TOIL 38

254 74 28
                                    

TOIL 38
JOHN ALEXANDER

Malakas na musika. Nakakatulirong ingay. Sanay na sanay na s'ya sa ingay ng bar na 'to. Ito na halos ang nagsisilbi n'yang tahanan tuwing gabi. Wala ng bago. Muli n'yang sinenyasan ang bartender at katulad ng dati inabutan naman s'ya nito ng alak. Salamat na lang sa alak, kahit paano nakakalimot s'ys. Iinumin na sana n'ya ang laman ng bote nang maramdaman n'ya ang medyo malamig na kamay na pumigil sa kanyang braso.

"You've been drinking like crazy!" napatingin ako sa nagsalita. Medyo nagugulo ang utak ko dahil na rin sa tama ng alak. "Look, nakakailang bote ka na." muli ay sambit nito. Nagbublurred ang tingin ko kaya hindi ko halos makilala ang nasa harap ko ngayon. "It's me, Angela." Pagpapakilala nito.

"A-Angela?" balik tanong n'ya na halos magkandabuhol pa sa pagsabi.

"Yup. Angela Monterey Del Mundo." Paglilinaw nito. "And I'm here to stop you from drinking. Okay?" anito saka kinuha ang bote ng alak sa kanya and to his surprise ito ang uminom noon. Straight. "And since ito na ang pang labinlimang alak na naiinom mo ngayon, it means you have to stop. You've just reach your limit for tonight." Anito at saka bumaling sa bartender. "He's leaving. We're leaving." Anito at saka ipinatong ang cash sa bar counter.

"Lets go Mr. Avergonzado."

"H-hindi pa ako ta—"

"No! Lexi just told me to bring you home dahil nag-aalala na ang mommy mo so I'll bring you home. Okay?" anito at saka inalalayan na s'yang makalakad. He's too drunk to even walk on his own. Naramdaman na lang n'yang may tumulong na kay Angela para mailabas s'ya ng bar.

"Please." He uttered nang makasakay sa sasakyan ni Angela. "Don't bring me home." Dugtong pa n'ya. "I-I d-don't want Mom to see me like this." Buntong hininga ang narinig n'ya mula kay Angela at umandar na ang sasakyan.

Medyo naalimpungatan s'ya nang huminto ang sasakyan. Naramdaman n'ya rin ang pag-alalay sa kanya ni Angela. Mabigat s'ya at ramdam n'ya na nahirapan din 'yon.

"You're too heavy!" narinig n'yang sambit nito kasabay ng pagbagsak ng katawan n'ya sa medyo malambot na bagay. "I didn't bring you home so you don't have to worry. You're in my—" hindi na n'ya pinatapos pa ng pagsasalita si Angela.

"Jam." Usal n'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit mukha ni Jamille ang nakikita n'ya ngayon. Maamong mukha ni Jamille na nakatitig sa kanya. Malakas nga siguro ang tama ng alak na ininom n'ya. He's been seeing Jamille's face whenever he's drunk.

"Jam." Aniya at saka hinawakan n'ya ang kamay ng babaeng kaharap na n'ya ngayon.

"Alex?" pati ang tinig nito ay kay Jamille din. He smiled upon realizing that.

Si Jamille, kasama n'ya ngayon.

"Hey are you—" naputol ang mga sasabihin pa sana nito nang halikan n'ya ito.

Hindi n'ya alam kung gaano katagal ang halik na 'yon. Noong una hindi ito nagrirespond pero di-kalaunan ay tinugon na rin nito ang kanyang halik.

"I miss you." Aniya nang saglit na maghiwalay ang kanilang mga labi.

"I miss you too." Boses ni Jamille 'yon. Mukha ni Jamille 'yon. Hindi s'ya maaring magkamali.

He kissed her again. That kissed get deeper. Katulad ng paglalim ng gabi, sa hindi pamilyar na lugar ay sinulit n'ya ang pagkakataon. Ang boses ni Jamille, ang mukha ni Jamille. 'Yon lang ang nakapinta sa utak n'ya.

Ang bawat halik ay mas lumalim. Ang kanilang mga kamay ay mas naging mapangahas hanggang sa naganap na ang lahat. Ang kanilang katawan ay naging isa nang gabing 'yon.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon