TOIL 43
DANIELLA
Tiningnan n'ya si Fhaye pero as usual nakatuon na naman ang atensyon nito sa binabasang fiction book. Minsan nga parang mas gusto pa nitong kasama ang libro n'ya kesa sa tao. Tiningnan n'ya ang phone n'ya to check upon the time. Hindi na s'ya nakatiis kaya naman tumayo na s'ya sa kama at lumapit na sa pintuan.
"Saan ka?" Nilingon n'ya si Fhaye. Nakatingin ito sa kanya at naghihintay ng isasagot n'ya.
"Well, nag-aalala na ako. Wala pa rin si Ate Irish. Ang sabi n'ya maglilibot lang s'ya pero hanggang ngayon wala pa rin s'ya so I have to go and look for her." Tumango-tango naman si Fhaye saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama nito. "And where are you going?" aniya.
"Samahan kita." Matipid na sagot nito kasabay ng pagtiklop sa librong hawak. Hindi n'ya pa naman nahahawakan ang doorknob ng pinto ay kusa na itong bumukas.
"Ate Irish." Tanging usal n'ya.
"Going somewhere?" tugon naman nito at saka pumasok na. Dumirecho ito sa sariling bed.
"Tatlong oras ka na kasing wala. Mag-aalas-otso na oh. Akala namin ni Fhaye nawawala ka eh kaya hahanapin ka na sana namin." Medyo pabiro pa ang pagkakasabi n'ya.
She's expecting magre-react ito sa sinabi n'ya pero tumango lang ito ng marahan. Hindi man nga lang ito ngumiti sa tinuran n'ya.
"May problema ba?" usisa n'ya dito nang mapansin n'yang tila ba may gumugulo sa isip nito. Tumingin naman ito sa kanya saka umiling ng marahan.
"Sigurado ka?" paniniguro n'ya na tinanguan lang nito ng matipid.
"Maliligo lang ako." Tiningnan n'ya si Fhaye na naabutan n'ya ring nakatingin sa kanya.
"Anong problema non?" mahinang sambit n'ya na inilingan lang naman ni Fhaye. Ano ba namang makukuha n'yang sagot dito eh tahimik pa 'to sa salitang tahimik. Kaya naman mas pinili na lang n'yang kunin ang cellphone, magpatugtog ng music at humiga sa kama.
"Fhaye." aniya. Taning "hmnnn" lang naman ang nakuha n'yang sagot mula dito.
"Nakita ko na ulit si Kuya Drake, ibig bang sabihin noon makikita ko na rin si Ate?" katahimikan ang isinagot nito sa kanya.
She took a deep breath at saka marahang ipinikit ang mga mata.
"Nong nakita ko s'ya kanina, somewhat umasa ako na baka kasama n'ya si Ate." Tanging sambit n'ya. Narinig n'ya ang muling pagbuklat ni Fhaye ng pahina ng libro na binabasa.
"Kapag bumalik na s'ya, anong sasabihin mo sa kanya?" napamulat s'ya sa tanong na 'yon ni Fhaye. Napangiti s'ya ng marahan dahil sa tanong na 'yon.
"I won't ask her anything. I would just hug her and that's it." Seryoso s'ya sa sagot na 'yon. Lagi n'yang isinasama sa mga panalangin ang kanyang kapatid.
"I know she has her own reasons. I won't ask her anything. I'll let her tell me what exactly happened." Huling pahayag n'ya. Hindi na s'ya muling nakarinig pa ng tanong mula kay Fhaye. Sinulyapan n'ya ito at napangiti na lang ulit s'ya nang makita itong busy na ulit sa pagbabasa ng libro.
IRISH
Nakasandal lang s'ya sa pinto ng shower room holding her head. Wala naman talaga s'yang balak lumabas kanina pero si Mr. Rodriguez na mismo ang nag-invite sa kanya. Ang akala n'ya tungkol sa Kapatiran ang pag-uusapan nila pero nagkamali s'ya. Napapikit s'ya nang maalala ang huling sinabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories