TOIL 25

259 72 0
                                    

TOIL 25

---

Hindi inasahan nina James na mag-aaya si Drake sa isang exclusive bar. 'Yong totoo gusto na sana n'yang iwan 'yon kay Nolan para bumalik sana sa inuupahang bahay nina Jamille pero hindi n'ya naman magawa.

"We will never be able to do this kapag nag-start na 'kong magtrabaho sa inyo." Drake said as he sip the glass of wine.

"We could still go out during your free time if you like." aniya. "Syempre laging on the go 'tong si Nolan. Diba Nolan?" Napilitan na lang namang tumango 'yon sa tinuran n'ya.

"I don't usually go out kapag may trabaho na kahit my free time pa." Seryoso si Drake pero ngumiti din naman. "Unless kailangan talaga." Muling pahayag nito at uminom ulit ng alak.

"Wala ka bang bibisitahin man lang dito sa Pinas? Wala ka bang naiwan? Tagal mo ring nawala dito eh." Usisa n'ya. Hinay-hinay lang ang pag-inom n'ya ng alak. Gusto n'ya pa talagang makabalik sa inuupahang 'yon nina Jamille.

"Except for my family, wala na." sagot nito. "But I'm going to visit them tomorrow. Hindi nga nila alam na nandito na ako unless magbasa sila ng news paper." Pabiro pang hirit nito.

"I'll go get another drinks." Ani Nolan na sinang-ayunan naman nilang dalawa.

The next thing he learned sumasayaw pala si Drake. Nong nakakarami na kasi ito ng naiinom pumunta na ito sa dance floor and started to dance. Dahil nga gwapo girls na ang lumalapit dito sa dance floor.

"Hindi mo ako ininform magaling pala s'yang sumayaw." Hirit n'ya kay Nolan.

"I didn't know that until today." Nolan replied while watching Fhil and finally uminom na rin ito ng alak.

---

Kotse kaagad ni Alexander ang natan-awan ni Jamille nang makarating s'ya sa lugar ng inuupahan nila. Sa may labasan na lang s'ya nagpahatid at nilakad na lang ang papunta sa kanila. Napabuntong-hininga s'ya nang makitang nakasandal lang doon si Alexander.

"Alex." Untag n'ya sa lalaki nang makalapit doon. Napalingon naman ito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" usisa n'ya nang makalapit sa kinaroroonan nito.

"Bakit hindi ka pumasok kanina? Nag-alala na naman ako. Alam mo ba 'yon?" Sa halip sagutin s'ya nito ay binalikan lang s'ya nito ng tanong din. She's tired but chooses to stay.

"May inasikaso lang ako. I'm sorry. Hindi ako nakapagpaalam." Aniya. "Kumain ka na ba?"

Tinitigan naman s'ya ni Alexander bagay na hindi n'ya inasahan. "Tungkol ba 'to kay Daniella?"

"Alam mo na pala 'yong nangyari sa kanya."

"She told me." Anito at hinawakan ang kamay n'ya. "If you're worried about her don't be. Everything will be alright. You just have to trust me."

"Ako na 'to. Kaya ko na 'to. Hmmnn?" sa halip ay sambit n'ya. Ayaw na n'yang ma-involve pa ito.

"Sabi ko nga sa'yo dahil nandito na ako wala ka ng dapat na ipag-alala." Ngumiti naman s'ya sa tinuran nito. "May iba ka pa bang problema?" Usisa nito.

"Wala naman. Wala. Bakit mo naitanong?" She sounds okay.

"Para kasing may iba sa'yo ngayon."

"Wala. Gutom lang ako. Halika sa loob." Sa halip ay saad n'ya dito at hinila na ito papasok sa loob ng bahay kung saan nakangiti naman si Daniella nang makita sila.

Gusto n'yang sabihin dito na pumunta s'ya sa hospital kagabi para kumustahin ang lagay ng papa nito pero hindi n'ya ginawa. While looking into Alex eyes parang tinutunaw na naman nito ang galit sa puso n'ya. Ngunit sa tuwing susulyapan n'ya ang kapatid bumabalik lang ang galit na matagal na n'yang tinitimpi sa puso.

Kinumusta n'ya ang papa ni Alexander at sinagot naman nitong ayos na 'yon at kailangan lang ng medication and complete bed rest. Then she acted like everything's alright without telling him how she feel and what she really feels. Looks like she's going to go back to herself again.

To be continued...

THE ONE I LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon