Habang binabasa ni Jamille ang Marketing Strategy ng company nila eh bigla namang nahagip ng mata n'ya ang white envelope na ibinigay sa kanya ni Mrs. Matienzo kanina. Makailang beses n'ya 'yong sinulyapan pero mas pinili n'yang ituon ang buong atensyon sa binabasang libro. Makailang beses rin s'yang nakatanggap ng tawag mula kay Alexander pero mas pinili na lang n'yang 'wag na 'yong sagutin. Hindi n'ya rin sinubukang mag-reply sa mga text noon.
"Lexi was the cause of her death pero isinisi ko sa'yo 'yon. Isinisi ko sa'yo without knowing the real reason. Patawarin mo sana ako Jamille."
Ipinilig n'ya ang ulo nang maalala ang sinabing 'yon ni Mrs. Matienzo kanina. Hindi n'ya inexpect na bubuksan noon ang usapan tungkol sa pagkamatay ni Kriskah. Hindi rin s'ya makapaniwala sa sinabing 'yon ni Mrs. Matienzo.
"She committed suicide because of Lexi. Because Lexi blame her for everything. Hindi ko inisip na s'ya ang magiging dahilan ang pagkamatay ng anak ko. She is her bestfriend."
Muling umecho sa isip n'ya ang katagang 'yon ni Mrs. Matienzo. Sinulyapan n'ya ang white envelope pero pinigilan n'ya ang sariling basahin 'yon.
"Kung gusto mong malaman ang dahilan basahin mo ang sulat n'ya. I just want you to read the letter, Jamille."
Tinabunan na n'ya ang tainga n'ya dahil sa pagbabalik sa alaala n'ya ng mga katagang 'yon ni Mrs. Matienzo.
Nagpasya na s'yang isarado ang librong binabasa at matulog.
Samantalang...
Nakatitig pa rin si James sa bracelet saka ibinabaling ang tingin sa wedge. Matagal na pero hindi n'ya pa rin nakikita si Jamille. Hindi n'ya rin ma-contact ang number noon. Wala namang news si Nolan sa kanya tungkol sa kinaroroonan noon. Napahawak na lang s'ya sa ulo.
"Asan ka na ba? Bakit pakiramdam ko pinagtataguan mo na ako? Bakit pakiramdam ko hindi na kita makikita?" aniya saka kinuha ang cell phone at tinitigan ang mukha ni Jamille doon.
"Jamille, magpakita ka na. Gusto na ulit kitang makita." Aniya na animo kinakausap ang picture sa cell phone.
Naputol naman ang pagmumuni-muni n'ya ng biglang tumunog 'yon. Tumatawag ang pinsan n'ya.
"Hello couz?" He answered then pause for a while. "Oh? Bakit daw? May sakit ba?" He paused again. "Ano daw problema?" Muling usisa n'ya. "Hindi ko kasi dala ang cell phone ko kanina kaya hindi ko alam na tumatawag pala s'ya. Pero couz, kaw na bahala kay Bhe marami lang talaga akong iniisip sa ngayon." He said while staring at the bracelet then at the wedge. "Okay sige. Thank you." Then he hang up.
"I know what it feels like to be taken for granted, Lexi. I knew it because that's what I'm feeling right now." Then he went to his bed. Nakatulugan n'ya na hawak ang bracelet. He really misses Jamille so much.
...
Three days had pass. Nakapagdecide na si Jamille na ituloy ang relasyon nila ni Alexander. She think it's for the best. She's got to be with him and with her mother. It's like hitting two birds in one shot. Pero nagi-guilty naman s'ya sa isiping inililihim n'ya dito ang tunay na relasyon n'ya at ng stepmom nito. But that was her choice. Tatlong gabi n'ya 'yong malalim na pinag-isipan at hindi na magbabago ang disisyon n'ya.
They were not blood related so there's no reason para hindi n'ya ituloy ang relasyon kahit pa stepmom nito ang tunay n'yang ina. She loves him. Ito na lang ulit ang pagkakataong na-in love s'ya after ng kay Drake who happened to be her first love.
Tatlong araw na rin s'yang nasa field at inoobserbahan ang product nila. It was not her job but that was her way of thinking for her Market Strategy. Gusto n'yang makita kung paano exactly nag-ri-respond sa product nila ang Market. Malaki ang Department store na pinaglalagakan ng mga TECHXT product (mga electronic gadgets na ibinebenta ng company nila). This is an affiliate company ng SCEMSI.
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories