TOIL 34

268 74 3
                                    

"Fhaye, may sinabi ba sa’yo si Ate? Kahit ano?”

Nagtataka namang umiling sa kanya ang tinanong. Binalot s’ya ng kaba at pangamba. Hindi s’ya makapag-isip ng matino. Tinawagan n’ya si Irish pero busy ang phone noon kaya mas pinili n’yang si Alexander ang tawagan dahil nasisiguro n’yang hindi basta aalis ang ate n’ya nang hindi nagpapaalam ng maayos sa kanya. Kilala n’ya ang kapatid pero nasaan na ‘yon ngayon?

Dali-daling sinagot ni Alexander ang phone nang tumunog ‘yon. It was Daniella who’s calling him. Pakiramdam n’ya natuyo ang lalamunan n’ya sa ibinalita nito.

“What’s wrong Alex?” si Lexi. But instead of answering her mas pinili n’yang tumayo at umalis sa restaurant habang nagtataka namang nakatingin lang sa kan’ya ang dalawa.

“Alex!” Narinig n’ya pang tawag nong dalawa sa kanya pero nong mga oras na ‘yon kasi si Jamille lang ang nasa isip n’ya. Susundan pa sana ni Airyl si Alexander pero tunog ng cell phone n’ya ang pumigil sa kanya. He answered the phone.

“Yes hello?” aniya ng sagutin ang tumatawag na unknown number. Nakatingin lang sa kanya si Lexi. Tumalon sa tuwa ang puso n’ya nang marinig n’ya ang pamilyar na tinig na ‘yon.

“Airyl importante ba ‘yan? Mukhang wala sa sarili si Alex. I’m going after him. Sumunod ka na lang.” ani Lexi. He nod at her. Buong atensyon n’ya nasa kausap sa phone kahit na nakatingin pa s’ya sa papalayong si Lexi.

“I called because I want to meet you. I really want to meet you right now.” Si Jamille ang kausap ni Airyl sa phone. Halos hindi maalis ang pinta ng ngiti sa labi n’ya sa sinabing ‘yon ni Jamille.

“Yes.” He clears his throat nang ma-realize na napalakas ang boses n’ya. “Where are you?” excited na sagot n’ya forgetting about Alexander and Lexi. “Really? What a coincidence nandito rin ako. Saan ka?” aniya ng sagutin ni Jamille ang tanong n’ya. “Third floor? Then I’ll go there. Mabilis lang ‘to.” aniya.

Mabilis pa sa salitang pinakang mabilis ang ginawa n’yang pag-akyat sa third floor ng parehong  restaurant kung nasaan si Jamille.

Samantalang hindi na nakuhang hintayin pa ni Lexi si Airyl dahil nakita n’yang mabilis ng pinatakbo ni Alexander ang sasakyan. Mahalaga sa kanya si Alex dahil ito lang ang nagiging takbuhan n’ya sa tuwing may dinadala s’ya patungkol kay Airyl. Nagtyatyaga kasi itong makinig sa kanya. Kaya kahit pa nag-aalangan mabilis na rin s’yang sumakay ng sariling kotse at sinundan si Alex. May hindi talaga magandang nangyayari at alam n’ya ‘yon kahit hindi pa magsalita si Alex. Ang kailangan n’ya lang gawin ay alamin kung anuman ‘yon. Kaya n’yang mag-drive ng mabilis pero hindi n’ya maintindihan kung bakit hindi n’ya maabot-abutan si Alex gayong mabilis na ang pagpapatakbo n’ya.


Third Floor, Restaurant

Huminga ng malalim si Jamille nang makita n’yang papalapit na sa kinaroroonan n’ya si Airyl. ‘Yong totoo kanina pa s’ya sa restaurant na ‘yon. Nakita n’ya ring dumating doon si Alexander at maging sina Lexi. She also felt how worried Alex when he left this restaurant. Pero sa pagkakataong ito itinuon n’ya ang atensyon sa lalaking papalapit na sa table n’ya. She smiled though her heart is totally breaking.

“Hi!” bati ni Airyl sa kanya. Ngumiti lang s’ya bilang tugon sa pagbati nito saka inalok na ‘yong maupo. “Is this really happening? For real?” tanong naman kaagad nito sa kanya ng makaupo na. Nagsalubong ‘yong kilay n’ya. What is he even asking? “Ikaw ba talaga ang kausap ko ngayon?” muling tanong nito.

Ngayon nakuha na n’ya ang ibig sabihin nito. Mukhang hindi ito makapaniwalang kaharap na s’ya. Tumango na lang s’ya. Kailangan na n’yang masabi ang dapat ay sasabihin dito. She needs to do it fast.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon