TOIL 23
---
Bumungad kay Jamille ang isang napakalaking bahay. Hindi na s'ya nagulat doon. Alam n'ya kung gaano kayaman sina Kriskah. Hawak ang white envelope nag-doorbell s'ya. Mas pinili n'yang sadyain si Mrs. Matienzo dahil sa isang bagay na hihilingin n'ya dito. Nagpakilala s'ya sa guard at pinapasok naman s'ya nito matapos tumawag sa loob ng bahay. Huminga muna s'ya ng malalim. Hindi s'ya sigurado kung pagbibigyan s'ya nito sa hihilingin n'ya pero susubukan n'ya pa rin.
"Bumalik ako para bumawi sa ginawa kong paninisi sa'yo sa pagkamatay ng anak ko. Gagawin ko lahat matulungan lang kita. Lahat-lahat."
Muli n'yang narinig ang mga sinabing 'yon ni Mrs. Matienzo nang makita n'ya ito sa loob ng bahay. Maaliwalas ang living room na bumungad sa kanya but Mrs. Matienzo chooses to bring her to the garden area of the mansion. Dinalhan sila ng foods ng kasambahay ni Mrs. Matienzo pero hindi naman n'ya ginalaw 'yon. Iniabot n'ya dito ang white envelope.
"Have you read it?" Tiningnan n'ya itong mabuti at tumango lang. "I'm sorry that I'm too late to learned about it." Nagsorry na naman ito sa kanya. "There's another letter. Probably her last letter. It was about her wish and—"
Hindi na n'ya hinayaang makatapos pa ito sa sinasabi at nagsalita na s'ya.
"Ang sabi n'yo sa'kin gagawin n'yo ang lahat para makabawi. Di po ba?" Seryoso ang mukha n'ya. Mahigpit din ang hawak n'ya sa kaliwang palad.
"Oo! Anything para makabawi ako sa'yo."
"Gusto kong tulungan n'yo ako para kunin lahat ng mayroon si Lexi. Kaya n'yo ba 'yon?" walang pag-aalinlangang sambit n'ya. Nakita n'yang natigilan 'yon sa sinabi n'ya pero ito ang disisyon n'ya.
"Gusto kong sirain ang buhay n'ya. Gusto kong paluhurin s'ya sa harap ko na halos hilingin n'yang sana hindi na lang ulit kami nagtagpo pa. Gusto kong pagsisihan n'ya ang mga ginawa n'ya. Gusto kong gawin 'yon sa tulong n'yo." Muling pahayag n'ya na hindi man pasigaw ay may diin ang bawat salita.
Tama. Nakapagdisisyon na s'ya. Ang dating threat lang n'ya ay tototohanin na n'ya ngayon. Magagawa n'ya lang 'yon kung may tutulong sa kanya mas malakas pa ang koneksyon kesa sa koneksyon ni Lexi.
"Lahat ng maitutulong ko ibibigay ko sa'yo."
Hindi s'ya binigo ni Mrs. Matienzo. Nakahinga s'ya ng maluwag dahil sa sagot nito.
"Aagawin ko lahat ng pwede kong agawin sa kanya. Pababagsakin ko s'ya. Sisiguruhin kong magagawa ko lahat ng 'yon sa tulong n'yo."
She's testing the sincerity of Kriskha's mother. She wants to make sure na buo ang pagtulong na gagawin nito sa kanya.
"Is this all about the letter?" Tanong nito sa kanya. Tiningnan n'ya 'yon ng makahulugan. "I can see anger on your eyes, Jamille I can feel your hatred against her. Is this all about the letter? I want to know exactly what's pushing you to say those things to me."
"Ibig n'yo bang sabihin you're doubting if you will help me or not?" She replied her with another question.
"No!" Mariing tanggi nito. "I want to know exactly what's driving you to do something like that? Gusto kong malaman 'yon para alam ko kung paano kita matutulungan."
"I will tell you everthing. Pero makasisiguro ba akong sincere nga ang tulong na ipagkakaloob mo sa'kin?"
"Diba sinabi ko sa'yo na tutulungan kita sa lahat-lahat? Kung malalaman ko kung ano ang pinaghuhugutan mo mas magiging madali para sa'kin ang approach na gagawin ko."
"Impyerno." Aniya na puno ng poot at sakit.
'Yon ang ginawa ni Lexi sa buhay ko. Idinamay n'ya rin ang kapatid ko." She said while her eyes is still filled with anger. Higit pa doon nasa kanya ang simpatya ng babaeng nagluwal sa'kin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo lang ako tutulungan kay Lexi. Tutulungan mo rin ako para—" She took a deep breath and paused for a moment. "—para saktan ang tunay kong ina." She continued. Rage continue to run into her vein as she remember the face of her mother.
"You're going to hurt your own mother?"
"Kagabi pa lang wala na akong ina." Makahulugan n'yang sambit. "Maniningil na ako sa pagkakataong ito. Maniningil ako sa dalawang taong malaki ang pagkakautang sa'kin. Sisingilin ko si Lexi at ang walang kwentang babaeng muling nagbalik sa buhay ko." she took a deep breath. "Sisingilin ko sila ng buong-buo."
Nakita n'yang naapektuhan si Mrs. Matienzo sa sinabi n'ya. Siguro dahil isa rin 'yong ina. Dahil doon nakapagdisisyon s'yang ikwento ang tungkol sa dahilan ang pinagmumulan ng galit n'ya. Gusto n'yang malinawan ito kung bakit kailangan n'yang gawin ang mga bagay na 'yon. Nagsimula s'ya sa pinaka-umpisa.
-=--
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories