Patak ng ulan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Saka n'ya lang napansing may luha na ang kanyang mga mata. Ganun kasakit isiping nawala ang first love n'ya dahil lang sa komplikadong sitwasyon. Hindi n'ya pa rin talaga mapigilang lumuha kapag naalala si Drake kahit sabihing matagal ng nangyari 'yon at wala na rin naman s'yang nararamdaman pa para doon.What she said back then was just a threat but she has no intention of performing that. Bakit? Kasi sino nga ba naman s'ya para maagaw ang lahat ng mayroon ang isang Lexi na ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig.
Mula naman sa harapan ay may nag-abot ng puting panyo sa kanya.
"Ang lakas ng patak ng ulan. Kitang-kita sa mga mata mo." Tinig ng lalaking nag-abot ng panyo sa kanya. "Kunin mo na 'yang panyo kahit props lang. Tapos sumilong na tayo dahil mababasa na tayo ng tuluyan lalo na 'yang mga papel na dala mo kapag lumakas pa ang ulan." Muling sambit nito habang nakatingin naman s'ya sa panyong iniabot nito.
Ang huling tinuran nito ang tanging pumasok sa isipan n'ya. Ngunit higit sa papel ay natigilan s'yang saglit nang mapagmasdan n'ya ang mukha ng lalaking 'yon sa ilalim ng mahinang patak ng ulan.
Weird man pero nong makita n'yang nakangiti 'yon sa kanya nakaramdam s'ya ng animo'y mga kabayong nagtatakbuhan sa puso n'ya. Ang bilis ng tibok ng puso n'ya. Nagulat na lang s'ya ng punasan nito ang mukha n'ya gamit ang panyong iniaabot nito sa kanya kanina kayat tinabig n'ya 'yon ng mabilis.
"Sino ka ba? Kanina ka pa sunod ng sunod ah." Aniya at tumayo na sa swing at naglakad na naman ng mabilis. Kasunod n'ya pa rin 'yon.
"Total wala ka na rin atang balak na iwan ako, heto oh." Aniya at pabiglang iniabot ang dala n'yang mga folders at envelop doon kasama ang isang bag. Pagkatapos ay umupo sa nakitang bench at hinubad ang hills. "Dalhin mo man 'yan o hindi, nakawin mo man o hindi wala na akong pakialam." Aniya at naglakad na habang bitbit ang wedge.
"Ano ka ba? Kahit saan talaga ako pupunta susunod ka? Huh?" Iritado na n'yang sambit ng makarating sila sa isang maliit na coffee shop. Sakto namang walang tao doon kaya't sa labas noon na may bubong pa eh doon sila huminto. "Magnanakaw ka ba? Manggagantso? Kidnapper? O—" putol na sambit n'ya.
"Hindi ako masamang tao. Itong mukhang 'to?" May himig pagyayabang pang sambit nito sa kanya. "Kaya wala kang dapat ipag-alala pa. Okay?"
"Eh kung ganun bakit mo nga ako sinusundan?" muling tanong n'ya.
Para namang may kidlat na tumama sa ulo ni Alexander ng marinig ang tanong na 'yon. Bakit n'ya nga ba sinusundan 'yon? Hindi n'ya rin nga alam basta kanina nong mapulot n'ya ang wallet noon balak n'ya lang talaga sanang ibali. Pero heto't ngayon nga'y bitbit na n'ya ang mga gamit nito. S'ya si John Alexander Avergonzado, 27. Easy-going, gwapo ah basta nasa kanya na yong katangian nong sinasabi nilang COOL na lalaki. Bumagay pa sa kanya ang itim na itim n'yang buhok na kasing itim din ng mga pilikmata nya.
"Ano? Bakit mo ko sinusundan? Huh?" untag noon sa kanya.
Tinitigan n'ya muna 'yon. Hindi n'ya rin kasi alam ang isasagot. Hindi n'ya alam ang sasabihin kung bakit kasama s'ya noon ngayon at medyo basa na rin ng ulan.
"Ewan. Hindi ko rin alam. Basta nangyari na lang." naguguluhan n'ya ring sambit. "Pero 'wag ka ngang mag-alala hindi naman talaga ako masamng tao." Dugtong n'ya pa.
"Bakit may masamang tao na bang umamin na masamang tao s'ya?" mapang-asar na saad nito sa kanya. "Dahil hindi mo naman alam kung bakit mo 'ko sinundan siguro naman ngayon alam mo na ang dahilan kung bakit kailangan mo na akong iwan. Kaya tsupe. Alis na." bugaw pa nito sa kanya na parang aso lang s'ya.
"Hindi mo ba nakikita? Ang lakas na ng ulan oh. Mamaya na pag huminto." Sagot n'ya naman at saka ibinaling ang mga mata sa mga patak ng ulan. "Alexander nga pala." Muling sambit n'ya sa pananahimik nito. Pero parang nagpakilala s'ya sa hangin dahil hindi man lang s'ya pinansin nito. "Coffee?" muling alok n'ya dito na parang wala namang narinig.
Kaya naman mas pinili na n'yang pumasok ng coffee shop at umorder kahit hindi naman 'yon nagsalita. Hindi n'ya naman inakalang kukunin noon na pagkakataon ang pagpasok n'ya sa loob ng coffee shop. The next thing he knew patakbo na 'yong sumugod sa ulan at ng makakita ng jip ay sumakay na.
"She really has an attitude." Iiling-iling na lang n'yang sambit.
--------------------------
Hindi man s'ya nagsasalita alam na ng kapatid n'yang hindi maganda ang kinahinatnan ng meeting
n'ya kanina. Kaya naman sa halip na magtanong pa 'yon ay tanging yakap na lang ang natanggap nya mula dito.
Sa kabilang banda, napatigil naman ng pagtutuyo ng buhok si Alexander ng maalala ang encounter nya kay Jamille kanina. Naputol lang ang lihim n'yang pagngiti ng tumunog ang cellphone nya.
"Hello Princess." Pabirong bati n'ya ng sagutin 'yon. "I'm very sorry. Actually andun na ako kanina kaso something came up kaya hindi na ako nakabalik." Muling tugon n'ya doon. "Next time talaga babawi ako, promise 'yan. Baka magsumbong ka pa sa pinsan ko eh." Ngingiti-ngiti n'ya pang sambit. "Oo! Alam kong dumating na s'ya. Tumawag pa nga sa'kin 'yon eh." Pause. "Sige Princess may incoming call ako, urgent. I'll call you back. Bye." Pagsisinungaling n'ya at ibinaba ang phone at nagpasyang tawagan ang pinsan.
"Couz, tumawag sa'kin best friend mo. Hindi mo pa daw sinasagot ang mga tawag n'ya. She told me buti pa daw ako nakita na kita samantalang s'ya kahit anino mo daw hindi n'ya pa nakikita." Bungad n'ya agad ng sagutin noon ang tawag n'ya. "Surprise? Eh alam na nga n'yang nandito ka sa Pinas. Anong klaseng surprise 'yon?" pause. "Ah." Tatango-tango n'yang sambit ng marinig ang tugon noon. "Ikaw bahala basta't magpakita ka. Miss ka na noon." pause ulit. "Oh? Talaga? Nakita mo na 'yong kinukwento mo sa'min? Paano? Anong ginawa mo?" pause ulit kasunod ng malakas na tawa. "Okay. Okay. Basta pag nagkita tayo dapat ipapakilala mo na sa'kin 'yon. May ikukwento rin ako sa'yo. Matutuwa ka talaga." Pause ulit. "Okay. Sige. Sige." Huling sambit nito at ibinaba na ang phone.
"Princess, boto ako sa'yo for my couz, kaso lang mahirap na kapag puso n'ya ang nagpasya." Tanging sambit n'ya ng maalala ang best friend ng pinsan n'ya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories