TOIL 66

233 69 26
                                    

TOIL 66

*    *    *
ANGELA

Isang linggo na rin ang nakakaraan simula noong malaman n’ya ang tungkol kina Jac at Alexander. Hindi n’ya itatangging hanggang ngayon ay hindi n’ya pa rin matanggap ‘yon. Dumagdag pa ang kagustuhan ni Alexander na ipawalang bisa ang kasal nila. He wants an annulment at ‘yon ang hindi n’ya kayang ibigay. Siguro kung noon nito sinabi ‘yon magagawa n’ya pang palayain ang asawa pero iba na ngayon. Kahit ano ay kaya n’yang gawin para lang manatili ang asawa n’ya sa kanya.

Nandito s’ya ngayon sa parking lot ng restaurant habang nakatuon ang mata sa dalawang sasakyang nakaparada na rin doon. Hanggang sa napahigpit ang hawak n’ya sa manibela nang maalala ang pangyayaring naganap sa pagitan nila ni Alexander.

FLASHBACK (one week ago)

Wala talaga s’yang balak na kausapin si Alexander. Nasa iisang bahay lang sila pero ilang araw na n’yang sinisikap na hindi magkatagpo ang kanilang landas para lang maiwasan ito. She’s sleeping at the masters room pero ‘yon ay sa study room na nagpapalipas ng gabi.

Pakiramdam n’ya tuloy mas lalo lang pinupukpok ang puso n’ya sa mga ginagawa nito. Kaya naman ayaw n’yang makarinig nang kahit na anong paliwanag mula dito. Masyado pang masakit para sa kanya ang mga nalaman at mas madadagdagan lang ‘yon kapag nakarinig s’ya ng kahit na ano pa sa asawa.

Papunta na dapat s’ya sa dining hall nang makita n'ya ang asawa na nasa sala. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay tumayo ito at diretsong itinuon ang mga mata sa kanya. Babalik pa sana s’ya sa silid pero napigilan s’ya ng tinig nito.

“Lets talk.” Seryoso ang tinig nito at nahihimigan n’ya na katulad n’ya ay nahihirapan na rin ito sa set up nila.

“Please. I need to talk to you. This is very important.” Napahinto s’ya sa paghakbang sa hagdanan. Huminga muna s’ya ng malalim bago tuluyang tinungo ang salas kung saan naroroon ang kanyang asawa.

Hindi n’ya na kailangan pang titigan ito ng mabuti dahil kahit sulyap lang alam n’yang stress na stress na rin itong katulad n'ya. Pero sa kabila ng stress na nabanaag n’ya sa mukha nito ay tila ba may kislap ang mata nito. Naupo s’ya sa couch sa harap lang mismo ng kanyang asawa.

“If you’re going to explain about—”

“I want an annulment.” Pinutol nito ang dapat sana ay sasabihin n’ya.

Parang bombang sumabog ang mga kataga nito na saglit na nakapagpa-umid ng kanyang dila. Binalot sila ng katahimikan. Hindi s’ya nakahulma sa tinuran nito.

“I know mahirap ‘to para sa’yo pero—pero I know ito ang makakabuti para sa’ting dalawa. So I—I just filed an annulment.” Anito at may ipinatong na dokumento sa mesa. Mas lalo lang s’yang natigilan. Napakuyom ang dalawa n’yang kamay na nakapatong sa kanyang hita.

“The ground for our annulment is that I’m having an affair while still married to you. I will take all the responsibility since ako naman talaga ang dahilan kung bakit kailangan nating—”

“S-so—this is what you really wanted?” sa wakas ay nagawa na n’yang basagin ang katahimikan. Right now, she’s completely broken.

“Have you planned it all? Sinabi ba sa’yo ni Jac na ganito ang kailangan mong gawin? Do you really think—”

“No.” sunud-sunod ang pag-iling na ginawa nito. “She’s against it. Ayaw n’yang ipa-annul ko ang kasal natin. She said, babae din s’ya at alam n’ya ang maaaring maramdaman mo. She’s very concern about you. This is all my decision. I want us to go our separate way. We are both hurting each other and—”

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon