TOIL 64
ALEXANDER
Cebu...
Hindi n'ya pa rin maintindihan kung anong problema sa proposal na iprinisenta n'ya kanina. Muli n'yang sinulyapan ang suot na wristwatch. Past ten na ng umaga at sa ganitong mga oras nag-i-expect s'ya na maayos na ang ipinunta n'ya dito. Pero look at him, andito s'ya ngayon sa resto ng hotel at sinusubukang basahin ang nilalaman ng isip ni Mr. Rosales. He invited him for an early lunch sa halip na sagutin kung tinatanggap ba nito ang proposal to be one of their companie's affiliate.
It's as if this will be the very first time na tila ba manganganib na hindi n'ya makukuha ang kliyente na ito. Hindi lang basta pipichuging manpower services ang kompanya nila. Take note, SCEMSI is the number one manpower employment service provider in the Philippines. Kaya nakakapagtaka na ang kompanyang tinatarget nilang maging isa sa kanilang affiliate company ay tila ba nagdadalawang isip pa sa proposal na inilahad n'ya.
"Mr. Avergonzado, you seemed bothered?" mula sa pagkain ay ibinalik n'ya ang mata sa lalaking nasa edad singkwenta na s'yang nagsalita. Nakangiti ito sa kanya pero pakiramdam n'ya mas lalo lang nakakaloko ang ngiti nito.
"The food in this hotel is quite good. I wouldn't invite you here if it's not." Itinaas pa nito ang basong may lamang alak.
"If you don't mind Mr. Rosales, can I ask you something?" Tinitigan s'ya nito na tila ba pinag-aaralan s'ya. "If you don't mind." magalang na ulit n'ya. Ngingiti-ngiti naman itong napailing sa kanya at nilagok na ang alak.
"Go ahead." mahinahong sambit nito.
"It's about SCEMSI's proposal." napansin n'ya ang saglit na pag-arko ng kilay nito sa tinuran n'ya.
"I'm here with the mindset of getting your company to be one of our affiliate but it looks like you're not satisfied with my proposal." seryoso talaga s'ya sa usaping ito. Malaki ang Modern Tech. Co. Ltd. (MTC) at kung makukuha nila ito siguradong wala ng makakakuha pa ng pwesto ng SCEMSI as number one employment provider in the Philippines.
"Well it's not that-" napahinto ito sa pagsasalita at saka marahang napatayo mula sa pagkakaupo pagkuway may tiningnan na tila ba kakilala n'ya. "-excuse me for a while. I think I saw a familiar face."
Gusto n'yang magprotesta pero mas pinili n'yang kontrolin ang sarili sa halip ay sinundan n'ya ng tingin ang direksyon na tinatahak noon. Nakita n'ya ang nakatalikod na babaeng s'yang sinusundan ni Mr. Rosales. Gusto nya tuloy matawa. This man is giving him quite an impression.
Ibabalik na sana n'ya ang mata sa table pero hindi 'yon natuloy nang lingunin ng babaeng 'yon si Mr. Rosales. Hindi s'ya makapaniwala sa nakita. Puno ng pagtataka pero pinagmasdan n'ya ang dalawa na sa pakiwari n'ya ay magkakilala. Hindi n'ya rin napaghandaan nang mapansin n'yang napatingin sa table na kinaroroonan n'ya si Jac. Nakita n'ya ang saglit na pagkagulat sa reaksyon noon. Marahan ang sunud-sunod na pagtango na iginawad nito kay Mr. Rosales at pagkatapos ay palapit na ito ngayon sa mesa na kinaroroonan n'ya.
"I'm sorry about a while ago pero hindi ko lang talaga mapapalagpas ang pagkakataong ito." hinging paumanhin nito sa kanya matapos paupuin si Jac sa bakanteng upuan. "This is Jac. I invited her to join us. Without her help baka kung saan na rin pinulot ang MTC. You see a year ago nagkaroon kami ng problema and thanks to her we overcome that." bakas sa mukha nito ang galak sa pagkwento. "By the way Jac, this is John Alexander of SCEMSI."
"Mr. Emmanuel, magkakilala kami." Parang tumalon sa galak ang puso n'ya dahil sa sinabi nito.
"Really? What a coincidence." bakas naman sa mukha ng matanda ang pagkamangha.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories