TOIL 15

344 75 7
                                    



CH 15

Sa kabilang banda...

"Himala, dumalaw ka." Ani Lexi habang nakatuon ang mga mata sa screen ng computer at hindi man lang sinusulyapan si James.

"I'm sorry. 'Wag ka ng magalit oh." Ani James na nagpatingin doon sa kanya.

"Why didn't you called me nong nasa Hongkong ka. I waited for your call. Pero hindi ka tumawag." Ani Lexi. "Napatawad na kita for forgetting to greet me during my birthday pero 'yong hindi mo pagtawag sa'kin nong nasa—"

"I lost my phone and I've been busy about the business proposal. I'm sorry." Pagsisinungaling nito.

"Bago kita patawarin you have to treat me to dinner later." ani Lexi.

Ngumiti naman si James he really know his best friend pretty well. Ganun lang at mapapatawad na s'ya noon. He's going to tell her everything about Jamille pero hahanap s'ya ng pagkakataon at nasisiguro n'yang hindi 'yon ngayon since kakabati lang noon sa kanya.

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Alexander at hindi na n'ya nakita si Jamille sa halip si Daniella ang nag-asikaso sa kanya. With the help of his driver nagpadala na lang s'ya ng pamalit na damit upang hindi na umuwi sa condo.

"Gusto mo si ate noh." Hirit ni Daniella sa gitna ng pagkain nila ng agahan para sa kanya at tanghalian naman para doon. Muntik na s'yang masam-iran dahil doon.

"Maganda naman si ate at mabait kaya walang dahilan para hindi mo s'ya magustuhan."

"Kung sasagutin ba kitang hindi ko s'ya gusto sa halip gustong-gusto ko s'ya. Tutulungan mo ba ako sa kanya?" aniya na ikinangiti naman ni Daniella.

"Kahit hindi mo hilingin 'yan gagawin ko 'yan. Bakit? Kasi sigurado ako na gusto ka rin ni ate. 'Yon nga lang hindi n'ya pa maamin sa sarili n'ya 'yon." Ani Daniella at tinitigan s'ya.

"Pero sa tingin n'ya pa lang sa'yo at sa ginawa n'yang pagdadala sa'yo dito sa inuupahan namin. I'm sure of one thing may pwesto ka sa puso ng ate ko." Serysong dugtong nito.

"Isa lang ang hihilingin ko sa'yo. 'Wag na 'wag mong iiwan at sasaktan ang ate ko. Kung mayroon man akong gustong mangyari sa kanya 'yon ay ang magkaroon s'ya ng lovelife kung saan magiging masaya s'ya." Uminom ito ng tubig.

"Si ate ang lahat-lahat sa'kin at hindi ko s'ya ipagkakatiwala sa'yo kung hindi ako siguradong gusto ka ng ate ko."

Hindi n'ya expected na ganun kaseryoso si Daniella para sabihin sa kanya ang mga bagay na 'yon. Tinitigan n'ya 'yon at isa lang ang sigurado, sincere 'yon sa pagkakatiwala sa kanyang kapatid.

"Next week, aalis na 'ko papuntang Malaysia para sa training at maiiwan s'ya dito. Kahit hindi umimik si ate alam kong nalulungkot 'yon. Kaya ihahabilin ko s'ya sa'yo. 'Wag mo s'yang pababayaan. 'Pag nagkakasakit 'yon hindi 'yon umiimik kaya sana habang wala ako ikaw muna bahala sa ate ko. Kuya?" ani Daniella na animo'y nagpapaalam pa nong banggitin nito ang huling salita.

"Para sa ate mo lahat gagawin ko."

"Kung gagawin mo lahat para sa kanya dapat iwasan mong magkasakit kasi ikaw ang titingin sa kanya. paano na lang kapag nagkasakit ka. Usually ang alam ko kapag mayayaman sa ospital agad dinadala. Hindi ka n'ya masusundan doon. Hindi pumapasok ng ospital si ate dahil may phobia s'ya sa loob noon. Kaya para ma-protektahan mo s'ya dapat protektahan mo din ang sarili mo."

"Mahal na mahal mo talagang ate mo eh noh?"

"Sobra. Dahil kami na lang ang pwedeng magdamayan dito. Simula nong kunin ni Papa God si Papa at Kuya si ate ang naging sandalan ko sa lahat. 'Yong tipong para sa'kin tinatanggap n'ya lahat kahit nahihirapan s'ya. Kaya nga sinisikap kong makatapos ng may honor para makabawi man lang sa kanya kahit paano." Anito at bumuntong-hininga. "At tsaka nga pala. Kung may hindi ka dapat banggitin o itanong sa kanya, 'yon ay ang tungkol kay mama. Bawas points 'yon. Ayaw n'yang nababanggit sa usapan si mama. Hindi n'ya pa rin kasi matanggap na iniwan kami noon at umaasa pa rin s'yang babalik 'yon." Pahayag nitong muli na tahimik n'ya lang pinakinggan.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon