TOIL 24

275 67 0
                                    


TOIL 24

---

Natapos na ang meeting ni Alexander pero wala pa ring Jamille na dumadating. Na-contact n'ya na si Irish pero nasa trabaho naman ito ngunit malinaw nitong sinabing umalis ng bahay si Jamille para pumasok sa trabaho. He's getting worried. Wala ang focus n'ya sa opisina. Naglalakbay ang utak n'ya. Makailang beses ring tumunog ang cellphone n'ya pero ni isa sa mga tawag walang nanggaling kay Jamille.

---

"D'yan sila umuupa ng kapatid n'ya. Bukod kasi sa malimit silang mapaalis sa inuupahan nilang bahay dati wala na akong ibang nalaman tungkol sa kanya." Pahayag ni Nolan habang nasa loob sila ng kotse. Limang metro lang ang layo ng pinaparadahan nilang kotse sa inuupahan bahay nina Jamille.

"Bakit daw sila napapaalis?" Sinulyapan n'ya si Nolan.

"Sabi ng ilang napagtanungan ko late minsan magbayad ng upa." Tugon naman ni Nolan na pinatay ang cell phone nang tumunog 'yon.

"Ang sama naman pala ng mga naging landlady nila. Nali-late lang ng renta pinalalayas na." Iiling-iling s'ya. Hindi s'ya makapaniwala doon. Na-i-imagine n'ya kasi ang itsura ni Jamille sa tuwing mapapalayas 'yon sa inuupahan.

"Thirty minutes na tayo dito. Hindi pa tayo aalis?" si Nolan.

Tumunog naman ang cellphone n'ya dahilan para hindi masagot ang tanong nito. "Si Mr. Rodriguez tumatawag?" baling n'ya kay Nolan. Sinenyasan naman s'ya nitong sagutin 'yon. After the call sinabi n'ya ang napag-usapan nila.

"Ngayon na?" hindi makapaniwala si Nolan sa sinabi n'ya.

"Oo! Nasa airport na s'ya." Maging s'ya hindi inasahan ang tungkol sa pagdating ni Fhil. Sa isang linggo pa ang sinabi nitong balik n'ya ng bansa kaya nagulat s'ya nang tumawag 'yon at sabihing nasa bansa na s'ya ngayon.

"Tara na." ani Nolan. Nagsalubong 'yong kilay n'ya. "Tinawagan ka n'yang nasa airport na s'ya. Isa lang ang ibig sabihin noon. He's also expecting you to be there. Halika na." animo nabasa ni Nolan ang nasa isip n'ya. Sinulyapan n'ya muna ang inuupahang bahay nina Jamille bago pinayagan si Nolan na patakbuhin na ang sasakyan.

Limang minuto lang ang nakakalipas nong umalis sila ay dumating naman ang kotse ni Alexander. Pagkababa noon ng kotse ay dumirecho agad 'yon sa bahay.

---

"Kuya?" Hindi inasahan ni Daniella ang pagdating n'ya. Hindi n'ya rin ito inasahan.

"Daniella? Bakit ka nandito ka? Diba dapat nasa Malaysia ka." Balik tanong n'ya dito.

"Mahabang istorya. Ikaw? Bakit nandito ka?"

"Ang ate Jamille mo nandito ba?" sagot n'ya dito.

"Pumasok na. Wala po ba sa opisina?" balik tanong nito bilang sagot. Napahawak tuloy s'ya sa ulo.

"Teka, bakit ka nga ba nandito? You're suppose to be here after three months pa diba?" bago n'ya sa usapan. Walang nababanggit sa kanya ang ate n'ya tungkol sa pag-uwi ni Daniella. "Kelan ka pa dito?"

"Kahapon lang kuya." Ani Daniella at iginiya s'ya papasok ng bahay. Pumasok naman s'ya doon. "Salamat sa pag-sponsor." Anito sa kanya. Gusto n'ya pa sanang itanggi 'yon pero nagsalita na naman agad ito. "Kapatid mo pala si Prof. Loiza? She was about to call you regarding the sponsorship pero pinigilan ko s'ya." Hindi n'ya maintindihan ito. Ikinwento naman nito sa kanya ang mga nangyari. Pakiramdam n'ya pinoproblema ni Jamille ang kapatid kaya bigla na lang itong nawala.

"Gagawan ko 'yan ng paraan. Huh?" aniya. He's making her feel like everything will be alright.

"Ganyan din ang sinabi sa'kin ni Prof Loiza at ni ate." Naalala na naman n'ya si Jamille.

"Ella, may alam ka pa bang pwede puntahan ng ate mo?" aniya na inilingan naman ni Daniella. Saka n'ya naalala ang lumang restobar kung saan s'ya nito unang dinala. "Sige ganito na lang. Tawagan mo ako kapag dumating na s'ya, huh?" aniya at ibinigay ang number kay Daniella.

"Kuya, hindi 'yon mawawala. Andyan lang s'ya sa tabi-tabi. Wag kang mag-alala." Ani Daniella nong nagpaalam s'yang aalis na.

Napaisip tuloy s'ya kung nagiging OA ba s'ya. Pero ano nga bang magagawa n'ya eh sa nag-aalala talaga s'ya.

Bigo s'yang makita si Jamille sa restobar. Sinubukan n'yang puntahan 'yon sa ilang park pero hindi n'ya rin 'yon nakita doon. Makailang beses n'yang tinawagan si Mench pero laging negative ang sagot noon sa kanya.

Samantalang, hindi makapaniwala si Mrs. Matienzo sa kwento ni Jamille. Hindi n'ya akalaing naging ganoon kahirap ang buhay nito. Nalaman n'ya ang pinaghuhugutan nito. Tutol man ang kabilang bahagi ng pagkatao n'ya sa kagustuhan nito pero maging s'ya ay nakapagdisisyon na ring tulungan ito. Unang dahilan ay tungkol na rin kay Kriskah at kay Lexi. Hindi naman s'ya ipokrita at aminado s'yang may galit din s'yang nararamdaman para kay Lexi. Kung hindi sana noon sinisi si Kriskah hindi sana 'yon magpapakamatay. Pangalawang dahilan, may sulat si Kriskah na hindi n'ya ipinabasa kay Jamille. 'Yon ay ang huling sulat bago ang suicide note. Kriskah asked her to help Jamille in any way she can. Pangatlong dahilan, namimiss n'ya ang anak at nong mabasa n'ya nga ang sulat na 'yon last year nakapagdisisyon na s'ya noon pa man na kahit ano para dito ay gagawin n'ya.

"You have to think it over. Pero kung 'yan ang gusto mo I'll be with you till the end, Jamille." Huling pahayag n'ya nong magpaalam na ito na aalis na.

"Nakapagdisisyon na ako. Tulong n'yo na lang ang kailangan ko." Diterminadong sagot naman ni Jamille sa kanya. "Gusto kong simulan na natin 'yon sa lalong madaling panahon." Dugtong pa nito.

Kinakitaan n'ya naman ito ng eagerness. Hindi n'ya ito masisisi. Pero sa nakikita n'ya kasi kinakain ito ng labis na kalungkutan at galit. Ganunpaman, nakahanda na s'yang tulungan ito.

"Then you have to come here again tomorrow." Aniya. "We have to start tomorrow." Muling pahayag n'ya ng mapansing may halong pagtatanong ang ipinukol nitong tingin sa tinuran n'ya. That ends their conversation. Hindi s'ya sigurado kong makakaya nga ni Jamille ang gusto nitong gawin. Looking at her napakabait ng batang 'yon para magawa ang mga sinabi noon. Inihatid n'ya hanggang sa may gate 'yon dahil tumanggi namang magpahatid sa driver n'ya.

"Lexi, what have you done to her?" tanging sambit ng isip n'ya. Oo nga't galit s'ya kay Lexi pero kahit paano nag-aalala pa rin s'ya dito. Ngunit sa pagkakataong 'yon na kay Jamille na ang pinakangsimpatya n'ya.


---


AN: Too much emotions...

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon