.

“You mean seven nights ago?” s’ya naman ang nagtaka sa sinabi ni Lexi.

“Chris, you’ve been asleep for the whole week. You had accident seven nights ago.” Ibinaling n’ya ang tingin sa ina. Mukhang may mali dito. How can that be seven nights ago? And how can he be sleep for that long?

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon