TOIL 75

111 20 10
                                    


Hi!

It’s really been a long, long while. Been super busy that is why I wasn’t able to update this story. But since Christmas is coming this update is for all of you who are waiting for this story update. Thank you for still waiting and for still supporting kahit sobrang tagal ng updates. I’m really sorry. The next update might again take a long while or maybe who knows hehe.

Enjoy and don’t forget to stay safe and healthy wherever you are. Mwuaahh.

-MhireJed/ItinakdangAsul

TOIL 75

JAC

After what happened last night she’s a bit relieve. Totoo nga ang kasabihang truth will set you free dahil pakiramdam n’ya nakalaya na s’ya. Nasabi na n’ya sa kapatid ang tungkol sa katotohanang nagpanggap s’ya about having memory lose and about their biological mother. That was unexpected dahil wala sa plano at timing pero siguro blessing in disguise na rin ‘yon dahil sa ayaw man n’ya at sa gusto malalaman at malalaman din ng kapatid n’ya ang katotohanan, naunahan nga lang s’ya ng pagkakataon.

Muli s’yang napabuntong-hininga habang sakay ng elevator. Kagagaling n’ya lang sa lobby dahil inihatid n’ya ang kapatid at si Trina. Nagpaiwan s’ya dahil she and James has still things to settle. Pero habang sakay ng elevator ay muli n’yang naalala ang mga pahayag na binitiwan ni Ella kagabi nong nagkausap sila.

“But don’t you think you’re a bit harsh and unfair, Ate?” saglit na napakunot ang noo n’ya sa tinuran nito. Wala na itong luha sa mga mata pero bakas pa rin ang pamamaga noon.

“Kahit pagbali-baligtarin man natin ang pangyayari, hindi noon maitatanggi na ina pa rin natin s’ya.” Kapansin-pansin ang pilit na ngiting kumurba sa labi ng kapatid.

“Yes, iniwan n’ya tayo para sa ibang pamilya pero isa lang ang sigurado ako, minahal n’ya tayo. Kasi kung hindi n’ya tayo minahal bakit nandito tayo ngayon? Siyam na buwan n’ya tayong dinala sa kanyang sinapupunan. I don’t think napilitan lang s’ya na gawin ‘yon Ate.” Napalunok s’ya ng laway sa tinuran nito.

“Hindi mo naiintindihan Ella. May—”

“Naiintindihan ko Ate. Iniwan n’ya tayo at ginampanan mo ang responsibilidad mo sa’kin na dapat sana’y s’ya ang gumawa. To be honest, nagalit ako knowing she left us for another family. Nagalit ako knowing na biological mother ko pala s’ya at napakaganda ng naging buhay n’ya samantalang ako, tayo, heto. Nagalit ako na buo ‘yong pamilya na pinili n’ya. Nagalit ako dahil ang daming mga what ifs na pumasok sa isip ko. Pero—” huminto ito sa pagsasalita sa halip ay mas lumalim ang titig na ipinukol nito sa kanya.

“Pero nong nakita ko s’ya up close—” huminto itong muli sa pagsasalita, “—may kung anong bumalot sa puso ko at ‘yong galit parang—parang napalitan ng pangungulila.” Sinikap n’yang manatiling tahimik at hinayaan lang ang kapatid na magsalita.

“I’m sorry Ate, pero kanina, upon seeing her lying in the bed, unconscious, nakaramdam ako ng takot. Natakot ako na baka bigla na lang s’yang mawala ng tuluyan. Natakot ako na baka muli na naman n’ya akong iwan.” Nakita n’ya ang mabilis na pagpahid nito sa luhang mabilis ding pumatak sa pisngi nito. Mas nasaktan s’ya ng makita n’ya ang pilit na pagngiti nito.

“Ella, I know how much you long for a mothers’ care. I know how much you—”

“Ate, I know it’s too much pero pwede bang kahit para sa’kin—kahit para sa’kin lang, ‘wag ka ng magalit sa kanya?” natigilan s’ya sa sinabi nito. “Alam kong mahirap itong request na ‘to pero ang gusto ko lang—” nakita na naman n’ya ang pagpatak ng luha nito, “—this time, kahit mahirap, kahit makikihati lang ako sa oras n’ya, gusto ko lang makasama s’ya, kayong dalawa, tayong tatlo. Hmmnn?”

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon