TOIL 27
---
Nanlaki ang mga mata ni Jamille nang marinig ang binitiwang pahayag ni Mrs. Matienzo. Napahigpit ang hawak n'ya sa pouch maging ang mga paa n'ya ay ramdam ang pagtutol sa mga narinig.
"Why? You can't do that?" usisa ni Mrs. Matienzo nang mapansin nito ang gulat n'yang reaksyon.
"B-bakit po? K-kailangan ba talagang gawin 'yon?" Tutol talaga s'ya sa sinabi nito.
"If you really want to get everything from Lexi then you have to sacrifice something for you to get her everything."
Hindi n'ya naunawaan ang sinabing 'yon ni Mrs. Matienzo. Basta ang alam n'ya tutol s'ya sa kagustuhan nito.
"Jamille, diba nga ang sabi mo sa'kin si Airyl ang lahat-lahat kay Lexi?" She nodded. "Kung ganun si Airyl ang dapat mong makuha sa kanya, hindi ba?" She nodded again as a sign of approval.
"Kung gusto mo talagang makuha si Airyl sa kanya kailangan mong isantabi ang nararamdaman n'yan." Anito at itinuro ang kanyang puso.
"Sinabi mo sa'kin na nong dumating sa buhay mo si Alexander napawi n'ya ang lahat ng galit d'yan sa puso mo. Sinabi mo rin sa'kin na mahal mo na s'ya. Kung hindi mo s'ya bibitawan hindi mo makukuha si Airyl. Hindi mo rin makukuha ang sinasabi mong lahat-lahat sa kanya-kay Lexi."
Hindi n'ya pa rin kaya ang gustong mangyari nito. Pero may point ito sa sinabi. Nagtatalo ang isip at puso n'ya.
"If you want to make someone suffer then you have to learn to control your heart so you can control others as well."
"Ibig mong sabihin kailangan kong i-give up si Alexander para makuha ko lahat ng mayroon si Lexi? Ganun ba 'yon?"
"Hindi lang si Alexander ang kailangan mong bitawan. Kailangan mo ring palayain ang sarili mo sa kabaitan na taglay mo."
Nagsalubong ang kilay n'ya. Hindi n'ya na naman naintinidihan ang huling pahayag nito.
"Hindi mo kayang kunin ang lahat sa kanya. 'Yon ang totoo." Natigilan s'ya sa tinuran nito. Pinalalakas ba nito ang loob n'ya o pinahihina?
" Alam mo kung bakit? Dahil masyadong mahina ang puso mo. Kung talagang gusto mong matupad ang mga plano mo kailangan mong bitawan ang mga kahinaan mo. At 'yon ay ang puso mo dahil 'yang puso mo ang kahinaan mo."
"Kaya kong gawin lahat ng 'yon ng hindi ko kailangang bitiwan si Alexander." Depensa n'ya.
"You told me that you want Lexi and your mom to regret everything that they did to you. Right?" Tumango s'ya. "You have chosen the most tough road. Kaya nga kung gusto mong magawa lahat. Kailangan mong maging masama sa mata ng mga tao na s'yang kahinaan mo."
"Mrs. Matienzo, maniwala ka sa'kin. Kaya kong-" Putol na sambit n'ya.
"Kung gusto mong matupad ang lahat ng naisin mo kailangan mong maging masama. Ibig sabihin noon kailangan mong maging masama ng buong-buo. Handa ka bang maging masama?"
Natigilan s'ya. Ganun ba talaga kahirap ang disisyong pinili n'ya? Kailangan n'ya ba talagang ituloy ang plano n'ya?
"Ang puso mo ang kahinaan mo at 'yan ang dapat nating isantabi, Jamille."
Tutol man ang puso n'ya ngunit may bahagi naman noon na nagsasabing gawin n'ya ang kagustuhan ni Mrs. Matienzo.
"Anim na buwan lang ang kailangan natin. Kung gusto mo ang tulong ko kailangan mong sundin ang payo ko." Tinitigan n'ya na lang ito. 'Yong titig na nagtatalo ang lahat ng bahagi ng utak at puso n'ya. "Sa nakikita ko sa'yo ngayon bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para pag-isipan kung itutuloy mo pa ang lahat ng plano mo."
'Yon ang huling pahayag na narinig n'ya kay Mrs. Matienzo bago n'ya iwan 'yon. Hindi s'ya pumasok ng opisina kahit maagap pa s'yang umalis sa mansyon noon. Dumirecho s'ya sa Restobar ngunit hindi katulad ng dati hindi s'ya uminom sa halip mas pinili n'yang tumambay lang doon. Tahimik at nakatitig lang sa kawalan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE ONE I LOVE
Romance"If you're ready to bleed then LOVE ME!" -Jamille Audrey Chandria- HIGHEST RANKING: #8 out of 745 #jamesreid stories