TOIL 56

292 69 48
                                    


TOIL 56

JOHN ALEXANDER

Still at REID’S Private Resort somewhere in Batangas…

Kanina pa s’ya naghahanap ng pagkakataon para makausap ng personal si Jac pero bigla naman ‘yong nawala sa paningin n’ya. Hindi rin s’ya nabigyan ng pagkakataon na makalapit dahil pakiramdam n’ya binabantayan ito ni Daniella na malimit n’yang mahuling nakatingin ng masama sa kanya. Kaya naman nang makita n’ya ‘yon na naglalakad sa kalagitnaan ng karamihan sa bisita kinuha na n’ya ang pagkakataong ‘yon para harangan ang dadaanan ni Jac. Naramdaman n’ya ang ulo nitong bumunggo sa kanyang dibdib.

Nasa Restroom si Angela at hindi n’ya rin nakita si Daniella, ito na ang pagkakataong pinakahihintay n’ya.

“A-Alex?” Tanging sambit nito nang makita s’ya.

Bumilis ang tibok ng puso n’ya nang marinig mula dito ang kanyang pangalan. Tanging ito lang ang may kakayahang magpabilis ng tibok ng puso n’ya sa simpleng tawag lang nito sa pangalan n’ya.

Hindi na s’ya umimik bagkus ay kinuha ang pulsuhan nito at saka hinila palayo sa karamihan. Dinala n’ya ito sa may mini theme park na hindi naman kalayuan sa venue ng party.

“Bat mo ako dinala dito?” Tanong kaagad ni Jac sa kanya ng makaupo sila sa mahabang bench hindi kalayuan sa may gilid ng hotel na pinagsi-stayan nila. It’s like a mini park. Mga ganitong theme talaga sa mga resort na pag-aari nina James ang hindi nawawala.

Ano bang isasagot n’ya sa tanong nito? Magsisinungaling ba s’ya?

“Alex?” untag nito sa kanya. Muli nitong banggit sa pangalan n’ya na lalo lang nagpawala sa kanya sa focus.

“I—I thought you want to leave the party so I brought you here.” Okay. Nagsinungaling s’ya.

“Leave the party? Why should I?” Takang tanong nito sa kanya.

“You—you look like you’re upset so I brought you here.” Bumuntong-hininga ito sa sinabi n’ya.

“I’m not.” Maikling sambit nito sa kanya. “Babalik na ako doon. Baka hinahanap na ako ni James.”

Hinahanap ni James? Kasama s’ya nito ngayon pero si James ang bukambibig nito? Ang unfair naman. Ang gusto n’ya lang naman makausap ito pero mukhang ayaw naman nito. Ang gusto n’ya lang naman masolo ‘to kahit ilang minuto lang pero tila ba ‘yong minutong hinihiling n’ya inaayawan naman nito.

“Jam—I mean Jac, kahit saglit lang. Lets stay here.” Seryosong sambit n’ya kasabay ng paghawak n’ya sa kamay nito upang pigilang umalis.

“May problema ka ba?” Tiningnan nito ang kamay n’yang nakahawak sa kamay nito pagkuway ibinaling ‘yon sa kanyang mga mata.

Kung pwede lang sana n’yang sabihin ang lahat eh di ginawa na n’ya. Kung pwede n’ya lang sanang sabihing nasasaktan s’ya ngayon, nasabi na sana n’ya. Kung pwede lang sana.

“Nag-away ba kayo ni Angela?” muling tanong nito sa kanya. Umiling s’ya. “Eh mas mukha ka pa ngang upset kesa sa’kin eh.” dugtong pa nito.

Yeah right! He’s very upset. Lalo na ngayong nararamdaman n’ya ang singsing na isinuot ni James sa daliri nito. Kung pwede n’ya lang sanang alisin ‘yon at palitan ng bago. Kung pwede n’ya lang sanang sabihin ditong tanggalin ‘yon sa daliri nito. Kung pwede lang sana.

“Wait. Why do I feel like there’s something different from the way you look at me, John Alexander?” Hindi n’ya pa rin inalis ang titig n’ya sa mga mata nito.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon