TOIL 80
Sana ma-satisfy ang heart mo sa update na ‘to. It’s been like how many weeks ba or months? Hahaha. Anyway, sabi nga nila ang nagbabasa ng TOIL ay para lang sa mga pasensyoso hahaha.
Please don’t forget to keep safe and stay healthy. Mahal ko kayo mga bhe. Mwuaaahhhhuggggz.
-MhireJed/ItinakdangAsul
* * *
MANG AUSTIN
Sa gilid ng kanyang higaan ay tahimik s’yang nakaupo habang pinagmamasdan ang lumang imahe ng papa ni Jac habang nakaakbay ito sa isang babae na may hawak na sanggol. Muli s’yang bumuntong-hininga. Kung may lakas ng loob lang sana s’ya, matagal na n’yang naisiwalat ang lahat pero hanggang ngayon ay mahina pa rin ang kaniyang loob. Ngunit sa mga nangyayari ngayon, kailangang mayroon na s’yang gawin.
“Tay.” Mabilis n’yang inilipid ang kamay na may hawak ng litrato at saka napapitlag ng pagtayo.
Itinuon n’ya ang mata sa bukas na pintuan ng silid kung saan nakatayo na si Fhaye. Hindi n’ya alam kung napansin ba nito ang ginawa n’ya pero ang kapansin-pansin ay ang pag-aalala sa mukha nito.
“May bisita po si Ella.” Anito na ikinakunot saglit ng noo n’ya pero ‘di kalauna’y tumango na lang s’ya ng marahan.
“Susunod ako.” Matipid na sambit n’ya. Nakita n’ya pang nag-alangan si Fhaye. Sinulyapan s’ya nitong muli bago ito tuluyang umalis sa kaniyang silid.
Nang makasigurong wala na si Fhaye ay muli n’yang tiningnan ang litrato pagkuway isinilid ‘yon sa maliit na sulong ng cabinet na nasa gilid lamang ng kaniyang higaan. Lumabas na rin s’ya sa silid at tinungo na ang Kapatiran kung nasaan sina Daniella.
Kapansin-pansin ang bakanteng mga mesa na nasilayan n’ya. Pagkuway napako ang mata n’ya sa isang pamilyar na mukha na nakatayo sa harap lamang ni Daniella.
“Austin.” Agaw nito sa kanyang pansin nang makita s’ya.
“Carmina.” Tanging sambit n’ya.
Tahimik lang si Fhaye habang si Irish ay nasa may gilid na tila ba may tinatawagan. Si Daniella ay nakatayo lang at nakatitig sa ina na nasa harapan na nito ngayon.
“I’m here, Daniella. Hindi mo ba ako yayakapin?” sinulyapan n’ya si Daniella na kapansin-pansin ang pinaghalong pagkabalisa at saya. Kitang-kita n’ya sa mga mata nito na gusto nitong yakapin ang ina pero tila ba may pumipigil dito.
Ilang saglit pa ang nakalipas at si Carmina na ang mismong yumakap dito na ‘di kalauna’y sinagot na rin nito ng yakap.
“M-Ma.”
Mahina pero sapat na para marinig nila ang sinabi ni Daniella. Nanatili s’yang tahimik habang pinagmamasdan ang mga ‘yon habang si Irish ay nakatingin na rin sa mga ito at hindi na busy sa cell phone nito.
“Ma.” Muling sambit ni Daniella. Kitang-kita n’ya ang pagpatak ng luha nito. Bakas sa mukha nito ang pagkamiss sa ina. Kaya naman kahit may gusto pa sana s’yang sabihin ay mas pinili na lang n’yang manahimik. Hindi ito ang oras para sa mga sasabihin n’ya.
“Hindi na ako aalis.” Ani Carmina matapos umalis sa pagkakayakap. Pinahid nito ang luha sa pisngi ni Daniella. “Hindi na kita iiwan, kayo ng Ate mo. Pupunan ko ang mga panahong nasayang dahil sa kaselfishan ko. Andito na si Mama.” Dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories