TOIL 57
JAC
Malamig. Pakiramdam n’ya ngayon nababalutan s’ya ng yelo. Tahimik lang s’ya at pinipilit n’yang kumalma sa kabila na kaharap na n’ya ngayon ang babaeng isa sa mga dahilan kung bakit pilit n’yang binago ang kanyang sarili. Kinakabahan s’ya na hindi n’ya maintindihan. Hindi n’ya alam ang dahilan kung bakit s’ya gustong makausap nito ngayon.
Nasa may dulong bahagi sila ng venue malayo sa karamihan ng mga guests. Napansin n’yang hindi inaalis ni Mrs. Carmina ang mata sa kanya na lalo lang nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Magsasalita na sana s’ya pero hindi ‘yon natuloy nang maramdaman n’ya ang kamay nito na humawak sa kanya. Mainit ang palad nito pero ang mga titig nito ang tila ba nagdudulot ng lamig na dumadaloy sa kanyang katawan.
“You are so beautiful, iha. Kamukha mo ang iyong ina.”
Mas lalo lang nagulo ang sistema n’ya. Hindi n’ya alam kung para saan ‘yon. Pero ‘yong mga katagang ‘yon ang tila ba dahan-dahang bumabasag sa yelo na bumabalot sa kanyang puso. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay tila ba unti-unting napapalitan ng init. Ngumiti s’ya dito. Totoong ngiti at walang halong pagkukunwari. Pinisil nito ng marahan ang palad n’ya. Ito na ata ang isa sa pinakaespesyal na sandali ng buhay n’ya.
“Kanina.” huminto itong saglit at tinitigan s’ya lalo sa mga mata. “Nakita ko kayo.” Napakunot ang noo n’ya sa sinabi nito.
“Kayo ng anak kong si Alex. Umalis kayo sa kalagitnaan ng party.” Unti-unting nawala ang ngiti sa labi n’ya sa mga kasunod na salitang sinabi nito.
“What matters most to me is the happiness of my son.” Pakiwari n’ya alam na n’ya kung ano pa ang mga sasabihin nito.
Kung kanina, unti-unti ng nawawala ‘yong bumabalot na yelo sa kanyang puso. Ngayon, iba na ang nararamdaman n’ya. Pakiwari n’ya mas kumapal ang yelo na ngayon ay unti-unti na namang bumabalot sa kanyang puso. Nakahawak pa rin ito sa mga palad n’ya at pakiramdam n’ya mas lalo s’yang gininaw.
“Kilala ko ang anak ko. Kilalang-kilala ko s’ya lalo na kapag may gustong-gusto s’yang isang bagay o isang tao.” Dahan-dahan n’yang binawi ang kamay n’yang hawak nito. Nakita n’yang sinulyapan pa nito ang kamay n’yang ngayon ay nakaalpas na sa pagkakahawak nito.
“I’ll be honest with you. My son loves you. He loves you so much.” Natulala s’ya at nanatiling tikom ang bibig sa kabila ng marami s’yang gustong sabihin.
“Looking at you, mukha namang may pagtingin ka rin sa anak ko.” Parang isang bombang bigla na lang sumabog ang mga katagang ‘yon. Pakiwari n’ya may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Pakiwari n’ya may kung ilang anesthesia ang tinurok sa kanya na para bang namanhid bigla ang buo n’yang katawan.
“He’s married, I know that. Baka kasi iniisip mong masyado naman akong insensitive. Pero knowing Angela, his wife, alam ko namang kaya n’yang ibigay ang kahit na anong ikakasaya ng asawa n’ya. She can even let him go kung pakiramdam n’ya may ibang makapagpapasaya sa anak ko.” makahulugan ang pahayag na ‘yon ni Mrs. Carmina pero hindi s’ya tanga para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
“Your mind might have forgotten everything pero naniniwala akong hindi nakakalimot ang puso.” makahulugan muli ang pahayag na sinabi nito.
“This night must be a very special night for you since it is your engagement night but let me tell you a story.” mas bumilis ang tibok ng puso n’ya. Pakiwari n’ya lalo lang s’yang kinabahan at lalo lang nanuyo ang lalamunan n’ya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories