TOIL 20

286 74 2
                                    

Nagulat pa nga s'ya dahil wala ng kandado ang pinto ng inuupahan nila. Hindi din naka-lock ang door knob nong pihitin n'ya 'yon eh ini-lock n'ya naman 'yon kanina. Kinabahan s'ya but she choose to slowly open the door. Hindi n'ya inasahan ang naratnan n'ya doon.

"Daniella?" gulat s'ya nang makita ang kapatid sa sofa.

Patakbo naman 'yong yumakap sa kanya. She can say na umiyak 'yon by simply seeing her eyes.

"Anong ginagawa mo dito? Diba three months pa bago matapos ang training mo?" aniya. Nabaling naman ang tingin n'ya kay Lexi na lumabas ng kusina may dalang tubig.

Umalis naman sa pagkakayakap si Daniella. Nakita n'ya ng malinaw na namumugto ang mga mata nito.

"Anong nangyari?" Worried na s'ya.

"Sige na sabihin mo na sa kanya." Si Irish at iniabot ang isang basong tubig kay Daniella. "Tell her Ella." Dugtong pa nito. Nagtaka naman s'ya. Hindi n'ya alam kung anong nangyayari.

Nakita n'yang pinipigilan ni Daniella ang pag-iyak pero patuloy lang sa pagdaloy ang luha nito. Pinahid n'ya naman ang luha nito.

"Ano ba kasing nangyari? You're making me worried." Aniya at tiningnan sa mga mata ang kapatid. "Sige sabihin mo kay ate. Anong nangyari sa training? Huh? Sinaktan ka ba nila doon?" Umiling lang 'yon sa kanya. "Eh ano? Ano bang nangyari?" Nagkaroon na ng tungo ang pag-iyak ni Daniella. Niyakap n'yang muli ang kapatid. She give her "what the heck happened" look at Irish.

Pinakalma n'ya muna ang kapatid bago muling tanungin 'yon. Ayaw kasing magsalita ni Irish tungkol sa nangyayari.

"Ate—" Daniella stopped as she hiccupped. "Diba sinabi ko sa'yo dati na nakakuha ako ng sponsor para makapag-training kasama ng second batch?" I nodded as she told me that.

"May sponsor naman talaga eh. Nalaman ko pa ngang si Prof. Loiza 'yong tumulong para makakuha ako ng sponsor. At si Kuya Alexander 'yong sponsor ko." pagbubunyag nito. She knew it. May kinalaman nga si Alex kaya nagkaroon na lang bigla ng sponsor si Daniella.

"Pero nong nasa Malaysia na nagkaroon ng problema. May natanggap na tawag si Prof. Loiza saying na may naging problema doon sa paper nong nag-sponsor sa'kin." Nagsalubong 'yong kilay n'ya.

"Ano daw problema?"

"Hindi sinabi ni Prof. eh. Pero narinig ko na parang may humarang daw doon sa mga papers. Kasi nga 'yong training program na 'yon ei project ng Monterey's Food and Industry. Someone from that company complained about how I get in eh denied nga daw 'yong papers ko." Suminghot naman si Daniella.

"It was their project daw kaya kung may mag-i-sponsor na iba dapat daw dumadaan sa kanila. Hindi ko nga maintindihan. Ang sabi kasi ni Prof. Loiza nong ipasa n'ya 'yong papers for sponsorship na-approved naman daw."

"Pero narinig din ni Ella na isang maimpluwensyang tao mula sa MFI ang nag-complain. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan i-complain eh okay naman na pala." Si Irish sumabad sa usapan nila.

"Wala namang maisip si Prof. Loiza na pwedeng gumawa noon. Kakilala n'ya 'yong anak nong MFI. 'Yon pa nga daw ang hiningan n'ya ng tulong since kaibigan din daw ni Kuya Alexander 'yong anak noon."

"MFI?" Daniella nodded. "Monterey's Food and Industry?" Mukhang alam na n'ya ang nangyari. "Lexi." Piping sambit ng isip n'ya.

"May third batch pa naman daw ng trainees kaso summer na 'yon. Tsaka 'yon eh kung papayag na 'yong MFI. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw nila sa'kin. Maganda naman 'yong grades ko at mga performance ko sa klase."

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon