TOIL 54

270 70 28
                                    


TOIL 54
* * *

Somewhere in Tagaytay: Matienzo’s Resthouse…

Makikita sina Mrs. Matienzo, Drake at Trina na seryosong nag-uusap sa may pinakang veranda ng resthouse nina Jac. Nakaupo si Mrs. Matienzo sa pinakang unahan ng long table habang si Trina naman ay nakaupo sa may pasaman, si Drake naman ay nakasandal sa pasamano at si Jac naman ay nakaupo sa tapat ng inuupuan ni Mrs. Matienzo. Di kalayuan sa may likuran ni Jac ang isang pamilyar na lalaki.

“Hindi ko pa rin talaga maintindihan. I know this is off topic Tita Shirley. But I really want to know your new plan? Bakit biglang nagkaroon ng engagement between Jac and James?” Binasag ni Drake ang pananahimik n’ya. Sinulyapan n’ya si Jac na pasimple ring tiningnan s’ya na katulad n’ya naghihintay din ng pwedeng isagot ni Mrs. Matienzo.

“Affected much ka na naman Drake. Hindi ka na nasanay kay Tita. She’s full of surprises. Let her be. Alam naman nating hindi s’ya gagawa ng isang bagay ng walang mas malalim na dahilan.”  sabad naman ni Trina. “Don’t tell me nagsiselos ka? Tsk! Tsk! Tsk!” na may himig panunudyo. Tiningnan lang naman ito ni Drake ng masama habang nangingiti na lang na umiling si Jac dahil sa pang-aasar ni Trina sa kaibigan.

“I’m sure there’s a reason behind it. At kung anuman ‘yon—” Jac paused for a while tsaka tumayo at naupo na rin sa pasamano hindi kalayuan sa sinasandalan ni Drake. “—nagtitiwala ako na makakabuti at makapagpapadali para sa plano nating pabagsakin si Lexi.”  Sinulyapan n’ya si Drake at ginawaran ng simpleng ngiti habang binabalot pa rin ng pananahimik si Mrs. Matienzo.

“Tatanungin ulit kita sa ikalawang pagkakataon sa araw na ‘to, Ryle.” Sabay-sabay na napatingin sila kay Mrs. Matienzo nang magsalita na ito.

“Nakanino pa rin ba ang loyalty mo?”

Tiningnan ni Jac si Ryle na nagsisilbi n’yang bodyguard. Nakita n’ya rin ang marahang pagsulyap nito sa kanya.

“Kay Ms. Jac po.” Matipid na tugon ni Ryle.

Tinitigan itong mabuti ni Mrs. Matienzo saka marahang tumango pagkuway ibinaling ang tingin kay Jac.

“Ma.” paunang sambit ni Jac.

“Baka isipin ni Ryle, nagdududa ka pa rin sa kanya. He has proven himself for so many times.” pagtatanggol ni Jac kay Ryle saka kinindatan pa ito pero nanatiling seryoso pa rin ang mukha nito sa kanya.

“Alam ko ‘yon Jac.” seryosong sagot ni Mrs. Matienzo.

“Pero malaki ang papel na gagampanan ni Ryle sa engagement night mo.” natigilan sila sa sinabi ni Mrs. Matienzo.

“Masanay ka ng hindi ka n’ya parati sinusundan. Masanay ka ng hindi na parating nasa’yo ang atensyon at oras n’ya.” Nagsalubong ang kilay ni Jac sa tinuran ni Mrs. Matienzo.

“Kung nitong mga nagdaang linggo ay si Jac ang pinababantayan ko sa’yo ng palihim, Ryle. Ngayon, si Lexi na ang babantayan mo.” Lahat sila sabay-sabay na napatingin kay Ryle. Bakas naman sa mukha ni Jac ang pagtutol.

“Ma, ikaw na ang nagsabi sa’kin. Pinagtangkaan ni Lexi ang buhay ni Ryle. He almost died two years ago. Hindi ako papayag na ilalapit mo s’ya sa taong muntik ng pumatay sa kanya. Alam natin kung gaano s’ya kabuting tao at kung bakit n’ya nagawa ‘yong mga ginawa n’ya sa’min ni James. He’s been force to do that. Wala s’yang choice Ma. He needed money to save his sister unfortunately niloko lang s’ya ni Lexi. Kaya hindi ako papayag na ilapit mo s’ya sa taong nagtangka na sa buhay n’ya.” Seryoso at bakas sa tinig ni Jac ang labis na pagtutol.

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon