TOIL 33

251 74 4
                                    

TOIL 33
THREE DAYS AFTER: GONE

Pasado alas syete na ng gabi wala pa rin si Jamille. Hindi na magka-intindihan si Alexander sa katitingin sa wrist watch. May usapan sila ng babae pero heto s’ya’t dalawang oras ng naghihintay sa restaurant na tagpuan nila pero wala pa rin ‘yon.

In any minute darating na sina Lexi at ang pinsan n’ya. Ito na ang hinihintay n’yang pagkakataon, ang ipakilala si Jamille sa mga ispeysal na tao sa buhay n’ya.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli n’yang sinulyapan ang entrance ng restaurant sa pagbabakasakaling papasok na doon ang hinihintay pero wala pa rin ‘yon. He tried many times calling her pero unattended ang handphone noon.

Sa muling pagbubukas ng pinto ng restaurant ay puno s’ya ng pagbabakasakaling si Jamille na ang papasok doon pero bigo s’ya, sa halip ay si Lexi ang nakita n’yang kumaway mula doon.

“So what’s up? Anong sasabihin mo?” usisa kaagad ni Lexi nang makalapit sa kanya. “I called  Tita to ask about this pero sabi n’ya hindi n’ya rin alam.” Muling pahayag nito kasabay ng pag-upo sa bakanteng upuan sa harapan n’ya.

“You’re quite early.” Hindi n’ya sinagot ang tanong ni Lexi at muling sumulyap sa may entrance ng resto.

“Ano ba talagang meron?” pangungulit ni Lexi kasabay ng marahang pagtingin nito sa direksyon ng tinitingnan n’ya.

“You’ll see later.” Sa halip ay sagot ni Alexander. “Oh. Andito na rin si couz.” Aniya nang makita ang pumasok sa entrance. Tiningnan rin naman ni Lexi ang direksyon ng mata n’ya.

“Yow!” bati ng pinsan n’ya at tinapik pa s’ya ng marahan sa balikat kasabay ng pag-upo nito sa tabi ni Lexi. “So what’s up? Asan na ipapakilala mo sa’min?”

“Ipapakilala?” magkasalubong ang kilay ni Lexi nang ibinaling nito ang tingin kay Alexander pabalik kay Airyl.

“Hindi ba sinabi ni Alex? He’s going to introduce his special girl to us. Now, as in right now.” Nakangisi pang tugon ni Airyl kay Lexi.

“You mean—?” hindi na naituloy pa ni Lexi ang sasabihin nang nakangiting tumango si Airyl sa kanya.

“Alexander’s type?” He grinned after his cousin’s phrase.

“Yeah! It’s a surprise. Akala ko ba papunta ka na ng Cebu?” bago ni Lexi sa usapan at tiningnan ibinaling ang atensyon kay Airyl.

“I wasn’t able to see her kaya hanggang ngayon hindi pa ako nakakaalis.” Ani Airyl. “Wag ka ng magtampo. Pupunta talaga ako ng Cebu. Just waiting to see her first before I go.” Muling sambit nito.

Natigilang pansamantala si Lexi. It hurts her and that’s for sure. Pero hindi naman kasi s’ya papayag na tuluyang makapasok si Jamille sa buhay ng dalawang lalaking malapit na malapit sa puso n’ya. She will never agree to that even if that means fighting the will of the destiny. Well hindi naman talaga s’ya naniniwala sa tahdahana and whatever it takes she will do everything she could para pigilan ang pagpasok ni Jamille sa buhay nila.

“Then who’s that special girl? Ni pangalan n’ya hindi mo man lang binabanggit. Parang aayaw mong ma-search namin s’ya sa social media.” Si Airyl na may himig pagbibiro.

Bakit ba pakiramdam ni Lexi nakikitaan n’ya ng kinang ang ngiti ng dalawang ‘yon sa simpleng pag-iisip lang kay Jamille? She’s getting jealous and mad. She has to do something para hindi matuloy ang kung ano mang  pinaplano ni Alexander.

“Then you should tell me the name of your first love before I tell you mine.” si Alex na may himig pagbibiro din.

Airyl’s about to say something pero bigla namang sumabad si Lexi.

“So when is she coming?” si Lexi ang nagsalita. “That special girl of you?”

Muling naalala ni Alexander ang oras dahil sa sinabing ‘yon ni Lexi. He then gazed at his wrist watch. Bakit nga ba wala pa si Jamille.

“She’s actually on her way.” Ani Alexander na hindi naman talaga siguro kung nasaan na nga ba ‘yon. Hindi din kasi ‘yon nagtitext sa kanya.

“Okay, makikilala ko rin naman s’ya mamaya so why ask.” Si Airyl na pilyong ngumiti sa pinsan.

Napansin naman ni Lexi ang hindi mapakaling kilos ni Alexander. She knew when her friend is not at ease. Pero bakit nga ba?

“May problema ba Alex?”

Umiling lang ‘yon but still pabalik-balik ang mata nito sa entrance ng restaurant. He felt like something is really wrong. Hindi pa na-late ng ganito katagal si Jamille. Nag-aalala na s’ya.

“Couz, sure ka walang problema?”

Hindi na s’ya makapaglihim. “She should be here by now. Pero hanggang ngayon wala pa s’ya.” Aniya.

“Baka na-late lang.” si Airyl.

“Hindi dapat ako pumayag na hindi s’ya sunduin. Bakit nga ba ako pumayag?”

“You’re over reacting Alex. Na-late lang siguro ang ipinagmamalaki mong special girl.” Si Lexi na sinusubukang pakalmahin si Alex pero ‘yong totoo she’s wishing na sana lang hindi na nga dumating pa si Jamille.

---

Samantalang naratnan naman ni Daniella na tahimik na nakaupo si Mang Austin sa counter ng resto bar. Katulad ng dati mangilan-ngilan pa rin ang customer doon. Dumirecho agad s’ya sa kwarto but found the room weird. Natuon kasi ang mga mata n’ya sa isang box na nakapatong sa desk ng ate n’ya. Nagbihis na s’ya nang magdisisyon na silipin ang loob noon. Then it shocks her to see the note inside.

(While reading the note it was Jamille’s image na lumalabas.)

Daniella,

I’m sorry for leaving you this way. Pero ipinapangako kong babalikan kita. Sa ngayon kailangan ko lang munang umalis pansamantala. Hindi ko alam kung gaano katagal pero babalik ako. Alam kong magtatampo ka o magagalit dahil iniwan kita ng hindi man lang sinabi ang tunay na dahilan ng pag-alis ko. Pero hindi ibig sabihin noon na iiwan na kitang talaga. I’m going to make sure na babantayan at babantayan pa rin kita kahit wala ako sa tabi mo. Mag-iingat kang palagi. ‘Wag kang magiging pasaway kay Mang Austin. Make sure to eat your meals on time. I wont be like Mama who left and never come back. PANGAKO, babalik din agad ako. Gagawin ko ‘to hindi lang para sa’yo sa halip  gagawin ko ‘to para sa’kin, para sa’tin. I love you.

-Ate-

Hindi pa kaagad naintindihan ni Daniella ang laman ng sulat kung hindi pa n’ya nakita ang drawer ni Jamille. Bakante na ‘yon. Kinabahan s’ya. Sinubukan n’yang tawagan ang phone noon pero unattended. Hanggang sa nakita n’ya ang isang box ng phone sa loob din ng box. May note ‘yon.

“Ella, give this back to Alexander. I’m no longer using this. Tell him I have a message for him in it’s drafts.”

Nagmamadali s’yang bumaba. Dumirecho s’ya sa kinaroroonan ni Mang Austin.

“Mang Austin, si ate po?”

Tiningnan s’ya noon saka huminga ng malalim. “Kanina lang nakita ko s’yang umalis. Tinanong ko kung saan pupunta pero hindi naman nagsalita.” Pasisinungaling nito.

“Wala po ba talagang sinabi? Wala po kasi ‘yong mga gamit n’ya sa kwarto.” Nag-aalalang sambit n’ya. Nagpapanik na s’ya at sa ganung sitwasyon s’ya inabutan ni Fhaye.

“Ella, may problema ba?” usisa nito sa kanya.

“Fhaye, may sinabi ba sa’yo si Ate? Kahit ano?”

Nagtataka namang umiling sa kanya ang tinanong. Binalot s’ya ng kaba at pangamba.

Hindi basta aalis ang ate n’ya nang hindi nagpapaalam ng maayos sa kanya. Kilala n’ya ang kapatid pero nasaan na ‘yon ngayon?

To be continued…

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon